AKK 5.4 'Cause you're Special part 4

250 6 2
                                    

Cendley's POV:

"Alden?" gulat na tanong ni Ashiel sa kanya

"Anong ginagawa mo dito?" biglang tanong ni Mashie sa kanya

"Hahahahaha-- a-alam ko na-hahahahahaha. Grabe ka-haha A-alden!" humagalpak ng tawa si Ashiel

What's going on here? Ano namang problema kung nandito yung kapatid nya?

"Atleast ngayon, makikita ko na yung oh-so-precious mong crush. Hahaha. Si Quinee lang pala crush mo, may pasecret secret ka pa sakin. Haha. Tara girls, puntahan na natin sya. Haha. Lagot ka sakin Alden. Hahahahaha." sabay hatak na nya samin papasok

May mga ibang bisita din. Siguro mga kamag-anak nila at schoolmates.

Tinignan ko naman yung bahay nila. Grabe. Ang laki. Three times ata laki ng bahay nila samin.

Samin kasi hanggang dalawang palapag lang tapos sa garahe, two to three cars lang at may isang garden kami. Eh sila? Tatlong palapag ang bahay  Pwede na ata walong sasakyan dito sa garahe nila ah. Tapos may infinite pool sila. Ang ganda ng pagkakagawa. Tinext lang naman kasi kanina kay Keshia ni Kuya Paulo kung nasan bahay nila kaya ngayon lang namin napuntahan to.

"Hi ate Cends..." bati sakin nung isang batang babae na kaedaran ni Alden. Eto na siguro si Quinee

"Hello. Quine, right? Happy Birthday ah. Sorry kung wala akong gift sa'yo. Di kasi ako nakapagprepare eh. Promise, sa susunod babawi ako."

"Ano kaba ate, ang ganda ganda nga ng regalo nyo sakin ni kuya eh. Ang ganda pala ng boses mo, parang ikaw."

"Nako, nambola kapa. Hahaha. Napakinggan mo na pala."

"Oo naman. Mas maganda pa nga boses mo kesa kay Marie Digbg eh. Hahahahaha."

Ayos din palang kausap 'tong si Quinee eh. Magkakasundo kami neto. Hahahaha :D

"Ay haha. Anong kanta ba nya ang paborito mo?"

"Yung ano ate, yung 3am. Kaya lang wala kayong nirecord na ganun."

"Ganun ba? Parehas pala tayo. Nyahaha. Si kuya mo kasi nagsolo eh. Yung isa lang dinuet namin tapos nagsolo na sya."

"Oo nga daw eh. Hahaha."

"Eh si Alden, paborito mo din ba? Ay hahaha joke." nakita ko naman syang namula na parang hinog na kamatis, kitang kita sa kanya yon kasi maputi sya eh.

"Ay ate, taraa na dun sa may pool. Magsisimula na ata yung party celebration eh." sabay takbo na nya palabas, nakita ko naman syang nangiti, parang nagpipigil ng kilig

Hahahahahaha.

-

Nandito kami ngayon sa may pool at nakasayad yung paa namin sa tubig.

Patapos na kasi yung party eh. Hinihintay kasi namin si Kuya Paulo. Kanina pa wala. Sabi naman netong si Mashie eh papunta na daw 'tong si Kuya Paulo.

"Cends, Ashiel... May bibilhin lang kaming libro ni Nicholas Sparks dyan sa malapit na bookstore ha? Paubos na daw stock nila eh. Baka di pa kami makabili. Sandali lang kami."

"Uhm, okay. Hahaha." sagot naman ni Ashiel, ang saya nya ata ngayon?

Naiwan nanaman kami ni Ashiel. Kami nalang ba magkasama lagi sa kwentong ito? Hahaha joke lang.

"Oy, alden. Anong niregalo mo kay Quinee?" sigaw nito kay alden nung nakita nyang papasok ito ng bahay

"Eh ate, secret yon. Bleeeeeh." sabay takbo papasok sa loob

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon