"Nam College."
Binasa ko ang malalaking letra na nililok sa malaking bato sa may arko ng paaralang iyon.
Ito ang pag-aaralan at titirahan ko sa loob ng apat na taon.
Ang Nam College ay isang boarding school na eksklusibo para sa mga kalalakihan. Hindi lahat ay nakakapag-aral doon dahil sinasala ng mabuti ang mga magiging estudyante na maaaring makapag-aral sa institusyon. It's not just about the money one person could pay, but it's about someone's dedication to finish his studies.
I should feel grateful that I was chosen to be one of their incoming students. Subalit kasabay rin noon ang munting takot sa aking dibdib dahil isang bagong kabanata iyon ng aking buhay.
Mas pinili kong bumaba sa harap ng campus mula sa aking sinasakyan at lakarin na lamang ang patungo sa dormitory.
Summer pa kaya mangilan-ngilan lamang ang mga estudyante na aking nakikita. Marahil sila yung mga nagsa-summer class, naisip ko.
Unti-unti nang nawala ang kaba na aking nararamdaman dahil sa gaan ng atmosphere sa lugar na iyon.
Sa plagay ko ay magiging masaya ang mga panahong ilalagi ko dito.
Hindi ako nainip sa paglalakad patungo sa dormitory dahil nalibang ako sa pagmamasid sa daan. Napakalaki ng campus kung tutuusin. At inabot ako ng halos beinte minutos sa paglalakad. Mabuti na lamang at hindi ako naligaw dahil sa dala kong campus map.
Pagkarating ko sa lobby ng dormitory ay malugod akong inasikaso ng care taker doon.
"Welcome dito sa Nam College at masaya ako na dito ka sa dormitory na ito na-assign."
Tumango ako.
"Ano nga uli ang pangalan mo."
I swallowed before I said my full name.
Tumango ang care taker. "It's nice to meet you. Balik ako ang care taker nitong dormitory ngayong bakasyon. Incoming Freshmen ka pa lang, hindi ba?"
Tumango ako.
"Okay... Maaga kang dumating kumpara sa iba. Kalahatian pa lang ng summer break, ah. Kaama ka ba sa mga mag-a-advance class?"
Umiling ako.
"Ah... kunsabagay, hindi lang ikaw ang maagang dunating na incoming freshmen. Wala namang kaso iyon. Pero baka mainip ka kasi bakasyon pa... unless mag sa-summer job ka?"
Tumangu-tango ako.
"Nice... Mabuti yan para ma-enjoy mo ang summer mo at makapg-adjust ka din," iginiya ako paakyat ng hagdan. "Dito ang daan patungo sa magiging kuwarto mo. Hindi naman mahigpit ang eskuwelahan unlike other boarding schools. Maaari naman kayong lumabas ng campus basta susundin ninyo ang mga patakaran... Ah, siya nga pala. Sila... Ilan sila sa mga senior students na dito tumutuloy sa dormitory."
I exchanged greetings with the senior students. Ayon sa care taker ay kumukuha daw ang mga ito ng advance classes para hindi maging conflict pag-nag-internship na ang mga ito.
"Hijo, ito ang magiging silid mo. Sige pasok ka."
Tumango ako at nagpsalamat bago siya umalis. Inilibot ko ang aking mga mata sa malaking silid na iyon. Mukha itong magandang hotel room.
Inuna ko muna ang pag-aasikaso ko ng aking mga gamit at pagkatapos ay nagpahinga.
When I gained enough strength after taking a nap, I decided to go out of my room. Sa rooftop ng dormitory ako dinala ng aking nga paa. Mula doon ay nakita ko ang magandang view ng buong campus.
Isang bagong mundo iyon para sa akin.
Isang bagong pagsisimula sa aking buhay.
Isang bagong kabanata.
Isa lamang ang hinihiling ko ng mg sandaling iyon... Sana ay maging maayos ang pananatili ko dito hanggang sa makapagtapos ako ng aking pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...