Eto nanaman ang math namin. Matindi laang -.-" eto na kasi yung last subject na sasagutan namin para naman maging malaya na kami sa amin first grading period. Eto nanaman ang 'x' at 'y'. Tss. Okay, lang. Pinag-aralan ko naman itong mabuti eh, pero kahit na. Pahirap sa buhay. Hays.
"Okay, ten minutes to go." sabi ni sir rence, aming adviser
May gulay! May apat pang problem solving akong sasagutan. Kahahaba pa. Mala reading comprehension eh :3
Kaya naman sa tense ko, mas lalong nagkandaletse letse. Nanginginig na ako sa pagsasagot. Aist, mali. Mali pa pala 'tong nagawa ko. Baligtad!
Teka lang po please.
Lolo, help. Bigyan nyo po akong ng lakas para matapos ko pa po itong problem solving. 6points pa naman po ito.
Ayan, isa nalang. Isa nalang. Makukuha ko na yung 'x'.
"Ten..." Sandali! Nagmamadali lang po sir?
"Nine..." Whoah, if I know, nagmamadali lang dahil makikipagdate pa sya
"Eight..." Eto na nga po, imaminus ko nalang
"Seven..." Ay syet! Naputol pa ginagamit kong lapis. Kaya naghalughog pa ako sa bag.
"Six..." Hala!
"Five..." Halughog parin ako.
"Four..." Eto, may nakita rin ako sa wakas. Okay na siguro itong red pen. Naubos narin kasi yung tinta ng black pen ko eh ×…× sana wag mapagalitan
"Three..." Malapit na malapit na.
"Two..." Ayan! Naibox ko narin sa wakas yung huli kong sagot
"And one. Ipasa nyo na mga papel nyo. Finish or not finish. "
Sa wakas! Yes. Yuhoooooo~
"Okay, pwede na kayong lumabas." pagbibigay ng signal samin ni sir
-
"Grabe sissies, ang hirap nung math. Nako, kung alam ko lang. Nagbigti nalang sana ako. Pero syempre, joke lang yon." sabi ni Mashie sabay subo nya ng chicken sandwich
Nandito kami ngayon sa may cafeteria. Nagutom sa pagsagot dun sa mga tests namin. Yung mapeh nga eh, nasabi pang minor tapos mahigit five pages ang sinagutan namin- HARAP LIKOD pa! Abay matindi.
"Oo nga eh, tapo-- oow." sabi ni Keshia na bigla nalang natulala sa likod ko na parang tutulo na ang mga laway. "Ang hawt! Ang hot nila mga sis! Look! Mga tranferee ata ng section two ang mga iyan eh." tapos animo'y naghaheart pa mga mata nyang chinita.
"O-oo nga girls! Ga-grabe. Tignan mo yung abs, Bakat sa fit na damit na suot nila. Mga second year highschool palang ba yang mga yan? I can't take this anymore! Kyaaaah!" sabi naman ni Ashiel na parang naghahyperventilate na
Kaya naman tinignan ko yung likod ko kung ano ang tinitignan nila sa may likuran namin ni Mashiel. Teka, hindi pala ano. Kundi, sino!
Ang hahawt nga nila. Apat na lalaking nangingibabaw ang kagwapuhan.
Ang daming babae ang nagtitilian. Pss. Gwapo lang, kulang nalang eh pasagasa na sila sa truck at ready to die na. Pero okay lang, hindi ko naman sila masisisi kung bakit ganyan sila eh. Ganyan din naman ako pagkay baby Angelo na. Mwihihi ^o^
"Uwah! Bebe Cends... Gwapo nga!" isa pa itong si Mashie, sana hindi malang din lumingon "Gwapo oh. Hindi lang gwapo! Ang hahot pa nila. Letse! Kinikilig na kaagad ako. Papaano pa kaya kung kausapin pa nila tayo?" Tss, gwapo nga. Mukha naman mayabang. Teka teka, bat ba ang bitter ko?
And speaking of oranggutans... Papalapit sila sa table namin.
"Hi Ms.Pelaez" sabi nung mukhang tipaklong -.- nakataas pa buhok eh, sa tingin mo bagay sa'yo yan? Inabot nya kamay nya. Si Mashie naman kilig na kilig, bat kilala nya si Mashie?
