Sophomores na kami!
Kakatapos lang namin sa isang taon na pagpapakilala kung ano kami nung first year kami.
Simula nanaman ng pasukan. Mabuti na lamang at hindi ako nalipat ng section.
Syempre nasa lahi din naman namin ang magsipag sa pag-aaral noh. Hahahaha.
"Mama papasok na po ako ha? Baka malate pa po ehh, tsaka kasabay ko na pong pumasok si Ashiel para po may kasabay na kaming maghanap ng kaklase sa school, nakakaligaw po ehh." sabay kiss ko kay mama
"O'sigee. Basta uuwi kaagad ha? Pupunta pa tayong sm mamaya, remember, kulang pa ung gamit mo tsaka ngayon na din natin makukuha ung order nating libro mo kay tita Zel mo." aniya
"Sigee po." at lumabas na ako ng bahay.
Sa kanto ko nalang daw hintayin si Ashiel para dii na bababa ng tricycle at tuloy tuloy na.
Sa school...
Madaming estudyante ngayon sa may lobby, halos mga first year yung iba.
Kami naman ni Ashiel ay dumiretso na sa 2nd floor dahil dun daw ung new room namin.
"Cendley Tata Nathanson! Ashiel May Quintos! Tara, dito kayo. Tabi tabi tayo nila Mashielyn Pelaez" sabi ni Keshia at talagang buong pangalan pa ha? Ayaw naman nya sigurong iparinig sa klase yan? Grabe -.-"
Keshia Gorge Gonzales ang pangalan nyang maingay na yan. Kaya sa sobrang inis ko sa kanya. Binato ko sa kanyan cellphone ni Ashiel at nung nakalapit na ako, pinagsasabunutan ko sya.
Pero joke lang yon Hahahahahaha.
As usual, nagsimula nanaman ung araw ng pakilala dun pakilala dito. Kalahating araw ay halos ganun ang nangyari.
Nagrecess na kami.
Dun kami dumaan sa may garden kasi mas mabilis kaming mkakapunta sa canteen kung dun kami dadaan.
"Hi Cendley! Hi Keshia!" sabi ni mokong na tipaklong
Ung third year na lalaking mayabang. Tssk. Inisnob nalang namin sila.
Nakita ko namang nangiti lang si Sondej ba yun sa tabi nya. Tssk.
Mga walang magawang matino, kaya ayokong dumaan dito ehh. Kaso no choice, dito dumadaan ang mga bruha kong kasama eh. (~_~メ)
Umorder lang ako ng strawberry cheesecake at strawberry shake para sa recess ko at naupo na kami sa may lamesa na lagi naming inuupuan noong first year kami.
"Oy, wag na tayong dadaan sa may garden ah? Ang aga aga, may mayayabang kaagad. Alala nyo non, muntikan ng mabuhol yung buhok ko at magupit noong tinirintas pala nila yung buhok ko sa payong nila?" sabi ko sa kanila sabay subo ng straberry cheesecake, hays, nakakawala ng stress
"Oo nga sissies. Dun nalang tayo dumaan sa may field kahit medyo malayo ng konti." pagsasang-ayon naman ni Keshia sa akin
"Eh kaya la--"
"Hep hep hep! Tama na. Final na yon. Hahahaha" pagpipigil ni Keshia sa magsusubok sanang pagsasalita ni Ashiel at Mashiel habang tinatakpan yung bibig ng dalawa at binitawan din kaagad
Inubos na lang namin yung kinakain namin at saka dumaan sa may locker room upang tignan yung locker room naming bago. Naexcite tuloy kami.
Hahahaha. Balita ko kasi, mas maganda at mas malaki daw locker room namin eh. Heaven~
May tatlong subject pa dapat kami ngayong araw kaso MAY MEETING DAW MGA TEACHERS. Wth?
Kaya nagsiuwian na ang iba at lumabas narin kami sa may PU. Ang Paradise University. School namin na may elementary at high school na din.
Nag-aya silang magmcdo. Kakain nanaman. -.-" hahaha.
Naalala ko ung sinabi ni mama kanina.
"Ayy. Sorry guys, may pupuntahan pa nga pala kami ni mama ehh. Bukas nalang. Bawi ako. ∩__∩" sabi ko
"Nako nakoo. Wag nalang, kahit hindi na." pagtatampo kuno ni Keshia
"Uhmm, kahit na libre? Ayaw parin? HAHAHA!" sabi ko
"A-ehh Cendley. Nagjojoke lang yang si Keshia. Haha. Kaw naman. Sigee ba!" ashiel
"Basta kahit ano ha!" mashi
Ehem. Sabi na ehh. Puro libre lang tong mga toh. Hahaha.
"Ao na. Gege. Gogora na me. Babushh." sabi ko at pumunta na sa paradahan ng jeep para makasakay
Bigla ko namang nakasalubong si Sondej ata yung last name non. Yung kasama ng mayabang kanina sa may garden.
Nakatingin lang sya sakin sabay tingin sa phone nya tapos sakin tapos sa phone nya tapos sakin. Ano ba?
Hindi ko nalang sya pinansin at nagtuloy tuloy nalang akong maglakad ng makauwi na.
Nako, pagkadating talaga namin sa sm, papabili ako sa DQ. Nakakastress. Hahahaha kidding.
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•