CHAPTER 14

1.6K 65 1
                                        

[Present Day]

Bullet's POV

"Uno, don't leave. Stay... Stay with me."

Alam kong daig pa na nilamukos na papel ang pagkakasimangot ng mukha ko. Pero wala akong pakielam.

Ayaw pa rin kasing tigilan ni Uno ang pagre-replay ng video nila noong pinuntahan ko siya habang malakas ang ulan. Hindi ko alam kung papaano at kung sino ang kumuha ng video na iyon.

"Madapa sana talaga ang kumuha ng video na iyan," nakabusangot kong turan.

Tinawanan lamang ako ni Uno.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga namin sa damuhan. Pinagpag ko ang aking damit na may mga dumukit na damo. Tinulungan niya ako sa pagpapagpag.

Nang makita ko ang pagngiti niya sa akin ay kusang nawala ang aking inis. Seeing his genuine smile made my heart flutter.

Inilapit niya sa aking mukha ang kanyang mga kamay at minasahe ang aking pisngi.

"Tigilan mo yang kakasimangot mo, Bullet," aniya. "Sige ka kapag dinapuan iyan ng masamang hangin magiging permanente ng nakasimangit ang mukha mo."

"O eh di okay. Magiging magkamukha kami ng bulldog sa may entrance ng campus," kunwari ay galit pa din ako. "Hindi mo na ako magugustuhan."

"Tsk," sumaltik siya. "Kahit po kumulubot ang mukha mo, ikaw pa din ang gusto ko. I didn't fall for you because of your look."

"Corny," umiling ako para ikubli ang ngiting nabubuo sa aking mga labi.

I never imagined I would be affected with what he said.

"Mas okay na ako na lang ang guwapo sa ating dalawa," sabi niya sabay tawa.

Eksakto namang nakakuha ako ng tyempo para maagaw sa kanya ang cellphone. Kaagad komg binuksan ang gallery para hanapin ang video na iyon.

When I found it, I was supposed to press the delete button ng mapa-isip ako. Sa halip ay nakatingin lamang ako sa screen ng cellphone.

That video was showing the beginning of a new chapter in my life. Kung saan muli kong binuksan ang aking sarili para magmahal. Tinaggap ko sa sarili ko kung sino ako at kung sino ang gusto ko.

And from that day onward, Uno and I got the chance to know each other. Mas nakilala namin ang isa'-isa.

Hindi namin ipinaalam sa iba ang nangyari. Mas mahalaga para sa amin na nagkakaunawaan kami.

Kapag nasa klase kami ay sa akin siya tumatabi. Kapag nakakakuha siya ng pagkakataon ay hinahawakan niya ang kamay ko patago. Noong una ay ayaw ko dahil baka may makakita pero sa huli ay papayag na din ako.

Sa locker ko ay makikita ko na lang na may pagkain mula sa kanya. Kalakip niyon ang sticky note na may nakasulat na mesahe mula sa kanya.

We would text each other before going to bed.

Minsan naman kapag hindi pa kami dinadalaw ng antok ay magkikita kami sa labas ng dormitory at maglalakad ng magkasama.

Those were some of the things I never thought I'd experience with him.

Ini-close ko ang gallery ng cellphone ni Uno bago ko ito ibinalik sa kanya. Ngumiti ako saka sinabing, "eto."

Mabilis naman niya iyong kinuha at kinalikot. "Binura mo?"

Umiling ako.

He smiled back. "Akala ko binura mo eh. But even if you did, may kopya pa naman ako sa cloud storage ko."

Pagkakuwan ay bigla na lamang niya akong niyakap. Nanigas ako.

"Uno, baka may makakita."

"Wala namang pumupunta dito sa parteng ito ng eco-park kapag ganitong oras." He continued to hug me. "At saka yakap lang naman ah... Unless..."

Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"Unless what?"

Nagtaas-baba ang kanyang kilay habang nakangisi. "Unless you are having dirty thoughts."

