AKK 22 Shopping Shopping Shopping

104 2 0
                                    

Dahil sa nasira na yung araw ko ng dahil sa Irish na yon. Tinawagan ko nalang ang tatlong maria. Gagala nalang kami after lunch.

• • Paalam paalam sa susunod muli, Baunin ang tuwa't saya mula sa Bibolandia ♪

Natapos na yung pinapanuod ko. Hahahahays. Bibolandia yan mga pards. Kada sabado lang naman yan eh. Haha.

"Tara na Cendley. Kakain na tayo." tawag ni mama sakin muna sa kusina

Kaya naman pinatay ko na yung tv namin dito sa salas at nadiretso narin ako sa dining room.

"Wow naman. Beef steak." sabi ko habang papaupo sa may lamesa at tinikman yung luto ni mama "Uhmm~ yum yum yum" sabi ko pa at nagpeace sign pa yung kaliwa't kanan kong kamay at tinaas baba ko pa ito HAHAHA

"Masarap ba?" pagtatanong ni ate

"Oo. Hahaha." sagot ko, binalingan ko naman si mama "Ma, wala ka talagang kupas sa pagluluto." at nginitian ko naman sya

Natawa naman si mama "Hahahaha si ate mo nagluto nyan" nabilaukan naman ako

"Makasamid naman to, grabehan." sabi ni ate na nagsisimula ng kumain, hindi man lang nagdasal muna, nafeel ata masyado yung niluto

"Eh kasi naman akala ko puro prito ng itlog, tuyo, at isda lang afford mo eh. Hahahahaha!" sinamaan naman nya ako ng tingin

Nagkainan narin kami nila mama, patapos na akong kumain ng nagsalita si mama. Tahimik lang kasi kaming kumakain non eh. "Anak, may sasabi--"

♪ you were a star inside you car, we were making conversations...

Biglang nagring yung phone ko kaya hindi na natapos ni mama yung sasabihin nya.

"Ay ma, ano po yon?"

"Hindi, sige anak. Sagutin mo muna yan baka importante." sabi naman ni mama

"Okay po." tumayo nama  kaagad ako ang nagpunta sa may salas

Si Ashiel pala ang tumatawag "Ano yon Ashiel?"

[Eh sis mauna na kayo nila Keshia at Mashie dun sa mall ha? May dadaanan pa kasi kami nila mama ngayon.]

"Ahh sige. Mga 1:30 pa naman usapan eh. Basta susunod ka ha? Sissy Rules ha? Walang madaya."

[Okay pala. Mga 2 siguro nandun narin ako. Oo naman noh. Ikr. Haha sige na. Babush. Mwa!]

"Okay sis. Mwa! Ingat kayo ha. Iwanan kashungaan sa bahay. Hahahahaha" at ibinaba ko na yung phone, baka kasi kung ano pang bratatatatat ang mangyari eh ^.^

Bumalik na ako sa kusina. "Ma ano po ulit yung sasabihin nyo dapat kanina?" nagkatinginan naman sila ni ate tapos tumingin si mama sakin at ngumiti, tinignan ko naman si ate, parang nag-aalangan

"Ahh, wala pala. Hahaha. Kasi aalis ulit kami ni ate mo mamaya. May gala ka diba? Basta, wag lang papagabi anak ha?" sabi ni mama

Para namang nakahinga ng maluwag si ate non. WEIRD.

"Okay po, isama nyo nalang po si cheesecake."

"Sige sige." at inubos na namin yung kinain namin at naghugas na ako ng pinggan

Pagkatapos ko dun ay umakyat na ako para gumayak.

Kung naitanong nyo kanina kung ano ang Sissy Rules. Malalaman nyo rin iyan. Hahahaha. Pauso lang naman namin. Kumbaga echos lang pero ang mga punishments ay echos lang din. Hahahaha.

Nanuod lang ako saglit sa Myx, ang galing kasi pang number 7 na kaagad yung Dangerous ng Before You Exit, eh karerelease lang non. Yeah~ Happy Kid. Hahahahahaha.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon