AKK 26 I hate this feeling

81 2 0
                                    

Isang tilaok ang nakapagpagising sa akin. Nagtataka naman ako kung bakit tilaok. Eh wala namang manok dito sa amin.

Unti unti kong inulat yung mga mata ko at umupo. Humina naman na yung tilaok na naririnig ko kanina.

"Bebe Cend? Bebe!" aysus, ngumangawang Keshia pala ang tumitilaok

"Kamusta na pakiramdam mo?" ani ni Ashiel at lumapit sila sa aking dalawa ni Mashie

"O-okay na. H-hehehe." sagot ko

Anong akala nyo, nahimatay lang hindi na alam ang pangyayari? Na-uh.

Hindi naman ako galit kay Iris eh. Ang sa akin lang, ayoko ng attitide nya kaya kung minsan ay sinasagot ko sya. Ewan ko ba pero hindi ko magawang magalit sa bruhang iyon. Ang bait ko ba? Hahahaha

"Hoy. Sabihin mo sa amin yung nangyari? Bilis. At reresbakan ko yung taong naging dahilan ng pagkahimatay mo." exagge na sabi ni Mashie na nasa kanan ng higaan ko dito sa may clinic at sinamaan si Ginger at Angelo na nasa malapit ng pintuan, nasa kaliwa ko naman si Keshia

Tinignan ko naman yung dalawang lalaki na iyon at binigyan naman nila ako ng hindi-kami-nagkwento look

Ahh. Kaya naman pala walang alam ang tatlong maria na ito eh.

Napansin kong naandito rin yung tatlong sina Yohan, Hailey at Cody na nakaupo.

"O ano, movie marathon na. Yuhooo~" pakalog na sabi ni Yohan

Napansin ko namang lumingon ang tatlong maria sa kanya at sinamaan ito ng tingin.

"Hoy, kung gusto mong manuod. Maunod ka mag-isa mo, kita mo naman ho siguro ang nangyari dito sa pinsan mo eh noh?" sarkastikong sabi ni Keshia sa kanya

Ow, LQ here mga pips. Hahahaha

"Sorry na Shia." pag-aapology nito sa kanya

Pero teka. Shia? May goodness. Bwahahaha!

"Huwag mo nga akong maShia Shia dyaan. Keshia sabi eh." at inirapan nya ang nagpapacute ko paring pinsan

If I know, kinikilig na itong babaita na ito dahil sa tawag sa kanya ni Yohan.

And take note. Hahahaha may isa na yang chechekan sa wishlist nyan mamaya. Kasi naman eh, gusto nya daw ng may tumatawag sa kanya na shortcut ng pangalan nya, and it's Shia. So, Papa God, naway bigyan nyo po mamaya ng lakas si Keshia na matake ang kilig nya mamayang pag-uwi po ng babaitang ito na basa kaliwa ko ngayon.

Lumabas naman sa kung saan si Ate Karla, yung doktora namin dito sa clinic. Ate nalang daw ang itawag sa kanya dahil 25 palang naman sya at nagmumukha daw syang matanda kapag hindi daw ganun ang itinatawag sa kanya. Kewl right? Hahahays

"Cendley, okay kana." sabi nya sakin habang nakangiti, ang ganda ganda talaga nya. Maputi tapos may almond eyes, and sexy pa ha? Hays, buti pa sya. Dejk hahaha "Kaya ka nahilo at hinimatay ay dahil narin siguro sa init ng panahon kanina tapos yung sa nangyari pa saiyo." tumingin naman sya dun sa dalawang lalaki na kasama ko kanina at ngumiti

"Kaya naman maaari kanang makalabas. Mag-iingat sa susunod ha?" pagpapaalala nya at lumabas na ulit

"Yuhoooooo!" masiglang sigaw at tayo ni Yohan "Gotcha, makakanuod na tayo. Haha."

Binigyan naman nila ang isa't isa ng no-choice look. At tumayo narin ako.

"Angelo, e-eh ano, gusto mong sumama kala Yohan?" sabi ko sa kanya nung lumapit sya sa akin

Tinignan nya muna si Ginger at Angelo bago sumagot "Hindi ako pwede ngayon eh. May dadaanan pa kasi ako." sagot nya

"Ay ganun? Edi daan kana din kala Yohan pagkatapos mong daanan yung pupuntahan mo." sagot ko, nagtinginan nama  ang tatlong maria

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon