AKK 46 IRONY

53 2 0
                                    


Akala ko... Akala ko ay lahat ng naiisip kong takbo ng kwento ng buhay kong ito ay matutupad o mangyayari.

Pero ano na?

Maling mali.

Maling mali ako ng inakala.

Naaalala ko, pagkabalik namin ni Iris sa kwarto ni papa. Umiiyak si mama. Sya nalang ang mag isa na nandoon.

Wala si papa at wala rin si ate...

Anong nangyayari?

"M-mama?" Tinakbo ko kaagad si mama at nilapitan.

"Si papa mo, hi-hindi na maganda ang... ang nangyayari sa kanya." Sabi ni mama

"A-ano po ba yung ano, yung pupwede natin gawin mama? Paraan." Natataranta na ako.

Si Iris naman, umiiyak na rin. Sana sa oras na ito ay magpakatatag sya. Alam kong parehas lang kami ng edad, pero lumalabas na ako parin ang ate sa amin dahil ilang buwan rin ang tanda ko sa kanya.

Bigla namang pumasok si Ate at nagmamadaling inayos ang mga gamit namin.

"Cendley! Kumilos kana! Kailangang mailipad sa ibang bansa si papa." Sabi ni ate

Nagulat naman na kaagad ako. What?

"Sa-sasama ako sainyo." Sabi ni Iris.

"Hindi pwede Iris, may magulang ka rin dito sa Pilipinas" sagot ni ate

"Pero hayaan nyo rin sana akong makatulong kay papa."

Natahimik si ate at nagempake nalang.

"Cendley at Iris, ayusin nyo na mga dadalhin nyo. Umuwi na muna kayo sa bahay tapos kuhanin nyo na passports natin at mga gamit na pwede nating dalhin. Sige na. Iris, pagamit muna ng sa driver nyo para maihatid kayo ha." Sabi ni ate

Alam kong nahihirapan na si ate sa oras na ito. Hirap na hirap.

Kaya bago kami lumabas ng kwarto ay nilapitan ko muna si ate at niyakap. "Mahal na mahal kita ate, pakatatag lang muna tayo ngayon." Sabay tulo ng mga luha ko.

Niyakap din naman nya ako pabalik at hinalikan ang noo ko. "Sige na, kilos na."

Inuna akong hinatid nila Iris sa bahay. Iginayak ko na ang damit naming tatlo nila ate at mamsi. Hindi ko alam kung hanggang kelan kami roon kaya madami na akong dinala. Ang phone ko kinuha ko na rin. Ang ipon ko. Alam ko, dala naman nila mama yung pera nila kaya ayos naman kami sa mga gagastusin.

Kinuha ko na rin yung passport naming tatlo. Yung kay papa naman, nasa hospital eh.

"Ano Cendley, ayos na ba lahat? Wala kanang nakalimutan pa?" Pagtatanong ni Iris.

Kinuha ko naman na yung laptop namin at sinuri muli ang kabuuan ng bahay namin. Na noon ay may maraning masayang alaala.

"Tara na." Sabi ko nalang at nagpunta naman na kami kala Iris.

Hinintay ko nalang sya sa sasakyan.

Naisip ko namang maggroup call sa tres marias.

"H-hello." Panimula ko

"Kyaaah! Cendley! Kamusta kana? S-si tito?" Pagtatanong nila

"Aalis kami. Kailangang maipagamot s-si papa sa ibang bansa. Bukod kasi sa nangyari s-sa ka-kanya, may malala pa syang sakit." Sabi ko nalang at nagcrack na ang boses ko

"What?!"

"Eh kelan ang balik nyo?"

"Edi dun na ang Christmas at New Year nyo?"

Sabi nung tatlo.

Oo nga noh, dahil sa nangyari, nakalimutan ko na malapit na palang magpasko, sa isang araw na.

"Bahala na. Basta magiingat kayo rito ha. Magchat nalang tayo palagi. Mamimiss ko kayo! Pakisabi nalang din kala kuya Paulo ha. Tsaka sa school. Salamat! Mwa!"

Tapos inend call ko na. Sakto namang pagdating ni Iris sa sasakyan.

Dumiretso na kami sa airport at doon nalang hinintay sila ate.

Please papa, pakatatag ka. Marami ang nagmamahal sa'yo...

Sakto naman at may ticket na palang nabili si ate.

Pumasok na sila sa loob, ako ang nahuhuli.

Sinuri ko muli ang buong airport. Kelan kaya tayo muling magkikita?

Sana... sana naman maging maayos na ang lahat.

Naiyak nanaman alo sa naiisip ko.

Bigla namang may naglagay ng jacket sa likuran ko.

S-si Kuya Paulo pala.

"Mag-iingat kayo doon ha." Sabay halik nya sa noo ko.

Mas lalo aking naiyak at niyakap ko nalang sya.

"Sige na, tinatawag kana ni Iris." Sabi nya

"A-alam mo na yung sa amin?"

"Oo. Kaya ang gawin mo ngayon ay, magpakatatag at huwag mong pababayaan ang sarili mo." Sabi nya sabay punas ng luha sa mukha ko.

Sa huling pagkakataon ay niyakap ko sya.

Hindi ko napansin na mahal na mahal ko na pala ang taong ito. Sya yung parating nandyan para sa akin. Sa lungkot at ligaya.

Sana lang ay may susunod pang kabanata para sa aming dalawa. Pero ngayon, kailangang kailangan kami ni papa.

Tumalikod naman na ako sa kanya at naglakad na palayo.

May sinabi naman syang pabulong at sakto lang para marinig ko pa iyon

I love you Cends, mag-iingat ka. Mamahalin pa kita.

Pumasok na ako sa loob. At sa huling sulyap ko, nakita ko syang nakatayo parin sa pwesto nya kanina at nakatingin sa akin.

Hindi ko na kayang titigan pa sya at naglakad na ako palayo sa kanya.

How Irony isn't it? Sobrang baligtad ang mga pangyayari. Hindi ko ineexpect na ganiyo, ganyan. Yung mamahalin ko syan, yung mangyayari ito kay papa, at aalis kami ng bansa.

Sana sa pagbalik namin... ayos na ang lahat.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon