Uno's POV
"For the record, I didn't kiss Bullet. Nakita mo kami sa ganoong sitwasyon kasi may kinukumpirma ako. I tried to confirm to myself kung siya nga ba ang gusto ko o maling tao ang pinagtutuunan ko ng pansin all this time. And it's the latter... Bullet said that he likes me... as a friend. Kung pinakinggan at pinanood mo kami ay hindi ka magkakaganyan...
"Si Rei. Si Rei ang mahal ko. At si Bullet ay kaibigan at mananatiling kaibigan ko," pahayag ni Choi.
Natigilan ko. Hindi ko lam ang sasabihin ko. Binalot ako ng pagkahiya sa aking ginawa.
"You're throwing a fit for wrong reasons, Uno... And about the status. It's about you! Kaya kung may bubugbugin ka, bugbugin mo ang sarili mo!" Tumayo siya at hinila ako para tumayo rin. Hinila niya ako patungo sa isang direksyon. "Hindi ka naniniwala? Sumama ka sa akin. Tara!"
"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang wala akong magawa kundi magpadala sa kanya.
"Basta? Sinisigurado kong malilinawan yang isip mo."
Huminto kami sa may dulo ng pasilyo bago lumiko. Sumandal kami sa pader. Sinenyasan niya akong huwag maingay.
"Si Uno ba..." hindi ko sigurado kung sino ang may-ari ng tinig na iyon. Ngunit kutob ko ay boses ni Rey iyon. "Did he tell you that he loves you?"
"If he did, sinagot mo ba ng "I love you too"?" tinig iyon ng isa sa kambal. Si Calix iyon kung hindi ako nagkakamali.
"If you did not... The why?" If I was not mistaken, it was Felix's voice.
"I guess, I figured out why he left, guys..." bises iyon ni Bullet. Hindi ako maaaring magkamali. "Kasalanan ko... Nagsimula lahat iyon ng inumin niya ang gayuma. Iyong gayumang iyon ay para sana sa akin. Iinumin ko para makalimutan ko ang noon ay hindi ko pa mawari na damdaming nararamdaman ko para kay Uno...
"Lagi siyang sumasagi sa utak ko. Kahit sa pagpikit ko his image flash on my mind. Hindi ko maalis din sa isip ko kapag nginingitian niya ako sa tuwing aasarin niya ako. It makes my heart beats unconditionally...
"The potion was supposed to forget this feeling starting to grow in me. Yung gayumang iinumin ko sana, akala niya ay lason. Pagkatapos niyang inumin iyon thinking he'd save me. But it actually complicated things. Sabi kasi ng shaman sa akin, the potion would take effect as a love potion when Uno drank it. Hindi naman para sa kanya iyon in the first place...
"Sabi ng shaman para mawalan ng bisa ang epekto ng gayua ay tulungan ko si Uno. To stay with him. Kapag hinalikan niya ako sa labi, magiging permanente ang epekto ng gayuma. Para tuluyang mawalan ng bisa... I have to sleep with him," bumuntong hininga si Bullet ng malalim.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Namalayan kong nakatingin sa akin si Choi na nasorpresa din. Hindi ko alam kung ano ba ang tama kong maramdaman sa mga sandaling iyon.
"Hindi ko inaasahan na habang tumatagal na kasama ko si Uno ay mahuhulog ang damdamin ko sa kanya. Sa palagay ko ay bago ko pa tinangkang uminom ng gayuma ay gusto ko na siya. The unknown feeling that I can't define before, it's love. Ad yes, inaamin ko mahal ko na si Uno... However, I wasn't able to say it to me. Isa pa noong sinabi niya sa akin na mahal niya ako ay lasing siya.
"Iniisip ko na baka kung alin lamang sa dalawa ang dahilan kaya niya sinabi na mahal niya ako. Natatakot ako na baka dala lamang iyon ng epekto ng gayuma o dala ng kanyang kalasingan." Bullet sighed heavily.
I could feel the sdness and honesty with wht he said. Ngayon ay tila nalinawan ako sa mga narinig ko. Nabigyang kasagutan ang mga bumabagabag sa aking puso at isip.
Akala ko ay ako lamang ang nahihirapan. Si Bullet din pala. My pingdadaanan pala siya. At para akong gago na iniisip ko lamang ang sarili ko.
"Aish..." boses ni Felix. "Dapat pala hindi na kita tinulungan sa paghahanap ng shaman. Sorry, Bullet, nalagay ka tuloy sa sitwasyong iyan."
"Ako naman," si Calix. "Hindi ako naniniwala sa gayuma. Mas naniniwala ako na mahal ka ni Uno. Naniniwala ako sa nararamdaman niya para sa iyo."
Napatango ako bilang pag-sang ayon. Sigurado ako sa nararamdaman ko kay Bullet. Hindi ito dahil sa gayuma. Mahal ko talaga siya.
"I agree with him," si Rei. "At saka hindi ba kapag lasing daw doon nagsasabi ng totoong nararamdaman ang isang tao?"
Napatango uli ako bilang pag-sang ayon sa natinig ko. Kahit may impluwensya ako ng alak noon ay alam ko ang sinasabi ko. Totoo ang nararamdaman ko.
Nagsalita uli si Rei. "Bullet, sa palagay ko at nakikita namin na mahal ka ni Uno. Kahit noon pa dahil batid namin na lihim ka niyang sinusulyapan kapag hindi ka nakatingin."
Nag-init ang pisngi ko. I feel guilty dahil ginagawa ko nga iyon. Loko ka, Rei, ibinuko mo ako.
"Daig pa niya ang isang detective para sundan ka kasi gusto ka niyang kausapin," sabi ni Calix.
Isa ka pa, Calix. Pero thank you sa pag-suporta, naisaloob-loob ko.
"At kung akala niya noon na lason yung gayuma na iinumin mo dapat, ibig sabihin ay handa siyang iligtas ka sa kapahamakan. Handa siyang mamatay," wika ni Felix.
Yes, I am. And I would do it again for him kung kailangan. Masaya akong malaman na mahal ako ni Bullet. Ako pala ang mahala niya. It was stupid of me to think it was somebody else.
Ang tinig ni Choi ang pumutol sa aking pagmumuni-muni. "At handa siyang nakipag-basag-ulo huwag ka lang masaktan."
Noon ko lang namalayang wala na siya sa aking tabi at nagpakita na siya kina Rei, Calix, Felix at Bullet.
"Bullet, your man is here."
Sinenyasan ako ni Choi na lumabas sa aking pinagkukublihan. I was actually feeling doubtful if I should show my face to Bullet. Parang bigla akong hindi handa na harapin siya pagkatapos kong ma-realize ang katangahan ko.
Subalit mas nanaig ang pananabik ko na masilayan siya. Kaya naman lakas loob akong lumabas muka sa aking pinagkukublihan.
My heart fluttered when my eyes locked with Bullet's. All I was seeing was my dream about to come true.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