Tinampal ko ang kanyang noo.

"Baliw ka, Uno. Sino kaya sa atin ang madalas mag-isip ng gan'on?"

"Sino nga ba?" pabalang niyang turan saka tumawa. He sighed heavily. "Jeez! Ang init"—nagpaypay siya sa sarili gamit ang kamay—"ngayon. Malapit na siguro ang summer."

Iiling-iling lamang akong tumawa. "Papaano lalapit ang summer eh katapusan pa lamang ng October?" Tumayo na ako. "Ewan ko sa iyo, First Vladimir Han. Aalis na nga ako para makatulog na at maaga ang pasok ko bukas."

"Maaga pa."

"Malapit ng maghating gabi, tapos maaga pa?"

"Aish," naaasar na tumayo si Uno mula sa pagkakaupo. "Sige na nga. Kung bakit kasi uminit."

"Mag-shower ka bago ka matulog para kumalma ka," nag-aasar kong wika. And then I stepped forward and moved my mouth closer to his ears. "Makakatulog ako ng maayos mamaya. Ikaw kaya? By the way, mag-sha-shower din ako bago matulog. Ang init kasi. I was thinking of scrubbing my back too kaso hindi ko abot. Hayyy... sayang."

I blew softly in his ear.

I could feel his breath became intense. Nakita ko rin ang makailang beses niyang paglunok at tila ba na-estatwa sa kinatatayuan niya.

Pinipigilan kong humagalpak ng tawa habang papaalis ako. Hindi ko kasi mapigilang asarin siya sa ganoong paraan.

I could hear him swearing as I walked away. "What the hell! @&@&$&!!! Bullet, wala kang patawad. How could I sleep? Ang init! Buwisit!"

Nagkubli ako sa isang puno para pakawalan ang aking pagtawa.

Ang dali kasing niyang tuksuhin.

Now who's having dirty thoughts between us, naisaloob-loob ko.

Natuklasan ko ang kahinaan niyang iyon pagkatapos ng eksena namin sa eco-park sa ilalim ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Inihatid ko siya sa kuwarto niya para magpatuyo siya at magpalit ng damit. Habang pinupunasan ko siya ng tuwalya ay bigla niya akong niyakap. Hindi pa rin daw kasi siya makapaniwal na tinanggap ko na siya.

He's also showing symptoms of having cold as he coughed.

Kaya naman ginantihan ko ang pagyakap niya dahil makakatulong ang body heat para hindi siya lagnatin. Nasa ganoon kaming posisyon ng dumako ang kamay niya sa may puwitan ko.

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat. "What the hell?! Uno!"

Tumawa siya. "Joke lang." He raised his hands. "I was just kidding... unless you're having dirty thoughts."

Lumayo ako sa kanya at itinapon sa higaan niya ang tuwalya. "Ah ewan. Mali yata ako ng desisyon. Aalis na ako."

He held my hand. "Sorry na. Joke nga lang eh. At saka wala ng bawian yung sinabi mo kanina," he said between coughing. "Medyo malikot lang talaga ang imagination ko kapag lalagnatin ako."

"Pervert."

He then hugged me again.

Sinuntok ko siya sa sikumura pero hindi naman ganoon kalakas. Sapat lamang para huminto siya sa kanyang kalokohan. His hands tried to press my butt cheeks once more.

Malapit na ako sa aking silid sa dormitory ay hindi pa rin mawaglit ang ngiti sa aking mga labi. Iniisip ko kung ano na kaya ang ginagawa ng mokong na iyon.

Baka nagja-jogging iyon sa field para kalmahin ang sarili.

I was about to close the door of my room when it was stopped by a strong force.

Si Uno hinawakan ang pintuan bago ko pa maisara. Pagkatapos ay pumasok siya sa loob. Wala naman akong nagawa.

"I'm gonna sleep here... with you."

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon