CHAPTER 35.5

1.1K 46 0
                                        

[Chapter Epilogue]

Choi's POV

"Bakit tatawa-tawa ka pa dyan eh ikaw na nga itong nabugbog?" tanong sa akin ni Rei habang nilalapatan niya ng gamot ang sugat ko sa mukha.

Nasa lobby kami ng infirmary dahil nasa loob naman sina Uno at Bullet.

Kanina lamang ay bigla akong sinugod ni Uno at walang pasintabing sinuntok ako. I was shocked on what he did. Wala akong ideya kung bakit niya ginawa iyon.

But after hearing out his reason, all I could think of was laughing out loud.

Katulad na lamang ngayon. Hindi ko mapigilan ang tumawa.

Napailing na lamang si Rei. "Naalog yata ang utak mo at nababaliw ka na." Idinuldol niya sa akin ang bulak na may oitnment. "Tawa pa."

"Aray! Masakit na yan, ah," protesta ko.

Eksakto namang bumalik ang kambal mula sa pagbili ng maiinom.

"Hala, Rei, double dead ang kalalabasan ng hubby mo nyan," komento ni Calix.

"May pagkasadista pala itong si Rei," sabi naman ni Felix habang inaabutan kami ng bottled juice. "Wow! We learned a new side of him. Tipong Fifty Shades of Grey ang datingan."

Nag-apir ang kambal saka humalakhak.

"Mga loko!" Pinitik ni Rei sa tainga ang mga ito. "Lalong gaganahan sa pagtawa 'tong si Choi dahil sa inyo eh."

"Aish!" Hinawakan ni Felix ang namumulang tainga. "Masakit, Rei, ah... Pero teka, bakit ka nga ba tatawa-tawa dyan, Choi?"

Tumangu-tango si Calix. "Oo nga. Binugbog ka na nga at lahat ni Uno eh muhang masaya ka pa."

"Teka nga," tumayo si Rei at pumormang susugod. "Nasaan ba iyang si Uno at nang ma-resbakan."

"Sweet!" Komento ko na abot tainga ang ngiti. "Igaganti mo ako?"

"Hindi," sagot niya. "Yung boyfriend ko ang igaganti ko at naalog yata ang utak."

"Ooh! Boyfriend daw," sabi ng kambal. Nagpalipat-lipat sila ng tingin sa amin ni Rei. "So official na kayo?"

"Magtigil kayo!" bulyaw ni Rei. "Puro kayo kalokohan."

"Choi-Rei is real!" anunsyo ni Felix.

Nag-cheer ang kambal. Hindi ko mapigilang ngumiti ng abot sa magkabilang tainga.

Hinawakan ko ang kamay ni Rei at hinili siya paupo sa aking tabi. "Dito ka lang sa tabi ko."

Namula ang buong mukha niya at hindi malaman ang gagawin.

Ang kambal naman ay tuloy lang sa pag-tsi-cheer at panunukso sa amin.

Rei cleared his throat. "Ano ba ang nangyari?" pag-iiba niya ng topic. "Bakit nagsuntukan kayo ni Uno?"

"Because of jealousy," paliwanag ko. "Nagseselos siya. Akala niya kasi ay si Bullet ang gusto ko. He said he saw Bullet and I and thought we were about to kiss."

"Hinalikan mo si Bullet?" nabiglang turan niya.

"Relax," hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. "I did not... because he is not you. Ikaw ang gusto ko. And my lips is only allowed to kiss one person. You..."

His face turned red once more.

Mula sa sulok ng aking mga mata ay nakita kong dahan-dahan papalabas ng silid sina Calix at Felix.

Kinabig ko si Rei papalapit sa akin saka niyakap.

Let's Not Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon