AKK 5.2 'Cause you're Special part 2

264 6 1
                                    

"HUWAAAAAAG!"

Napabalikwas ako ng nagising ako sa bangungot na yon. Grabe, hinahabol ko parin paghinga ko hanggang ngayon.

Hinahabol daw ako ng isang anino. Anino na ayaw akong paalisin sa gubat na nakakatakot.

Nauuhaw ako. Paglabas ko ng pinto, para sana manguha ng tubig sa kusina. Bigla na lamang ma y nantulak sakin. Napadapa tuloy sa, sa-hig? Hindi. Sa lupa. Isang lupa tong binagsakan ko.

Nanlaki mga mata ko ng makitang nandito nanaman ako sa may gubat.

"Huwag kang umalis! Hindi mo ko matatakasan. Bwahaha!" Sabi nung aninong papalapit na sa akin kaya naman tumayo na ako kaagad at tumakbo papalayo sa kanya.

Napapagod na ako kakatakbo, pero hindi. Hindi nya ako pwedeng maabutan.

Sumasakit na ang mga paa ko, nakayapak lang kasi ako. Napansin kong kanina pa ako paikut ikot sa gubat na ito. Kasi kanina ko pa napapansin ang isang malaking puno na maraming alitaptap.

Ang gandaaaa~

Sa kakatingin ko sa puno, natalisod ako.

Ayan na sya!

"HUWAAAAAAG!" napaupo ako sa kama

Isang panaginip na naulit sa panaginip ko.

Mali, BANGUNGOT pala. Anong ibig sabihin niyon?

"Cends?"

"Anong nangyari sa'yo?"

"Cendley..."

"Ayos ka lang ba ha?"

Samu't saring tanong ang ibinigay nila sakin. Sweet. Pwe. Hahaha.

Pero natatakot padin ako. Akala ko totoo na.

"Teka naman. Ashiel, anong oras na?"

Sya hinarap ko kasi mahilig to sa relo eh, kaya masasagot kaagad tanong ko.

"Ah-eh 1:17 na. Malapit ng magtime."

"Edi mabuti, tara pasok na tayo. Hahaha."

At binigyan nila ako ng mga weird na itsura. Grabe, anong problema?

"Aba'y kung ayaw nyo eh, mauna na ako sainyo. Byebye. Hahaha." At tumakbo na ako palabas

Narinig kong sumisigaw sila at tinatawag pa ako pero, ayoko ngang malate sa values. Values! Values na nga tapos hindi pa ako papasok dun. And take note, last subject. How dare me? Mwahaha.

A-argh. Aray. Bigla ko namang naramdaman na sumakit bigla tagiliran ko. Nabugbog at sa pader kanina sa cafeteria.

"Miss Cendey!" Sigaw sakin ng isang batchmate ko at abot sakin ng...

Keshia's POV:

Mwahahaha. Values na namin. Hello girls. Haha. Hello beaus. Haha. Hola readers.

At dahil ako ang pinakaclose saming apat kay Bebe Cends, ako ang unang binigyan ni author ng POV. Yiyie :'> HAHA

So eto na nga, values time. At etong si Cendley ay kanina pa tulala at hindi mo mawari kung masaya ba, malungkot, o natatae. HAHAHAHA ung itsura kasi eh. Kanina pa yan. Haha. Yiyie. Kilig.

Tinatanong nyo kung anong nangyari kanina? Hahaha. Well, it's a secret. Haha joke lang.

"So, si Sisa. Si Sisa na gagawin ang lahat para sa kanyang dalawang anak na si Basilio at Crispin. Eh kayo kaya? Anong gagawin nyo para sa kaibigan nyo? Sa kaklase nyo? Ano ang kaya nyong sa gawin para sa kanya o sa kanila?" Tanong ni ma'am Sanchez samin

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon