After nine years, marami ang nangyari. Sobrang dami. To the point na...
"Ang ganda ganda mo na ulit baby girl!" Masiglang sabi ni ate sa akin habang nakatingin sya sa salamin at tinititigan ako.
"Mas maganda kapa din ate, tignan mo nga oh." Sabi ko at itinuro yung tyan nyang halos 8 months narin. "Pag nagbubuntis ka ate, mas lalo kang nagbubloom." Sabi ko at binigyan sya ng isang magandang ngiti at di ko mapigilang hindi sya yakapin ng mahigpit kahit alam kong malaki ng ang tyan nya.
"Oh, tama na drama luka. Baka masayang makeup." Sabi nya ng maluha luha.
Si ate, pinagdadala nya ang ikalawa nyang anak. Lalaki ang una. Si Luke. Three years old na sya. In the end, talagang forever na nga sila ni Kuya Glem. Nakakatuwa nga eh kasi kambal pa itong pinagdadala ni ate ngayon. Instant tatlo kaagad pamangkin namin ni Iris. Hahahahahahahaha!
"Hello baby!" Pumasok si mamsi ng kwarto dito sa condo ng nakagayak nya.
"Wow naman, mas handa pa yata si mamsi kesa sa akin eh." Sabi ko then nakita kong paluha na si mamsi. Pinunasan ko naman kaagad ang nagtangkang luha na babagsak.
"Masayang masaya lang ako baby at ikakasal kana rin. For almost twenty eight years ng buhay mo, tayo tayo ang magkakasama. Una si ate mo, ngayon ikaw naman na." Sabi ni mamsi at humagulgol na.
Niyakap ko naman sya at paluha narin sana ng biglang sumingit nanaman itong si ate. "Tigil na muna mga drama lovely ladies."
Naghiwalay naman kami sa pagkakayap ni mama. Ngumiti sya at itinalikod ako. Hinarap nya ako sa may full length na mirror.
Nakita kong may kinukuha sya sa pouch nyang puti. At naglabas sya ng isang gold na kwintas ng mag diamonds na nakapalibot sa unicorn na pendant.
"Ang ganda nyan mamsi." Sabi ko habang ikinakabit sa akin ni mama ang kwintas.
"Bigay pa sa akin yan ng lola mo noong ikinasal din ako kay papsi mo. Iningatan ko sya. Kaya sana pahalagahan mo rin yan ng kung papaano ko ito inalagaang mabuti." Sabi ni mama at iniharap ulit ako sa kanya at niyakap ng mahigpit .
"Bakit si Cends may kwintas ngayong ikakasal mamsi? Ako wala." Pagtatampururut kunwari ni ate. At sumimangot.
Nilapitan naman sya ni mama at niyakap din. At may sinabi pero pabulong lang. "Eh ano pala yung binigay kong hikaw sayo noon aber?" Sabi ni mamsi. Natawa naman tuloy ako.
Pumasok naman na si papa sa loob at may dala dalang maliit at pahabang kahon na kulay asul.
"Hi darling!" Sabi ni papa at lumapit sa akin at hinalikan ako sa may noo ko. Napapikit naman ako at napangiti. Ang saya saya ko at kumpleto ng ganito ang pamilya namin.
Kinuha ni papa ang right wrist ko at isinuot ang isang gold pero simpleng design ng bracelet.
Automatic namang niyakap ko kaagad si papa.
"Hays. You're grown up already baby. Too fast. I hope you already know what your responsibilities are. Be a good wife, honey. Not only a good child, sister, granddaughter but also be a good mother in the near future. Orayt? Your papsi will always be here and love you. Must remember that." He said then he kissed my forehead once again "Tara na babe, mauna na tayo sa simbahan." Sabi ni papa kay mamsi at lumabas na sila habang yakap yakap nya si mamsi.
Bigla naman kaming nagkatinginan ni ate... "Aw, sweet." Sabay naming sabi at kinilig sa gesture ni papsi.
"Osya, aalis narin ako. Baka nasa baba narin si Glem eh. Take care sis. Alright? I love you." And then she gave me a peck on my right cheek. "Congrats sis." At sinarado na nya yung pintuan.