CHAPTER 31

1K 47 1
                                    

Uno's POV

"I was afraid," pag-amin ko. "And I am still afraid..."

"...dahil baka hindi mo magustuhan ang maririnig mo," pagtatapos niya sa aking sasabihin.

Tumango ako.

"Let me tell you something, son... Sa tingin mo bakit madaling natanggap ng mama mo si Fei even though she is my daughter with someone else?" tanong ni papa.

"Because mama loves you. At dati nya pantalaga gustong magkaanak din ng babae kaya natuwa si mama when Fei came to our lives during my sixth birthday," inosente kong tugon.

Iyon kasi ang alam kong dahilan ni mama at wala akong nakikitang mali doon. Isa pa ay talagang mabait siyang tao. She never treated Fei like a stranger. However, now that I was thoroughly thinking about it, I started to wonder.

"We just kept it to you and Fei. The truth is Fei's mother told me that she got pregnant. Bagong kasal lang kami ng mama mo noon at buntis din siya sa iyon noong mga panahong iyon. Hindi naman hangad ng nanay ni Fei na sirain ang pagsasama namin ng mama mo. Gusto lamang niyang ipaalam ang batang dinadala niya dahil ayaw daw niyang magka-isip ito na walang kinikilalang ama. Aksidente naman talaga na nabuntis ko ang nanay ni Fei...

"We're complete strangers. Nag-host kasi ako noong ng dinner para sa mga prospect client ko para sa negosyo. Sa restaurant din na iyon nag-dinner ang nanay ni Fei kasama ang mga katrabaho niya. We both got drunk. Parehas kaming walang malinaw na detalye hanggang sa magising na lamang kami na magkasama. Pinagsisihan ko iyon kasi ayaw kong hiwalayan ako ng mama mo. You know what I did? Sinabi ko sa mama mo ang totoo kasi ayaw kong maglihim...

"Sobra-sobrang bait ng mama mo kasi pinatawad niya ako. Alam kong hindi madali para sa kanya iyon pero ginawa pa rin niya. And I make it up to her everyday up to this day na maipakita ko rin sa kanya na mahal na mahal ko siya." My father's eyes got teary. "Ang mama mo ang nag-udyok sa akin na huwag balewalain si Fei at ang nanay niya. Sabi niya anak ko pa rin ang nasa sinapupunan na iyon. Your mom know the feeling of being disowned dahil hindi siya kinilala ng lolo mo bilang anak. Ayaw niyang mangyari iyon kay Fei...

"Nagkaroon ng komplikasyon ang pagdadalang tao kay Fei. Her mother could die during the delivery. And she did. Kukupkupin na namin dapat noon ang kapatid mo subalit nakiusap ang lola ni Fei na siya ang mag-aalaga. Few days later you were born," pagtatapos ni papa sa kanyang kuwento ng may ngiti sa mga labi. "Iyon ang dahilan kaya nakita na lamang uli namin ang kapatid mo noong sixth birthday mo."

I was surprised with that revelation mybfather told me. Hindi ko alam ang bagay na iyon. At mas lalo kong na-appreciate ang mama ko dahil sa kabaitan niya.

"Kaya ko ito ikinuwento, Uno, ay dahil gusto ko sana na pulutan mo iyon ng aral," pahayag ni papa.

Napatawa siya ng may nagkalampagan sa may pintuan.

Paglingon ko doon nakita kong nakatumba si mama at si Fei. Kita sa mga mukha nila na guilty sila sa pakikinig sa amin. Mabilis silang tumayo at nahihiyang ngumiti.

"Lumapit na nga kayo dito at mukhang kanina pa kayo hirap na hirap diyan sa pagtatago," sinenyasan sila ni papa na lumapit. "I'll let your mom say the rest, anak."

Tumabi sa akin si mama. She held my hand after taking the bottle of liquor away from me. "Ang gustong sabihin sa iyong papa mo ay kung ano ang ginawa at pinairal ko noong mga panahong nalaman ko ang tungkol sa kapatid mo."

Awtomatiko akong napasulyap sa aking kapatid. She was smiling as she was sitting beside our father.

"Hindi madali para sa akin ang nangyari," sabi ni mama. "But you know what I did? Nilawakan ko ang aking isip. Sa paningin ng iba, your father will be judged as someone who cheated. Maraming tao ang ganoon ang paniniwalaan. But not me. Hindi ko ikinulong ang pang-unawa ko sa bagay na iyon. Hindi ko isinara ang aking tainga para pakinggan ang paliwanag niya. At hindi ko hinayaan na sa iisang bagay lamang nakatutok ang mga mata ko. Sa halip I looked on the brighter side that Fei is another blessing in our family. Hindi man siya dumating sa paraang hiniling ko na makapagluwal ako ng anak na babae. But she came into our lives to answer my prayers of having a daughter."

Napatayo si Fei mula sa kanyang kinauupuan at yumakap kay mama. "Thank you, mama."

"You're welcome, anak. I love you..."

"I love you din po," Fei smiled.

Bumalik ang atensyon sa akin ni mama. "Sana ganoon din ang gawin mo, anak. Bago ka magdesisyon kung susuko ka na ba o hindi, alamin mo muna ang totoo. The truth might hurt you, but what if it's the opposite? Malay mo mali ka lang ng narinig. Malay mo nililinlang ka lang ng nakikita mo kasi hindi lahat ng aspeto tinitingnan mo. At higit sa lahat, malay mo puwede mo pa palang ipaglaban ang nararamdaman mo para sa taong mahal mo."

"Go fight for your love, bro!" madamdaming saad ni Fei. "Fighting!"

"Fighting!" pag-tsi-cheer sa akin nina mama at papa.

Tila nabuhayan ako ng pag-asa dahil sa mga sinabi nila. At isa pa ay nakaramdam ako ng saya sa aking dibdib dahil magkakasama kaming buo bilang pamilya.

"So, anak," pagkakuwan ay tinawag ako ni mama. "Alam kong naikuwento mo na sa papa mo at pati si Fei alam na din niya pero gusto ko din na marinig ang kuwento mo. Can you tell me about this guy who captured your heart?"

Tumango ako. "His name is Bullet..."

Hindi ko batid ang eksaktong emosyon na nararamdaman ko habang ikinukuwento ko kay mama ang tungkol kay Bullet subalit hindi kapares kanina ay may gaan akong naramdan sa aking dibdib. I was determined to find out about this emotion. And I knew that it will be answered once I met him again.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon