CHAPTER 6

2.4K 73 3
                                    

Uno's POV

Nagpabalik-balik ako ng lakad sa loob ng aking kwarto. Hindi ako mapalagay. Napahawak ako sa aking dibib dahil sa lakas ng pagbayo ng aking puso.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Hindi ko maipaliwanag.

I was just enjoying teasing Bullet, but somehow it's having an effect on me.

Hindi ko maipaliwanag sa perpektong mga salita subalit alam ko sa sarili ko na kakiba itong nararamdaman ko sa naramdaman ko dati.

Napasandal ako sa pader.

Nang mabigyan kanina ako ng doktor ng clearance para makabalik na sa dormitoryo ay hindi ako agad makaalis. May pumipigil sa akin na manatili muna doon.

Gustung-gusto ko kasi na pagmasdan si Bullet habang mahimbing na natutulog. Seeing him sleeping peaceful brought delight inside me.

But as I looked on his angelic face, I started to feel guilty as saw his sprained arm and feet. Nadaganan ko kasi siya nang mabuwal kami.

Akala ko ay lason ang iinumin niya kaya naman kaagad kong kinuha iyon. May kung anumang espiritu ang sumanib sa akin para iligtas siya sa kapahamakan.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib tila sumusuko na ito sa buhay at nais nang bumitaw.

Gusto kong tanungin siya kung bakit. Bakit gusto na niyang sumuko? Bakit gusto na niyang wakasan ang kanyang buhay?

Nagbalik sa aking alaala ang mga sandali kung saan nakikita ko siyang may lungkot sa mga mata kahit ngumingiti siya.

There was a part of me wanting to save him from misery and to make him smile genuinely.

Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ako sigurado. Isa lamang ang alam ko.

Gagawin ko ang lahat mapasaya lamang siya.

***

Nag-shower ako at nagbihis saka lumabas ng campus para magtungo sa convenience store. Bumili ako ng prutas at ibang healthy snacks. Pagkatapos ay nagbalik ako sa infirmary.

Ayon sa doktor at nurse ay bukas pa daw makakalabas si Bullet.

Tulog pa din siya nang pumasok ako sa loob ng infirmary. The nurse said he wouldn't wake up for a while dahil sa epekto ng gamot.

His forehead was sweating. Kumuha ako ng face towel at naghanda ng maligamgam na tubig para punasan siya. I carefully wiped of his face and his unsprained arm and his hands.

Nang iayos ko ang braso niya ay napansin ko na may gasgas pala siya sa may siko at may kaunting dugo iyon. Hinanap ko ang first aid kit para lapatn ng paunang lunas ang gasgas.

Patapos na ako nang pumasok ang nurse. She tried to take over but I declined.

"Ako na po. Patapos na din ito."

Ngumiti ang nurse saka tumango.

Isinauli ko ang first aid kit nang mapansin ko ang cellphone ni Bullet. Tumunog ito na nagwa-warning na low batt na.

Nilapitan ko ang nurse at nagtanong kung may charger ito. Sabi niya ay wala raw pero ang alam daw niya ay may spare cellphone charger sa isa sa mga hanging cabinet. She also suggested that she'd look for one also so she said she'll go out first.

Tumango naman ako at sinabing titingnan ko na lamang sa mga hanging cabinet.

Ang isa sa mga hanging cabinet ay nasa may sulok kaya lamang ay hindi ko maaabot iyon kung hindi ako hahakbang sa hinihigaan ni Bullet. Kailangan ko ring tapakan iyon para mabuksan ang cabinet.

Maingat naman ako sa ginawa kong pagsampa at paghakbang sa higaan.

Kasalukuyan akong naghahanap ng charger para makargahan ang batery ng cellphone ng bumukas ang pinto kaya bahagya akong nagulat.

Napahinto ako sa aking ginagawa. Kaya hindi ko natantiya ang aking balanse at nabuwal sa ibabaw ni Bullet. Mabuti na lamang at naitukod ko ang aking mga braso kaya hindi ko siya nadaganan.

My face was just few inches away from Bullet's face. Walang babalang may bumabayo na naman ng mabilis sa aking dibdib at tila mauubusan ako ng hininga.

Nasa ganoon akong posisyon ng bumukas ang kurtina na nagsisilbing harang at iniluwa sina Choi, Rei, Felix at Calix.

Pare-parehas silang natigilan sa pagkakita sa akin at sa posisyon ko.

***

Halos kalahati na ng distansya ng layo ng infirmary mula sa dormitory ang nalalakad ko nang tumalikod ako para tahakin ang direksyon pabalik. Subalit nakaka-ilang hakbang pa lamang ako ay nagpasya akong ituloy na lamang ang pagpunta sa dormitory. Maya-maya ay nagbago na naman ang isip ko.

Ang gulo ko. Hindi makapag-organisa ng desisyon ang utak ko. Babalik ba talaga ako sa infirmary o pupunta na ako sa dormitory?

Humigit ako ng malalim na hininga para ilabas ang frustration ko.

Kung bakit sa ganoon pang eksena ako nakita ng mga kaibigan ni Bullet. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila at kung papaano ko sila haharapin.

What if they tell Bullet what they saw? Paano ko siya haharapin?

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata para kalmahin ang aking sarili saka muling nagmulat. Nagpasya akong maupo sa gilid ng pathway.

Nakatitig lamang ako sa kawalan.

Hindi ko napansin na may naupo pala sa tabi ko kung hindi pa ito nagsalita.

"Finally! Akala ko hindi ka na hihinto sa pagbabalik-balik ng lakad eh."

"Fei?" It took me a while to recover. Hindi nga ako nananaginip. "Fei!"

"Hello, Uno!" Nakangiting wika niya sa akin.

Gumanti ako ng yakap sa kanya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya.

Siya si Fei, my half-sister. We're like twins in the sense that we're the same age and our birthdays were only few days apart. Mas panganay amang siya ng ilang araw.

Anak siya ng tatay ko sa ibang babae. But my mother took care of Fei like her own magmula nang kupkupin namin siya.

Wala na ang kanyang biological mother na namatay nang ipanganak siya. Subalit nalaman lamang namin ang existence niya noong sixth birthday birthday ko after knocking on our door as her grandmother died and she had no one anymore.

Close kami ni Fei. Siya rin ang partner in crime ko lalo na sa mga kalokohan ko pagdating sa mga babae.

"I missed you, bro!" She said after we hugged.

"Na-miss din kita, li'l sis." Ginulo-gulo ko ang buhok niya kaya sumimangot siya. Tinawanan ko lamang ito.

Halos isang taon na din nang huli kaming magkita nang bumisita siya sa bahay ng aming pamilya. Nang maka-graduate kami ng high school, sa halip na mag-kolehiyo ay pinili niya ang tanggapin ang job offer sa kanya bilang travel blogger.

Kaya naman minsan na lamang kami magkita. Kahit sa cellphone ay bihira kaming mag-usap dahil madalas ay sa mga liblib na lupalop ng mundo siya nagtutungo para tumuklas ng mga bagong atraksyon para i-blog.

Naisaloob-loob ko na paano kaya kung natulungan  ako noon sa aming ama, I might not be in this situation right now. Awtomatikong bumalik sa aking balintataw ang isang pamilyar na imahe nang mapadako ang tingin ko sa infirmary ng campus.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon