[Chapter Epilogue]
Choi's POV
Pinag-iisipan ko kung tatawagan ko ba si Bullet o hindi. Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa screen ng aking cellphone kung saan naka-display ang contact information at larawan niya.
I wanted to ask him to watch a movie. Weekend kasi at tanging ang meeting lamang sa Student Supreme Council ang schedule ko para sa araw na iyon.
Nasa ganoon akong kalagayan ng bigla akong akbayan ni Rei.
"Dude, what's up?"
Napapitlag naman ako kaya mabilis kong ini-off ang screen ng aking cellphone at itinago iyon sa aking bulsa.
"Ha? Ah, ikaw pala, Rei."
"O, bakit parang gulat na gulat ka?" Tanong niya sa akin. "Para kang nakakita ng multo."
"Hindi," tanggi ko.
"May schedule ka ba? Tara nood tayo ng sine. Libre ko."
"Ha? Ah... Eh..." Maingat akong kumawala mula sa kanyang pagkaka-akbay para kasing bigla akong nakuryente. "Meron eh."
Hindi ko ma-explain pero kagaya ng dati may malabong scenario na putol-putol ang nag-flash sa aking isipan. It was like a distant memory. At hindi ko matandaan kung alaala nga ba iyon o kathang-isip ko lamang.
Maraming beses ko na din iyong nararanasan. I didn't know when it started. Basta ang alam ko na sa tuwing mararanasan ko iyon ay kapag may pagkakataong makikita, makakausap, o mahahawakan ako ni Rei.
Those flashes of memories were in bits of pieces. Parang kausap ko si Rei ngunit hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya. Our voices were gibberish.
"May schedule ka?"
Tumango ako.
Tama ba ang nakikita ko? I could see in his eyes he was hurt. But he tried to smile. Ikinubli niya ang sakit sa pag-ngiti.
"Ah ganun ba? Sayang naman," napakamot siya sa ulo. "Hayyy..."
I suddenly felt guilty. "May meeting kasi kami ng Student Supreme Council eh," paliwanag ko. "H-hindi ko alam kung magiging matagal ba. Saka baka mainip ka."
Naglalakad kami noon. Sasabayan na lamang daw niya ako tutal on the way naman ang opisina ng Student Supreme Council sa paglabas ng campus.
There was an awkward silence between us. Iyon ang unang beses na naging tahimik si Rei.
Baka naman dahil hindi lamang niya kasama sina Calix at Felix, pagdadahilan ko na lamang sa aking sarili.
"Yung kambal bakit hindi mo inaya?"
"Eh ikaw ang gusto kong kasama..." bulong niya.
"Ano?" Hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi. "Ano'ng sabi mo?"
"Ah... Busy sila. Si Felix may date daw. Si Calix may bibisitahin daw. Maaga silang umalis eh." Rei smiled weakly. "Saka kapag sila ang inaya ko mauubos ang allowance ko kasi magdadala ang mga iyon ng kanya-kanyang date nila. Magmumukha akong chaperone nila."
"Pasensya na... Ikaw kung gusto mong maghintay," nakokonsensiya kong wika.
Bakit nga ba tatanggihan ko si Rei eh wala namang masama sa pag-aaya niya? Isa pa mabait naman siya. At saka lagi niya akong pinagtatanggol kapag ina-alaska ako ng kambal at ibinubuko ang paghanga ko kay Bullet.
I guessed, it's just fair to pay back Rei for his good deeds.
"Rei..."
"Hmmm?" tumingin siya sa akin.
"Kung makakapaghintay ka hanggang sa matapos ang meeting ko sasamahan kitang manood ng sine."
Nagliwanag ang mukha niya. "Talaga?"
I nodded.
"Yes!" Para siyang bata na nanalo ng candy. "Sige hihintayin kita kahit gaano pa katagal ang meeting mo. Wala ng bawian ha?"
Muli akong tumango. Hindi ko napigilang mahawa sa bigla niyang pagsigla.
Mayamaya ay tila may hinahanap siya. Kinapa niya ang bulsa sa pantolon at jacket niya.
"Choi, kailangan kong bumalik sa kuwarto ko sa dormitory. Naiwan ko yung wallet ko."
I laughed. "Sige... Sige... Puwede namang doon ka muna sa kuwarto mo tapos itetext na lang kita pag tapos na ang meeting."
"Basta hindi ka magba-back-out ha?"
"Oo nga," itinaas ko ang kanan kong kamay na parang namamanata. "Promise."
"Sweet!"
Hinatid ko siya ng tingin habang tumatakbo siya ng masigla pabalik sa dormitory. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi pa din nawawala ang ngiti ko sa labi dahil natutuwa ako sa pagsigla ni Rei.
Nasa eco-park na ako malapit sa building kung nasaan ang opisina ng Student Supreme Council nang makita ko si Uno.
Nakatayo siya at parang may hinihintay. Hindi niya alintana ang matinding sikat ng araw.
Dahil alam kong makikita niya ako kaya ako na ang unang bumati sa kanya.
"Uno."
Tumango siya. "Choi."
There was an awkward silence occured.
"Mukhang may hinihintay ka dyan ah," pagkakuwan ay sabi ko. "Anyway, I'll go ahead. May meeting pabako with student council."
Tumango muli siya.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Subalit nakakailang hakbang pa lamang ako ay nagsalita siya.
"Hinihintay ko si Bullet. May usapan kasi kami na magkikita."
Napahinto ako sa paglalakad. I swallowed.
Hindi ko alam kung mabuti bang kay Uno ko narinig kaysa kay Bullet. Kung tinawagan ko marahil si Bullet at tinaggihan ako ay mas masakit na marinig iyon.
Hanggang sa natapos ang meeting ay hindi na nawala sa isip ko ang sinabi ni Uno sa akin. I was distracted by it.
Saan kaya sila pupunta at bihis na bihis pa si Uno? Saan niya dadalhin si Bullet? Paano niya napapayag si Bullet?
Ilan lamang iyan sa mga tanong na bumabagabag sa akin. At ayoko nang isipin pa ang scenario kung saan magkasama sila.
Isang katok sa pintuan ng meeting room ang nagpabalik sa aking isip sa kasalukuyan. Nang bumukas ang pinto ay si Rei ang iniluwa niyon.
"Tapos na ang meeting ninyo?"
"Ah oo. Kani-kanina lang."
He smiled. "Nice! May oras pa tayong manood ng sine."
I nodded. "Sige. Sagot ko na ang pagkain natin bago tayo manood. Bayad sa paghihintay mo."
Nag-thumbs up siya sa akin. "Dadalhin pala natin ang sasakyan ko. Malakas kasi ang ulan baka mahirapan tayo pag nag-commute tayo."
"Okay..."
Nakasakay na kami sa kotse ni Rei at minamaneho niya ng mapadako ang tingin ko sa labas. Nadaanan kasi namin ang eco-park.
"Naghihintay pa rin si Uno?" ani Rei. "Wow! Kanina ay nababad siya sa tindi ng araw tapos ngayon naman basang-basa siya sa ulan."
"Simula kanina pa siya d'yang tanghali?"
"Oo... In-offer-an ko nga ng payong hindi naman nya tinanggap kasi padating na daw si Bullet."
Napatingin ako sa wristwatch ko. Lampas alas singko na ng hapon at naghihintay oa rin si Uno kay Bullet.
![](https://img.wattpad.com/cover/107321255-288-k849391.jpg)
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...