CHAPTER 34

1.1K 44 0
                                        

Uno's POV

Mabilis akong naglakad palabas ng airport. Kakadating ko lamang mula sa States.

Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Nam College. Hiniling ko na sana ay hindi traffic. Dalangin ko na sana ay matagpuan ko agad si Bullet.

I wanted to offer my shoulder for him to cry on. Nasaktan man ako ay hindi ko kayang magalit sa kanya. Kagaya nga ng payo sa akin ng aking mga magulang at kapatid, I should talk to him. Kailangan kong marinig mula sa kanya ang mga sagot sa aking isipan. At para maipaglaban ko rin ang aking nararamdaman.

I was more determined than before.

Nang gabi pagkatapos kong magtapat sa aking mga magulang ay saka ko lamang binuksan ang aking cellphone. Doon bumuhos ang mga tawag at text. Subalit ang nakatawag ng pansin sa akin ay ang mga mensahe ni Bullet. Hinahanap niya ako at nag-aalaala para sa akin.

And then I visited his SNS profile and saw his last status.

Bullet's post:

If there's one thing I regret most, it's when I wasn't able to be honest with you before.  And now I am too late...

#ItHurts

Nag-scroll pa ako ng ilang post sa newfeed nang makita ko ang status ni Choi.

Choi's post:

#SorryNotSorry
#FoundMyNewLove

May namuong ideya sa aking isipan dahil sa mga nabasa ko. And I wanted to confirm it on my own. Kaya naman mas naging maaga pa ang pagbalik ko dito sa Pilipinas.

Nang makarating ako sa Nam College ay kaagad kong hinanap si Bullet.

Naisip ko na maaaring nasasaktan siya ngayon at kailangan ng karamay. I wanted to be by his side when he cried.

Ngunit mapaglaro yata ang kapalaran dahil sa halip na si Bullet ay si Choi ang nakita ko. Naglalakad siya sa corridor. He was smiling from ear to ear as he walked proudly.

Noon lamang ako naging aware sa paligid ko. Narinig ko ang tinig mula sa speakers na naka-install sa buong campus.

"Mr. Rei Sebastian, once again, the songs we're playing are dedicated to you by Mr. Choi Hendrix..." anang tinig na nagmumula sa speaker at pagkatapos ay nagsimula ang isang love song.

Choi saw me. Itinaas niya ang kamay para kumaway.

Subalit sa halip na gumanti ako ay hindi ko napigilan na mag-ngitngit ang loob ko. Naglakad ako patungo sa kinatatayuan niya at ikinuyom ang aking kamao.

"Uno, kailan ka pa bumalik—"

Hindi ko siya pintapos sa pagsasalita ng suntukin ko siya.

"What the hell?!" Gulat na turan niya ng matumba siya sa sahig. "Bakit mo ako sinuntok?"

"Do you really need to ask why?" sarkastiko kong balik tanong sa kanya. Hinawakan ko ang collar ng damit niya bago muli siyang sinuntok. "Asshole!"

Sinambot ni Choi ang suntok na muli sanang dadapo sa mukha niya. Nakahanap siya ng pagkakataon para itulak ako.

Hinawakan niya ang mga braso ko para hindi ako makakilos. But I found a way to escape. Muli kong iniamba ang aking kamao ngunit nakawala siya sa pagkakahawak ko sa kuwelyo ng damit niya.

"Ano ba ang problema mo, Uno?" Itinulak niya ako. "Huwag mong piliting gumanti ng suntok sa iyo."

"Why not?! Fightback so it's fair and square!"

"You're not making any sense." Umilag siya sa suntok ko at ako ang sinuntok niya.

Natumba ako kaya nakahanap siya ng pagkakataon para i-corner ako. Nakadapa ako sa sahig na parang isang kriminal habang hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko.

"Sabihin mo kung ano ang problema mo," humihingal niyang utos.

"Ikaw! Ikaw ang problema, Choi!" tugon ko habang pilit kumakawala sa kanya. "Bitiwan mo ako.

"What a hot-tempered bastard!" lalo niyang diniinan ang pagkakahawak sa aking braso. "Kumalma ka muna para makausap kita ng matino. At kapag nag-iisip ka na ng tama ay sabihin mo sa akin ang problema. Understand?"

Tumango ako. Nang dahil sa sinabi niya ay tila naliwanagan ang aking isip at noon ko lamang na-realize ang ginawa ko.

"Ano... Kalmado ka na?" tanong ni Choi.

Tumango ako.

Nakaramdam ako ng hiya habang bumabangon ako at naupo sa sahig.

"Ngayon sabihin mo ang problema ng maayos at kalmado."

"Bakit mo sinaktan si Bullet?"

"Ano?" nagtatakang balik tanong niya sa akin. "Kailan? Paano? Linawin mo nga."

Humigit ako ng hininga. "I saw you and Bullet that night, a week ago... You're going to kiss him. Pagkatapos sinabi sa'yo ni Bullet na gusto ka niya."

Pumikit ng mariin si Choi, nag-iisip. Pagkakuwan ay nagmulat siya at tumingin sa akin ng may pagtataka. "You saw us?"

Tumango ako. Hindi ako nakatingin sa kanya kundi sa kawalan. "Sobra akong nasaktan sa nakita at narinig ko. All this time akala ko ako ang gusto niya. Hindi pala kasi ikaw ang gusto niya."

"Is that why you left?" Tumango ako at napabuntong hininga siya. "You're not making sense, Uno. Kasi kung nakita at narinig mo kami, hindi ganyan ang magiging reaksyon mo. Kay pala bigla kang nawala... Napakinggan mo ba at nakita lahat, Uno?"

"Bakit pa? Hindi pa ba sapat iyon?" Sinukot ko sa aking bulsa ang aking cellphone at may ipinakitang mga screenshots. Ang status nila ni Bullet. "And this... Hindi pa ba sapat iyan? Nagagalit ako sa iyo kasi ikaw ang gusto ni Bullet. But what did you do? You broke his heart. And now you're dedicating songs for someone else. Harap-harapan mo siyang sinasaktan!"

Silence took over between us.

Ngunit binasag iyon ng tumawa si Choi at humiga siya sa sahig. He was laughing like there was something to laugh about.

Magsasalita sana ako ngunit naunahan niya ako.

"Damn you, Uno!"

"Damn you too, Choi—"

He swayed his hand to stop me. Bumangon siya na tumatawa pa rin. "Sa totoo lang gusto kitang bugbugin, Uno, dahil sa pagiging ignorante mo. But before you protest, I won't break your face... for now."

I smirked. "Pfft."

"Tatanungin uli kita. Nakita mo ba at narinig ang buong pangyayari that night last week? Hindi di ba? You only heard and saw a part of it."

"Ano'ng sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong.

Hindi ko mabasa ang kanyang iniisp dahil nananatiling seryoso ang kanyang hitsura.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon