Uno's POV
Isang mahabang sandali ng katahimikan ang namamagitan sa amin ng aking ama. Patuloy lamang ako sa pag-inom ng aking alak.
Pagkakuwan ay bumuntong hininga siya saka nagsalita. "Bukas ipapakilala kita sa anak ng business partner ko, anak."
Tumango lamang ako.
"I hope you would give my business partner's daughter a chance."
Tumango ako.
"Hindi ka man lang ba magpo-protesta?"
Tumango ako.
"Hindi ka nagagalit na gagawin ko ito?"
I sighed. "There's no point. I don't have a reason to go against with what you want, papa."
"Pero tatanungin kita, Uno... Hindi mo ba gusto itong ginagawa ko? Please, answer me honestly, son."
Uminom muna ako ng alak saka yumuko.
"And then I'll take your silence as a yes,v ani papa. "Pero bakit wala kang sinasabi? Why didn't you throw a fit? Mas sanay pa ako na nakikita at naririnig ang pagrerebelde mo sa desisyon ko kaysa ganyan ka... Is it about that person, Bullet?"
Nag-angat ako ng ulo mula sa pagkakayuko at tumingin sa aking ama. Wala mang salitang lumabas sa aking mga labi ay nagtatanong naman ang aking mga mata.
"Now, I get your attention." My father smiled a bit. "Walang ibang ibinigay na detalye ang kapatid mong si Fei. She said she is not on the position to speak about the details. Mas mabuti daw na sa iyo na manggaling ang paliwanag. Iyon daw ang dahilan mo kaya ka pumayag na bumalik dito, di ba?"
Humigit ako ng malalim na hininga. May pait ang ngiting sumilay sa aking labi.
"Uno, I know we have our differences. And as a father and son our opinions always clash... Subalit sa kabila niyon, ama mo pa rin ako. And I am willing to listen if something's bothering you..." Tinapik niya ang balikat ko. "I hope you'll trust me as I am willing to hear you out."
"But what if hindi mo maintindihan, papa?"
"Try to make me understand then kaysa ganitong nakikita kitang nahihirapan."
"Promise that you won't laugh, papa. Listen to me hanggang sa matapos ako sa pagkukuwento."
Tumango siya saka ngumiti na may kalakip na seguridad na papakinggan niya ako.
"Akala ko noon—ang iniisip ko dati—ay sinadya mong ipatapon ako sa boarding school because you were embarrassed of me. Wala na kasi akong dinala kundi gulo at problema. I was mad when you sent me to Nam College," pagtatapat ko sa aking ama. "But then I met a very special person there, papa...
"Si Bullet. Sabi ko nga sa sarili ko na he's a lonely soul. Tahimik. Hindi magsasalita kapag hindi kinakausap. At pili lamang ang kinakausap niya... And when he smiles, there was still sadness in his eyes. May nag-udyok sa akin na kilalanin siya...
"There's a part of me wanted to see him smile genuinely. And I wanted that he would smile because of me. Ang hirap niyang i-please kasi hindi niya ako kinakausap. Para akong tanga na nakikipag-usap sa pader at naghihintay ng sagot. Ganoon ang pakiramdam ko dati kapag kakausapin ko siya."
Hindi ko napigilang matawa nang maalaala ang mga pagkakataong iyon. Maging si papa ay napatawa rin aking kuwento.
"Sinusundan ko siya kahit saan siya pumunta para pansinin niya ako. I played pranks on him so that he would speak to me. Masaya ako kapag naaasar siya because I was able to prove that he at least acknowledge my existence...
"And then there was this time na akala ko iinom siya ng lason. I took it from him. Hindi yata ako nag-iisip ng tama noon kasi ininom ko yung iinuin niya dapat...
"I guess, that was the time when I want more than being noticed by him. I don't know why during that time." Humigit ako ng malalim na hininga at tumingin sa aking papa. "Papa, I was at my happiest when he smiles at me. Kapag magkasama kami hindi ko iniisip ang sasabihin ng iba. I can't think of anyone but him who can make me go crazy and do things I'v never done before kagaya ng matyagang paghihintay sa kanya kahit basang-basa ako ng ulan. He's someone I wanted to hold hands with kahit maraming tao..."
Ikinuwento ko pa ang ibang detalye hanggang sa sandali noong nakita ko si Bullet at si Choi.
Silence took over when I finished telling my story.
Matamang nakatingin sa akin si papa. "Hearing your story about Bullet, I can tell that you see him more than as a friend. You love him, don't you?"
Walang pag-aalinlangang tumango ako. "I'm sorry if you are disappointed—"
Hinawakan niya ako sa balikat. "Son, if you're going to apologize for being inlove, then don't. Kung iniisip mo na mali ang nararamdaman mo, hindi yan mali. You are you. Nothing can change that. You can love whoever you want but you have to be brave to fight for it. Are you?"
Tumango ako. "Hindi ka galit, papa?"
"That you're inlove with a guy?" tanong niya saka umiling. "I did not expect it to be honest. But after hearing your love for this person, how can I argue with that? No wonder hindi nagbigay ng detalye ang kapatid mo. Ang akala ko may kuntsabahan na naman kayo just like what you used to do... So are you into guys now?"
Umiling ako. "I can't tell, papa. Si Bullet lang ang lalaking minamahal ko ng ganito."
"Well," he smiled. "Whatever this guy did to you, I am grateful. Because you've grown already. Ang matapat mong pagsasabi ng tungkol sa nararamdaman mo is a clear evidence that you're mature enough... I'd like to meet your man, anak. I'm sure your mom would like the idea too."
I shook my head and looked away. "Hindi na siguro mangyayari iyon, papa."
"Bakit? Dahil sa ikinuwento mo na nakita mo siya na may kasama na iba?"
I nodded.
"But you did not dare to ask for the truth. Nakita mo lang sila pero hindi mo siya kinausap para malaman ang totoo. Malay mo may ibang dahilan pala and you're just jumping into your hypothetical conclusion."
"Parehas kayo ng sinabi ni Fei."
"I see. Sinabi na pala ng kapatid mo pero hindi mo pa rin pala ginawa."
"I was afraid," pag-amin ko. "And I am still afraid..."
"...dahil baka hindi mo magustuhan ang maririnig mo," pagtatapos niya sa aking sasabihin.
Tumango ako.

BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomantizmPumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...