AKK 30 Gone

114 2 0
                                    


Unang una, salamat at umabot kayo hanggang dito. Hahaha. So ayun nga. Tatlong nilalang sa kanyang buhay. Pili na kayo~ HAHAHA.

Hanggang dito na lamang po ang storya, hindi ko na sya itutuloy. Ititigil ko na ang kabaliwan ko. Pero syempre, joke lang yun noh.

Sayang airport ko, akala nyo ba madaling magtype? Hahahahays na-uh.

Song for this chapter: Leaving on a jetplane

**

Kanina pa kami paikot ikot dito sa may mall at kanina pa din pinagtitinginan dito dahil nga sa parehas na Davao LANG naman ang suot namin.

Asan ang big deal dun? Hayst.

"Dito tayoo." sabi nya sa akin at hinatak naman ako papasok ng supermarket

Nanguha sya ng basket at pumunta kami dun sa section ng mga chichirya

Nanguha sya ng kung anu ano dun. Malaking mogu mogu.

"Hoy, umamin ka nga. Alasingko na ngayon. May balak ka bang magpicnic?" sabi ko sa kanya habang nangunguha ng mineral water

"Uhm, pwede din. Hahaha." sabi nya at nagpunta naman na kami sa may cashier

"850pesos po sir" sabi nung babae

Ano? 850 na ito? Bakit, namili ba ng Anlene ang mokong na ito at pagkamahal mahal ng binayaran?

Ano ba, di naman ako yung magbabayad eh. Inistress ko pa sarili ko. Hahahaha.

Bumalil kaming parking lot kung nasan ang driver at sasakyan nila Angelo.

Kumakain ba itong si kuya? Buti hindi sya nagsasawang maghintay sa may sasakyan? Hahahaha

Nagbyahe naman kami ng mahigit isang oras. Grabe ah, bundok nanaman ata itong pupuntahan namin.

Mag-aalasais na kaya naman saktong pagbaba namin ay tanaw na tanaw ko kaagad yung sunset mula dito.

"Wow..." pakiramdam ko magkatapat lang kami ng araw na papalubog ngayon sa sobrang lapit ng tingin ko

"Ang ganda ng sunset dito noh?" nasa kanan ko na pala si Angelo, at tinignan ko naman yung likod namin, nakaayos na yung mga pinamili namin at may banig at unan pa

"Oo nga eh. Uy! Look!" masigla kong sabi sa kanya "Yung silver lining. Cool. Ang ganda." sabi ko na namamangha GRABE HAHA

Akala ko kasi sa mga google at tv lang ako makakakita na ganito eh. Pwede ko rin palang makita ito kasama ni Angelo.

Kapag pinagmasdan mong mabuti ang paglubog ng araw, panandalian lang ito. Basta kapag nagsimula na sya, tuloy tuloy na ito. Dahan dahan.

Didilim na ang paligid at maghihintay ka lang ng ilang oras muli ay magsisimula na naman ang panibagong araw-- iyon ay ang bukang liwayway.

-

Keshia's POV:

Kinukulit ko si Yohan na huwag sabihin. Ang kulit talaga ng Gremlin na iyon. Mabuti nalang talaga at napapayag ko.

Nakakakonsensya lang, kasi mas nauuna pa naming malaman ang ganitong balita bago sya.

Sa isang araw talaga. Ako na mismo ang magsasabi. Dahil kapag dun na late na late, dun pa mas masakit sa pakiramdam.

-

Cendley's POV:

Nandito kami ngayon sa may banig at nakahiga. Kakatapos lang naming kumain ng hapunan ni Angelo pero wala eh, masarap mahiga pagkatapos kumain. Hahaha minsan lang naman ito.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon