AKK 37 Creepy Nights

66 2 0
                                    

"Baby chi, san ba tayo pupunta? Nasan ba tayo?"

Oo tama kayo, si baby chi ang batang kumakaway sa kanina

"Secret ate. Ahihihi." Ayan nanaman yung tawa nya na akala mo si chuckie

"Whoah, take care ate." Natalisod ako, madilim na kasi hays lumalabo na din ba paningin ko?

Para kaming nasa isang tagong lugar ngayon na pinagandang bundok na bukid na gubat na ewan.

May tulay kaming dinaanan ni baby chi. Puro Christmas lights ang paligid, pagbaba ng tulay ay may isang puno sa may kanan namin na puno rin ng christmas lights

"Ate ang ganda noh?" Tanong ni baby chi sakin na manghang mangha din

"Oo nga eh, ang dami sigurong christmas lights na ginamit dyan. Sino ang may gawa?" Inosente kong pagtatanong ng tinawanan nanaman nya ako

"Hahahaha. Ano it's not Christmas lights. Mga alitaptap yan." Sabi nya na ikinagulat ko naman at tinignan ulit ang puno.

Shemay, oo nga noh. Hala. Baka may white lady na dyan. Puno ba ng balete yang pinapalibutan nila?

"Let's go na ate. They're waiting na--ay!" Napatakip naman sya sa bibig nya

Hahahahaha. See, nahuhuli rin sa sariling bibig. Hahahaha. Pinisil ko nalang sya sa pisngi nya at naglakad na ulit kaming magkahawak kamay. Ang haba ng nilalakad namin. Isang diretso lang sya.

Ganito naba ako kamahal ng mga kaibigan ko para pagudin nila akong maglakad?

Alam naman nilang kalalabas ko lang ng hospital kanina eh. At saka alam ko namang mahilig sila sa surprises pero wag naman sana yung ganito. Yun bang isang "surprise!" nalang. Hahahahaha joke, ang choosy ko pa.

"We're here na ate. Just sit here and relax. Orayt?" Sabi nya sa akin at pinaupo ako sa isang mataas na upuan at nagthumbs up pa sya bago umalis

Five minutes...

Ten...

Twenty...

Twenty five...

Ano ba, nilalamok na ako dito ah.

"Ten... nine." Nagbilang nalang ako pabulong sa sarili ko ng ten seconds tapos pag wala padin, nako bahala na sila sa buhay nila

"Eight..."

"Seven..."

"Six..."

"Five..."

"Four..."

"Three..."

"Two..."

"One..."

"Nako bahala na kayo sa buhay nyo guys. Ayoko namang mamantal buong katawan ko dito sa mga kagat ng lamok kakahintay sainyo para mangsurprise." Sabi ko at tumayo na ako at tumalikod na ako't naglakad

"Hay nako. Hindi talaga marunong maghintay itong pinsan kong ito." Sabi sa mic. Nino paba? Edi ni Yohan.

Tinignan ko yung paligid pero wala namang tao, nasa likod ng stage? Nilapitan ko, wala din.

"Ano ba?! Hindi na nakakatuwa guys. Lalayasan ko talaga kayo dyan" pagbabanta ko

"As if namang kaya mo kaming layasan. Hahahaha." Pang-aasar naman nya

"Ha, kaya ko talaga." Mukha akong tanga dito na nakikipag-away sa boses ng hangin

Bigla namang tumayo na ako at babalik na ako sa van. Nako, bahala sila. Tinuruan kaya alo ni papa noon na magvan. Pero syempre di naman ako nagdadrive, atleast alam ko naman. Bahala silang maglakad pauwi.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon