Linggo na ngayon at magsisimba kami nila mama at ate ng 5am kaya naman maaga akong gumising at gumayak na.
"Ate hindi mo isasama si Glem?" pagtatanong ko habang nagmamaneho sya ng sasakyan namin papuntang simbahan.
"Nasa Davao sya girl. Isinaman ng daddy nya kagabi para makita daw nya yung business meeting ng daddy nya." sagot naman ni ate,
Nasa passenger seat si mama tapos ako naman ay nasa likod.
Noong nagsimula na yung misa ay tahimik naman kaming nakikinig. Nasa kanan si ate sa dulo tapos nasa kaliwa naman ako, nakagitna naman si mama sa amin. Sa pinakaharap kami lagi nauupo
"Peace be with you mga anak" sabi ni mama
"Peace be with you din po ma" sabay naming sagot ni ate at kiniss ko sya sa kaliwang pisngi nya tapos sa kanan naman si ate
Nagpeace be with you din ako sa mga katabi ko sa kabila pati sa... likod "Angelo?" nagulat naman ako dun
"Peace be with you Cendley." nginitian naman nya ako
"Hi ate. Peace be with you" tapos tumapak sya dun sa may niluluhuran at itinaas ang dalawa nyang kamay sa akin kaya naman bumaba ako ng kaonti tapos kiniss nya ako sa may left cheek ko
"Saiyo din baby." sagot ko, nakita ko din si tita "Hello po. Peace be with you po."
"Saiyo din ija." sabay ngiti nya
"Cendley, ano nga pala, diba yu--" naputol yung sasabihin sana ni mama nung natingin naman sya sa tabi ni baby chi "H-hazel?!" gulat na tawag tanong ni mama kay tita Hazel
Kilala nya?
"Candy?" gulat na tanong din ni tita kay mama
"Oo, ako ito. Hahahaha" nakangiting sabi ni mama
"Ikaw na ba yan? Hindi kita nakilala kaagad. Blooming ah mare." sagot ni tita sa kanya
Nagkwentuhan sila saglit kaso naupo na kaagad kasi nasa simbahan ho kami. Nyahahaha.
Pagkatapos nung misa ay nagkwentuhan ulit yung dalawa. Nakwento na ni tita kay mama kung paano kami nagkakilala dun sa Baguio.
Si ate ay busy katetext, kalalabas lang ng simbahan eh. Tsk haha. Nasa akin naman si Baby Chi at karga karga ko.
"Ako na dyan Cendley, baka mangalay ka. Mabigat pa nama itong si Baby chi." sabi ni Angelo at akmang kukuhanin si baby chi
"No kuya!" malakas na sigaw ni baby chi pero hindi naman pagalit at sabay ngiti sa kanya
Hahaha ang cute nilang dalawa. Wala ng nagawa pa si Angelo kaya sinabayan nalang nya akong maglakad sa may kanan ko.
"Ehem ehem!" si ate yan -.-" Aba. Hahahaha
Tinignan ko naman si ate ng pahalata-ka-ate look.
HAHAHAHAHA OO. Alam nya. Haha crush ko itong mokong na nasa kanan ko ngayon kaso, my gulay. Baka makahalata. Aba aba. Hahaha.
Tinawanan lang nya ako at nauna ng maglakad papuntang jollibee. Ang sabi kasi nila mama at tita hazel ay sabay sabay na daw kaming mag-almusal dun.
"Uhm, ano Cendley..." sabi ni Angelo na nagkakamot pa sa may ulo nya, ang cute nyang tignan HAHAHAHAROT ko :(
"Ano yon?" nakangiti kong sagot
Kyaaaah kainlove. Hahaha biro lang. Haha kabata bata ko pa eh. Ano ba. Haha
"Kasi ano, ah. Diba wala nanamang pasok sa Thursday?" nahihiyang nyang sabi
Wala kaming pasok non kasi may meeting daw yung mga teachers. Hay nako. Lagi nalang, ayaw lang atang magturo eh. Hahaha joke.