AKK 19 Meet Joab

105 4 0
                                    

Kuya Paulo's POV:

Mga thirty minutes na din kaming late, nasa loob padin ata si Cends ko. Nasa loob na ng van yung iba, yung iba naman ay naghihintay nalang din dito sa labas ng van.

Habang nakasandal ako dito sa may hood ng van ay naisip ko na parang ang tagal naman ata nya? Baka naman may nangyari ng masama sa kanya sa loob? Hala!

Dali dali akong pumasok sa loob, nabunggo ko pa nga si Kyle eh, yung kaklase nila Cends...

"Pre, ayos ka lang ba?" pagtatanong nya

"Si Angelo?" pagtatanong ko, halatang nagulat ata sya sa tanong ko

"Ah-eh nasa loob pa ata, tignan mo nalang dun sa may salas." pagkasabi nya non ay nagpasalamat na ako at tumakbo na sa loob

Eh bakit ba ang paranoid ko?

Pagkapasok ko ay pinagsisihan ko na pumasok pa ako dito.

Eh ano ba? Hindi ba dapat ay natutuwa ako ngayon kasi yung taong gusto ko ay magkalapit sila ngayon ng taong gusto nya dito sa huling baitang hagdanan?

Bago pa man ang lahat ay, "Ehem!" may nagkunwaring nag-ubo-ubuhan sa likod ko

Pagkalingon ko ay si Ginger pala... at nakangiti sa akin at kala Cends din. Yeah, a fake smile.

Binalingan ko ulit ng tingin sila Cends at dun palang sila nakaayos ng tayo. Ano bang nangyari? :O

Si Cends ay parang nagulat na namumula ang mukha pero si Angelo ay nakahalf smile lang at sa malayo nakatingin

"Tara na daw guys, late na tayo." pambabasag ko ng katahimikan

Inalay naman ni Angelo ang kamay niya kay Cends, bakas man sa mukha nya ang pagkahiya, kilig, at pagaalinlangan ay tinanggap nya yon.

May gulay! Ang sarap magflying saucer. Tumingin pa sa akin ang Angelo na yon. Ano ba?

Dinaanan nya lang kami ni Ginger at naglakad na sila palayo.

"Hayaan mo na pre, tara na. Baka magkabasag basag pa dito sa loob ng bahay eh. Hahahaha." sabi nya at naglakad narin palabas, wala na akong nagawa kung kayat lumabas narin ako

-

Candice's POV:

Mga isang minuto nalang at malapit na kami dun kala Joab ng

You were a star inside you car, we were making conversations... ♪

Biglang may tumawag kay Baby Cends namin.

"Oh Joab? Nandito narin kami, nagpapark nalang." pagkasabi na pagkasabi palang nya sa pangalan ni Joab ay tinignan ko na kaagad ang tatlo

HAHAHAHAHAHA! Ang haba ng hair ni kapatid.

Dinaig pa ako, ako nga eh isang Glem lang. Hahahahays. Dejk. Haha pero eto na talaga. MU lang kami ni Glem. Makisig na Ugnayan. Hahaha. Eh kasi naman eh, di ko alam. Ang gulo na masaya kaya. Bleeh! Haha

Back to the topic, silang tatlo ay nakapoker face lang, si Angelo na katabi ni Cends ay nakatingin lang sa may bintana, nasa ikalawang linya kàsi sya sa dulo sa kanan, nasa kaliwa nya si Cends

Yung dalawa naman na kuya nya (daw) ay nakatingin lang sa mga kamay nya na nasa lap nya. At yung isa naman na ang galing ng pangalan na si Ginger Cheese ay nakatingin kay Cends, nasa likod kasi ni Cends yung dalawa. Himala nga at magkatabi pa eh.

Mwahahahaha... kami naman ni Glem ko ay nasa pinakaharap, sya kasi yung driver namin ih. Haha!

"Ahh, sige sige... Hinatayin nyo nalang kami nila tita dyan ahh. Pababa na din kami... Okay, I miss you more. Hahaha... Ikaw talaga... Oo naman... Mwa!" at ini-off na ni Cends yung phone nya

Haha. Kung alam lang talaga nila. Hahahahaha

-

Ginger's POV:

Hays, naguguluhan padin ba kayo sa pangalan ko? Hahaha okay lang, eto kasi yon.

