Bullet's POV
Itinuloy namin ni Uno ang paghahanap ng comic books. Buti na lang may nahanap kaming kopya.
Tinanong ko siya kung sino ba ang may-ari ng mga yaoi comic books sa kuwarto niya ay sinabi niyang kapatid niya. Iyon daw kasi ang nakakahiligan nitong basahin at siya ang pinagtatago noon dahil baka daw makita ng tatay nila.
Pagkatapos naming kumain ay nagkasundo kami na manood ng sine.
Horror ang pelikula.
Hindi ko kilala ang bida at hindi ko rin alam ang plot ng kuwento.
Tinanong ko si Uno tungkol doon.
"Ah... Eh... Hindi ko rin alam eh," pag-amin niya.
"Eh bakit sabi mo maganda 'tong pelikula?"
Tumangu-tango siya. "Maganda nga... Magandang pagkakataon para humawak ka sa kamay ko saka yumakap sa akin kapag natatakot ka."
Natawa ako sa sinabi niya. May hidden agenda pala ang mokong. "Baliw! Ginagawa mo naman akong babae. Hindi ako madaling matakot. Sisiw na sisiw sa akin ang horror. Mas takot pa ako sa injection."
Napasaltik naman siya. "Aish! Gan'on ba?" Bumakas ang lungkot sa mukha niya. "Sayang..."
Tatawa-tawa lang ako sa kanya. I felt bad after all. Kaya naman nang magsimula ang pelikula ay humawak na ako sa kamay niya.
He looked at me, surprised.
"Malay mo matakot ako," sabi ko na lamang.
Buong durasyon ng pelikula ay magkahawak kami ng kamay. Subalit kagaya ng inaasahan ni hindi man lamang ako nagulat sa pelikula.
But it's okay. Gusto ko naman ang pakiramdam habang magkahawak kami ng kamay. Lalo na ng ihilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
It was perfect... or at least I thought it was.
Nagtatawanan kami paglabas namin ng sinehan.
Tinutukso ko siya dahil may mga eksena na nagulat siya sa pelikula.
"Ikaw na ang matapang," nakasimangot na komento ni Uno sa pang-a-alaska ko.
Proud naman akong nagkibit balikat.
Muli niya akong inakbayan saka ginulo-gulo ang aking buhok. "Tara na nga. Uwi na tayo."
Tumango ako.
He let go of me. Inilahad niya ang kanyang kamay para hawakan ko.
Ngumiti ako at aabutin na sana iyon nang...
"Uno!"
Binawi niya ang kanyang kamay at lumingon sa tumatawag sa kanya. Sinundan ko naman ng tingin ang direksyon na tinitingnan niya at nakita ang isang magandang babaeng kumakaway.
Uno walked forward and hugged the woman.
May naramdaman akong kirot sa aking dibdib sa eksenang nakikita ko.
Takot. Iyon ang salitang bagay sa akin.
Takot ako na harapin at pagmasdan na lamang si Uno at ang babaeng tumawag dito. At tumindi pa iyon nang magbalik sa aking alaala kung sino ang babae.
Siya ang nakita ko noon na kasama ni Uno sa litrato.
It made me realize who I was in his life. Ano ba itong nangyari sa akin? I just wanted to help him before but now it was me who needed help.
Mukhang ako ang tinutukoy ni Madam Cola.
"He's broken inside... He's staring to mend himself because you came to into his life. At tutulungan mo siya..."
BINABASA MO ANG
Let's Not Fall In Love
RomancePumasok si Bullet sa Nam College hindi lamang para mag-aral kundi magpakalayo-layo at makapagsimula ng bagong buhay. Tahimik at maayos ang bagong buhay niya. Subalit nagkagulo-gulo iyon dahil sa bagong transfer na estudyanteng si Uno. Mabuti sana ku...