"Hello Ms.Quintos" sabi naman nung isang payat kay Ashiel. Siguro hindi sya mahilig kumain no? Nangangayayat eh. *insert sarcastic tone here* Si Ashiel naman ay parang natulala naman, dahil lang sa ginulo buhok nya? Ginulo lang nung lalaking yon ang buhok nya, kinilig kaagad sya?
"Oh~ yow. Keshia!" pacool na sabi nya at kumindat. Wow lang ha? Close close ba silang tatlo? Bakit mga kilala sila?
Kung sabagay, magaganda naman tong mga kaibigan ko, kaya imposibleng hindi makilala.
Ako lang naman ang pinakamaganda eh, pag nasa bahay :3
Teka! Pinsan ko itong isang ito ha? "Yohan?!" napalakas ang pagkakasabi ko, kaya pinagtinginan tuloy kami ng mga tao--ay mali, sila palang nga hotties :/
"Ah-hehehe hi Cendley! Ikaw pala yan. Hahaha"
"Haha, anong ginagawa nyo dito?" pagtatanong ko
"Kilala mo sila Cends?" bulong sakin ni Mashie
"Oo, pinsan ko sya. Si Yohan lang." pabulong ko ring sagot, tumango tabgo naman sya na halatang kinikilig parin
"Eh~ dito narin kaso kami mag-aaral eh. Haha." aba, kaya pala. Akala ko nasa Canada pa sila ni Tita Yna eh
May kumalabit naman sakin. Isang lalaking mas hawt sa kanilang apat. Tss, mas mukang mayabang din. Yabang ng galaw eh "Hey!" sabi nya sabay smirk
Ano ka? Hindi mo ako madadaan sa kakaganyan mo... Tsk, inirapan ko nalang sya. Nauudlot ang pagkain ko ng strawberry cheesecake eh. Mas importante ito sa kesa sa mga kung anu anong cheche burecheng introduction nila
"Ahh~ sige girls. Alis na kami. See ya around." sabi ni Yohan at lumabas na sila dito sa cafeteria. Doon lang humupa ang ingay sa caf, yung mga maiingay na kinikilig ata sa paligid namin kanina ay baka sinundan ata ang mga yon.
"Ay, sayang naman. Umalis na kaagad sila." sabi ni Keshia na akala mo naman ay iniwan ng boyfriend
"Pero sis! Pumasok lang sila dito sa caf para makipagpakilala satin!" kilig na sabi naman ni Mashie
Oo nga noh... Pero, nandyan naman si Yohan na pinsan ko eh. Yun naman dahilan ng mayayabang na kasama nya kaya sila nandito kanina. Bat ba ang bitter ko sa kanila? Ganun ba talaga yon kahit kakikilala ko palang dun sa tatlong oranggutan na kasama ng pinsan ko? -.-"
-
Paulo's POV:
"Hey!" narinig kong sabi nung isang mayabang na ipis sa gilid ni Cends ko. Ay erase erase, Cends lang pala. Walang 'ko'.
Nandito ako sa may labas ng cafeteria at kitang kita ko sila. Tss, bakit ba may mga mayayabang pang lumipat dito sa school namin?
May nagtap naman sa balikat ko, 'yung Angelo pala na crush ni Cends.Tsk. Akala nyo hindi ko alam noh?
Minsan kasi nabasa ko ng hindi sinasadya yung diary nya nung naiwan nya sa sasakyan namin yon.
(a/n: nasa chapter one yung diary na yan)
Kaya ayun, nalaman ko ng hindi rin sinasadya
"Wag magselos pre." pre? close kami? Tsk, pagbigyan nalang. Hindi ko sya pinansin
"Alam kong sobra pa sa pagiging kapatid ang tingin mo sa kanya Paulo." napalingon naman ako sa kanya, papaano nya nalaman yon?
Mukhang nabasa nya iniisip ko ha? "Halata naman pre eh. Kaya lang, may gusto din ako sa kanya eh. Hahaha. Sige aalis na din ako. Paalam."
ARGH! Fvck. Syempre, hindi ko sasabihin yan kay Bebe Cends ko. Edi mas lalo kinilig yan at naging sila na ni Angelo na yon at happy ending na? Nah! Never!
D*mn. Bakit ba para silang tigyawat na nagsisisulputan. Ang dami ko ng karibal.
HEY. Heyhey'in mo face mo. Tss. Isama mo pa si 'pre' daw.
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•