Nakalipas na ang buwan ng matuto na ulit akong maging happy ^^
Sa tulong yan ng mga kaibigan ko at nila mama't ate. Cool diba?
Alam kong parang exagge tignan pero wala eh. Hahaha ganoon talaga.
Lagi nila akong pinapasyalan sa bahay para lang walang pagmumukmok na maganap.
Si mama tinuruan pa ako maggardening, para sa hapon pag-uwi ko, may ginagawa ako. Tinuturuan nya rin ako ng iba't ibang klase ng luto sa hapunan kaya madalas ako na nagluluto ng hapunan namin.
Kapag weekends naman, nagbebake kami ng cookies ng tatlong maria, movie marathon kala Yohan o di naman kaya ay madalas kaming pumupunta sa bahay ampunan at binibisita ang mga chikiting na pagkakukyut.
So time consuming talaga, walang senti senti na nagaganap.
"Cendley, kamusta kana? Happy na ulit?" masiglang tanong nya sa akin at sinabayan akong maglakad papuntang pool area, nakalimutan ko kasi yung head cap ko kanina nung nagPE kami
"Uhm, eto... Happy na. Haha. Alam ko namang babalik yung mokong mong pinsan eh. Tsaka crush not to the max lang naman yon noh. Hahaha."
Tinawanan naman nya ako at nung nakuha ko na yung head cap ko ay naglakad na ulit kami pabalik ng room.
Naging kaclose ko na din yang si Jester. Chinikahan nya ako ng tungkol sa sarili nya pati na din ng kay Angelo. Nakakatuwa lang kasi ang saya nyang kasama. Hindi boring, may sense of humor. Kaya ngayon, friendship na din kami. Haha.
"Oy bae, anong balak mo sa sabado?" pagtatanong ko nung tinabihan ko sya, wala pa namang teacher eh
Nung linggo kasi birthday nyan. Nagbaguio sila ng biyernes ng gabi hanggang linggo kaya naman sa darating na sabado sana namin icecelebrate na magkakaibigan ang birthday ng Keshia.
-
Keshia's POV:
May naisip na akong maaari naming gawin.
Tada!
"Tara na, almusal lang naman muna eh." nandito na kami ngayong lahat sa may garden namin at nagpahanda ako ng masasarap na almusal para sa aming lahat
Eto muna ang naisip kong gawin para sa simula ng celebration.
"Picture picture tayo guys." sabi ni Yohan at naggroupie naman kami
Pagkatapos non ay nagkainan na muna kami habang hinihintay na matapos ayusin ang van na gagamitin namin papunta Gorge Resort
Isinunod sa ikalawang pangalan ko ang pangalan ng resort na pupuntahan namin mamaya kasi balang araw ay ako din naman daw ang magmamana neto.
At isa pa, bukod sa amin yon ay alam kong ligtas kami dun kaya dun ko naisip na dalhin sila. Isinasama ko nga sila tita Candy kaso ayaw eh, kaya si ate Candice at kuya Glem nalang inaya ko.
Nandito ako ngayon sa may salas at nagja-just dance habang sila ay busy sa kwentuhan at pagkakalikot ng gadgets
Ang sinelect kong kanta ay yung Can't take my eyes of you
Nakakatuwa nga kasi ang hyper ng mga steps dito eh, may mga tatalon talon tapos ikot ikot.
Grabe, nakakapagod pero masaya.
Maya maya naman ay naramdaman kong may tao sa kanan ko kaya napalingon ako "Hello" sabi nya
"Nagsasayaw ka din pala Yohan?" pagtatanong ko kasi nakisabay na sya sa akin
Naghawak kamay naman kami kasi ayun yung nasa tv eh. Magkaface partners tapos iikot kayong dalawa na magkahawak ang kaliwa't kanan nyong kamay.
"Oo naman, sumasayaw ka din eh." tapos kinindatan nya ako