Uno's POV
"Choi, you know I like you..." umalingawngaw sa aking isip ang mga salitang iyon.
Subalit pilit kong pinatatag ang aking isip at damdamin. Bago ko pa marinig ang mga susunod na salita mula sa kanya ay hinila ko na paalis si Rei na tila napako na ang mga paa.
Walang nagsasalita sa amin ni Rei. Hindi naman namin kailangan pang itanong sa isa't-isa kung tama ba ang aming nakita at narinig.
Wala pang alkohol sa aking sistema kaya hindi maaaring nililinlang lamang ako ng aking isipan.
Naupo si Rei sa isang sulok at doon ito nagmukmok kasama ang pag-inom ng alak.
Ako naman ay nasa isang sulok din. Nakasandal sa pader at nakatingin lamang sa kawalan.
Wala akong pakielam sa paligid. Ni hindi ko rin maintindihan kung nag-aaway ba o nagkakaayos ang kambal na sina Felix at Calix habang nag-iinom.
Lumapit ako sa kanila at kinuha ko ang isang buong bote ng hard liquor. Bumalik ako sa aking puwesto at doon uminom.
Everyday I was doing my best to show to Bullet that I loved him. At ngayon ay tinatanong ko ang aking sarili—kinakastigo—kung sapat ba ang ginagawa ko.
May pagkukulang ba ako sa pagpapadama sa kanya na mahal ko siya?
Gusto kong magwala.
Gusto kong sumigaw hanggang sa mawalan ako ng boses.
Nilulunod ko ang aking sarili sa alak dahil baka panaginip lang ang lahat.
Ngunit hindi. Totoo ang mga nakita ko. Tama ang aking mga narinig.
Nakita kong bumalik na mula sa balkonahe sina Choi at Bullet. They were both smiling.
At ang sakit na makita silang masaya dahil parang pinipiga ang aking dibdib.
They exchanged smile and glances before they separated. Dinaluhan ni Choi ang lasing na si Rei na kagaya ko ay abala sa pagmumukmok.
Nilapitan naman ako ni Bullet.
Gusto ko siyang tanungin. Marami akong tanong na nais na marinig ang kasagutan mula sa kanya. Subalit naduwag ako.
Hindi ako handa sa maaari niyang maging sagot. Mga sagot na maaaring lalong magpahina ng aking loob.
Kaya pinili ko na lamang na magkunwaring walang alam—walang narinig at walang nakita.
Lumapit si Bullet sumandal sa aking tabi. I streched my arm to put it on his shoulder.
Hindi ko alam ang mga nangyayari sa paligid. Nakatingin lamang ako sa mukha ni Bullet.
Pinagmamasdan ang masaya niyang mukha habang tumatawa at pinapanood sina Calix at Felix.
Iyon ang mga ngiting gusto kong nakikita sa mukha niya palagi. Mga ngiting sana ay ako ang may gawa para ngumiti siya ng ganoon.
Subalit sa kabila pala ng mga ginawa ko ay hindi pala ako ang gusto niya.
Sinisikap kong huwag mamuo at tumulo ang luha sa aking mga mata. At para itago iyon ay nagkunwari na lamang akong nakikitawa sa nangyayari sa kambal na nag-da-dramahan.
Napukaw ang atensyon ko ng magpaalam si Choi habang inaalalayan ang lasing na si Rei. Kagaya ko ay malungkot din ito dahil sa natuklasan. Subalit magaling siyang magtago ng emosyon dahil hindi kakabakasan ng lungkot ang mga mata niya.
Sa halip ay hitsurang lasing lang talaga siya.
Marahil ay nasanay na siya na magtago ng emosyon dahil hindi man niya sabihin batid kong matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Choi.
After a while they left.
Humarap sa akin si Bullet. Tumitig siya sa aking mga mata.
Please stop staring or I might break down, naisaloob-loob ko.
"Sorry, hindi mo tuloy na-enjoy ang welcome party sana mo dito sa grupo. It's supposed to be a happy time."
Right, lihim kong tugon. It should have been a happy time. But it isn't because I am hurting inside.
Umiling ako at hinawakan ang kanyang kamay. "Don't get stressed out about it," sabi ko. Subalit pra taaga sa akin ang mga salitang iyon. "At saka sino ba ang may sabi na hindi ako nag-enjoy? Masaya ako..."
Tumango siya.
"...na naayos ang hindi nila pagkakaunawaan," pagtatapos ko sa aking sinasabi.
Oo, masokista na siguro ako dahil hindi lang ang mga natuklasan ko ang nagpapahirap sa aking damdamin. Mismong ako ay sinasaktan ko ang aking sarili dahil hindi ko magawang harapin ang katotohanang nakalatag sa aking harapan.
Pero gusto ko pang makasama si Bullet. Kahit masakit gusto kong pahabain pa ang gabing ito.
Baka kasi bukas magbago na ang lahat.
Mabuti na lamang at hindi pa gustong huminto nina Calix at Felix sa pag-inom. Nag-aya pa sila na uminom.
Walang pag-aalinlangan na pumayag ako.
Natatakot ako na kapag hinatid ko si Bullet sa kanyang kuwarto ay iyon na ang maging huling pagkakataon ko.
Habang nag-iinuman pinilit kong maging masaya. Ikinubli ko ang lungkot na aking nadarama.
Mataas ang tolerance ko sa alkohol kaya naman hindi ako basta-basta nalalasing. Pero kapag nalasing na ako ay nawawalan na ako ng kontrol.
Maayos pa ako nang matapos ang inuman at inihatid namin ni Bullet ang kambal. Yet I didn't want this night to end yet.
Ngunit mukhang tinatablan na ako ng kalasingan.
Bago ko pa maunawaan ang ginawa ko ay maitapon ko na ang susi ng aking kuwarto. Ang gusto ko kasi ay makasama pa si Bullet ng matagal.
Nang makarating kami sa tapat ng kuwarto niya ay naglakas loob ako na sabihing, "Bullet, I'm gonna sleep here... with you."
Pumasok ako sa kuwarto niya at naupo sa gilid ng kama.
"I'm gonna sleep here with you," pag-uulit ko saka tinapik ko ang kama.
"Sigurado ka?" mahinahon niyang tanong.
I nodded. "Wala akong susi ng kuwarto ko. Nalaglag yata."
Nararamdaman ko na ang epekto ng kalasingan ko. I had my poker face on to cover up my true emotion.
Naramdaman ko na naman kasi ang pagkirot sa aking dibdib. Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makakasama ay nasasaktan na ako.
He then nodded.
Damn, I am very sad. Kung dahil ba sa alkohol kaya nagiging emosyonal ako ay hindi ko alam. Ang mahalaga lamang ay mahawakan ko siya.
I felt my eyes started to get teary kaya tumayo ako at nilapitan siy
Niyakap ko siya. "Bullet..."
"Hmmm?"
"Bullet," shit! Tears don't come out please. "You're very special to me, Bullet. My Bullet..."
Hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya ng umalpas ang luha sa aking mga mata. Napahikbi ako pero kunwari ay humahagikgik ako.
"Bullet... My Bullet.."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...