Dapat talaga ay Ginger lang pangalan ko, kaso nakakita ata si mama ng daga bago nya ako isilang dito sa mundong ibabaw kaya naisipan nya ang mahiwagang 'Cheese'. Kaya Ginger Cheese.

Unique right? Hahaha. Pero sa totoo nyan ay may phobia ako sa mga daga, kaya nga ayoko ng Cheese eh. Parang hindi fit sa personality ko yung name ko.

Nalaman ko lang na may ganoong phobia na pala ako noong maglilimang taon ako tapos pumunta ako sa may bukid namin. Astig, isn't it? Hahaha

Eh ngayon naman ay Luyang Keso, tinagalog ni Cendley kaya naman mas naappreciate ko talaga pangalan ko. -.-"

So eto na nga, nababalot na ako ng selos kaya nagkwento na lamang ako sainyo. Hindi ba halata? Haha. Okay okay.

Kasi naman eh, si Angelo pa yung nakatabi nya, eh hindi naman sya kinakausap. Edi kung ako sana yung tinabihan nya edi tawa na sya ng tawa sa mga kakornihan at pagkadaldalan ko ngayon. Nako, wala pala sya eh.

Ang gusto ng mga babae ay yung may sense of humor diba? Tama ako diba? Sagot!

Ayan. Hahaha kaya ako na yan. Si Angelo? Nako, uuwi din yan. Hahaha bitter ko. Lol.

Tapos may pa-I miss you I miss you more pa. Ano yon, may relasyon ba sila ni Cendley? Di ako makapapayag!

Papasok na kami sa pintuan ng party room, may red carpet pa nga eh at mga white ang pink roses pa sa gilid.

Tinignan ko naman si Cendley at manghang mangha nanaman sya sa mga pink roses.

May iba't ibang lights dib dito sa labas na ikinabit sa magagandang puno. Kaya ang ganda. Parang sya.

Aw! Gay. Syete naman oh. Pero okay lang, para naman kay Cends eh.

Nakapasok na ka kami sa loob at naghanap naman na ng mauupuan ang iba namin kaklase sa medyo gitna, hindi naman pang family ang party na ito. Pero hindi rin pang business na ang dami dami dami talagang mga tao. Dito kasi, malaki yung place nya pero hindi ganoon ka-crowded kaya makikita mo yung effort na ganda ayos sa paligid.

Nagpalinga linga muna ako upang i-examin itong lugar ng...

"Joab?!" medyo napalakas ang pagkakasabi ni Cendley kaya naman nagkatinginan kami sa kanya

"Hi older love!" sabay lapit nya Cendley at nagbigay ito ng matunog na smack sa cheeks nya

"Older love/ Older love/ Older love?" sabi ko~ ay naming tatlo "Ikaw lang yon?" sabay sabay nanaman kami

Nagkatinginan naman kaming tatlo at kay Cends. Halatang nagulat din sya. Kaya nag-iwas tingin kami.

Ano, older love? Wth? How come?

A 7-year old boy? Nagulat naman ako. Pero on the other side, masaya ako. Hahahaha bakit? Edi walang karibal. Isang totoy lang pala yung ka-I miss you'han nya eh. Haha

"Hey older love, who are they? Are they your body guards?" pagtatanong nya habang nakaturo sa aming tatlo

Ano?! Babangasan ko na ito eh.

"Hahaha no Joab. Hindi baby. Mga kaibigan ko sila." at ginulo ni Cendley yung buhok nya

"Na-uhh, wag yung buhok ko older love. Okay, alright. I thought they are your suitors. Hahaha basta ako lang yung love mo, malapit na akong magseven. Sasagutin mo na ako ha?"

Aba aba! Hoy totoy, sa tingin mo sasagutin ka niya ha? Ako lang

Natawa naman si Cendley sa kanya.

"Hay nako, tara na ngang bata ka." at hinatak na nya ito dun sa may table sa harap. Nandun din yung ate nya eh.

Kaya naman kaming tatlo ay naiwang talunan~ Joke! Na-uh, never. Hahahaha.

Isang bata lang yan Ginger. Don't mind him. Bwahahahaha.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon