AKK 14 That look

163 3 0
                                    

Cendley's POV:

"KASAMA RIN KAYO?! AY ANAK NG MGA GREMLINS NAMAN OH~"

Ano? Ano na? Ha-ha-ha! Saya ng bakasyon nyo. Asahan nang magiging miserable ito. Yeys!

"O'bakit? Ikaw lang ba invited? Hahahaha" Sabay na sabi nung kambal na Cody at Hailey with matching ngiting tagumpay pa. Syan nanaman sila

"Oo nga naman Cendley, basta pag kasama sila Yohan, dun din kami." sabi naman nung luyang keso na yon sabay smirk, tssk

Inirapan ko nalang silang tatlo at pumunta nalang sa gawi ng mga girls at umakyat na sa van na pagmamay-ari nila Keshia. May driver naman kaming kasama at isang yaya nila Keshia, so dun sila sa harap.

Kami naman nila Keshia ay magkakatabi sa ikalawang linya ng van "Oy bessies! Magiging masaya bakasyon natin~ ayiee! Hahaha excited na ako girls!" Pabulong pero pakilig na sabi nitong si Keshia

"Oo nga sissies! Ang hahot ng kasama natin! Hihihi. Pwede naba akong makasuhan ng rape? Hahahahaha. Kidding!" Pabulong din na kwento at tawa ni Ashiel

"Oh, Mashie? Ano? Hindi ka magkocomment dya  na kinikilig ka din?" pagbabasyo ko kay Mashie, kanina pa tahimik eh

"Hm, if I know. Speechless ang Mashie natin. Hahahaha." pang-aalaska naman ni Keshia

Napansin ko nga, kanina pa sya tulaley. Ano na bang nasa isip nito? Ang magkasama sila ni Hailey the grasshopoer habang naglalakad sa shore with holding hands pa? Grabee talaga.

"Hoy girl! Tama na pagdedaydream dyan. Baka maihi ka pa! HAHAHAHA" isa pa itong si Ashiel, inasar asar din si Mashie at tumawa tawa pa pero pabulong lang din sila

Ewan ko ba kung bakit kami nagbubulungan eh kami palang naman ang tao dito. Sila Angelo kasi sa ibang van nakasama eh. -.-" hindi tuloy ako kinikilig ngayon. Wala ang aking Angelo. Hahahaha. Angkinin ko nalang, sa isip isip ko lang naman eh HAHA.

"Oh ikaw Cendley..." sambit ni Keshia, eto na. Nako po. "Ayaw mo ba dun kay nag'hey' sa'yo kahapon?" pang-iintriga nya, humarap pa sa akin na parang interesadong interesado sya

"Hindi nga sabi eh. Mag-amoy luya pa ako. Tss." bored kong sabi at ipinikit ko nalang mga mata ko

Bakit ba ayaw pa nilang umalis? Ano pabang ginagawa nila sa loob ng bahay? At saka aano nga ba kami?

"Hello guys!" rinig kong bati ng tatlong maria sa apat na iyon at kay Kuya Paulo. Oo kasama namin sya, remember sya yung nag-aya, ewan ko lang kung bakit nasama yung apat na gremlins na iyon.

"Hi girls!" bati naman nila in chorus

"Ready naba kayo?" pagtatanong ni manong driver sa amin

"Yes kuya! Wuhoooo~ BAGUIO WAIT FOR US. We're on our way. Yihiie!" Masayang sabi nila Ashiel at Mashie, parang kabayo lang ha? Nako, kinikilig lang iyang mga yan. Nasa likuran nama  ang apat at si kuya paulo eh

Pero, t-tekaa! Baguio?! Ngayon ko lang nalaman. Hanep. Ayos ah guys? Love nyo talaga ako. Lagi nalang ako sinusurprise *.* clap clap

Nagsimula na kaming magbyahe at may kanya kanya na silang kwentuhan. Etong tatlong maria ay kulang nalang ay sumabog na sa kilig. Yung apat naman ay may kanya kanya ring kalokohang kwentuhan -.-" maingay.

Kami naman ni Kuya Paulo ay natulog nalang muna. Kulang ako sa tulog eh, baka hindi pa nila ako makausap ng matino nyan mamaya.

Maya maya lang ay humupa narin ang ingay at baka nakatulog narin ang mga iyon. Ako naman ay heto, gising na ang diwa. Tinignan ko ang orasan ko sa cellphone kong nasa bulsa lang ng jacket ko. 5:30 na ng umaga. Nagugutom na rin ako. Kaso mga tulog sila eh. So, no choice. Tahimik nalang ako dito.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon