Cendley's POV:
Nung inakbayan ako ni Angelo ay nagulat naman ako. Naramdaman kong nag-iinit nanaman yung mukha ko kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Pero kasi eh, hindi ko maiwasang hindi mangiti.
Maggogolf daw kami ngayon. Whoah. Cool.
Nandito naman na kami ngayon sa at pababa na ng sasakyan
"Hi Sir." sabi nung babae sa kasama ko at yumuko ito, napakita ko namang nginitian sya ni Angelo
Selos alert. Selos alert. HAHAHAHA biro lang.
Nagtataka lang ako. "Sir?" nasabi ko yung nasa isip ko kaya naman napalingon sa akin si Angelo
"Oo. Haha bakit?" nakangiti nyang sabi
"W-wala naman..." sagot ko sabay iwas ng tingin at tinignan ang kabuuan ng lugar "Edi, i-ibig sabihin sainyo ito?"
"Yup." nakangiti nya paring sagot
MY GOODNESS! Yung dimples! Kyaaaaaah!
"Cool." sagot ko naman tapos inakbayan na nya ako papasok
Ginawa muna namin yung mga dapat gawin bago sumabak. Haha, sumabak talaga eh noh.
"Marunong ka?" tanong nya sa akin
Tumango lang ako at nginitian sya
Naglaban kami ni Angelo. Nung ako naman na yung titira ay biglang may tumamang bola sa kaliwang ulo ko ng pagkalakas lakas kaya naout of balance ako.
"Wuy!" sabi ni Angelo at sa kabutihang palad ay nasalo nya ako
Masakit eh. Ang lakas. Hays.
"Okay ka lang? Masakit?" pag-aalala nyang tanong sa akin, nakahiga ako sa may braso nya ngayon
"O-oo." babangon na sana ako kaso "Aray~" masakit talaga, may impact eh
"Halika, tulungan na kita. Maupo muna tayo dun sa gilid." sabi nya sa akin at inalalayan akong makatayo at umupo
"Dyan ka lang." seryosong sabi nya at pinuntahan nya ang pinanggalingan ng bola
-
Angelo's POV:
Nasundan kaya kami? Sh*t. Nakita ko syang tumakbo papaalis.
Ano ba yan.
Kaya naman kinausap ko ang mga nagbabantay dito sa golf club namin.
"Mang Ernest. May nakita po ba kayong lalaki dun na nakaitim kanina?" pagtatanong ko habang tinuturo yung pinanggalingan ng lalaki kanina
"Ay, s-sorry po sir. Hindi po eh. May inutos po kasi sakin kanina. Kadarating ko lang po." pagpapaumanhin nya
Nakakapagtaka lang. Papaano naman sya basta basta makakapasok dito?
Alam ko ang seguridad ng lugar namin na ito kung kayat alam kong ligtas kami dito, kaya lang papaano sila? Hindi kami ligtas sa kanila.
-
Cendley's POV:
Nung naglalakad na pabalik sa pwesto ko si Angelo, nakita ko namang kunot noo ito.
"O, anong nangyari? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa dyan." sabi ko sa kanya at natawa naman ito ng bahagya
"Wala. Hahaha. Tara. Mall tayo, mainit na dito oh." sabi nya at inakbayan nya ulit ako habang papaalis kami
Kyaaaah! Kaya crush na crush ko ito eh.
Limerence... First year palang kami, crush ko na sya. Ewan ko lang kung bakit ngayon lang ako kinausap ng mokong na ito.
Hahahahaha.
11:40 nadin nung nakarating kami sa may mall kaya naisipan ko muna syang ayaing kumain sa Mang Inasal bago gumala.
"Hugas muna tayo ng kamay." sabi ko sa kanya
Tinignan naman nya ako na parang nagtataka
"Shunga, magkakamay tayo noh." sabi ko
"Seriously Angelo? Hindi ka marunong? Hahahahaha!" hindi ko napigilang hindi matawa "Tara, hugas muna tayo tapos tuturuan kita." nakangiti kong sabi
Para namang syang nahiya at namula ang pisngi. So cute~
"Eto na po order nyo, ma'am sir." nakangiting sabi nung waiter sa amin at inihapag na ung pagkain namin
"Okay, ganito..." tuturuan ko na dapat sya ng bigla nyang hinawakan yung magkabilang kamay ko at pumikit
"Let's pray first Cendley." sabi nya, hindi nalang ako sumagot at nagdasal nalang din
Nung okay na ay tinuruan ko na sya. "Hahahahahaha! Epic Angelo." masigla kong pang-aasar sa kanya
"Ano ba yan. Nakakagutom na eh. Nag-aasar pa oh." sabi nya sa akin
"Oh, eto oh." sabi ko sabay subo sa kanya ng manok at kanin
At sumubo din ako ng akin.
At...
At..
Dun ko narealize na ang pinangsubo ko pala sa kanya ay yung kamay ko tapos isinubo ko din ito ng sa akin.
Omaygash! Napalingon naman ako sa kanya ng dahan dahan at nakangiti ito sa akin.
Eh-hehehe.
"Nahiya pa. Hahahaha eto oh." sya naman yung nagsubo sa akin at kumain din sya ng kanya
Ano ito? Wth?
Kinikilig ako. Tama na. Aba. Hahahahahahahahahahaha ^^
Natapos na kaming kumain at naghugas na kami ng kamay.
"Takaw mo. Nagextra rice kapa." pang-aasar naman nya ngayon sa akin
"Eh masarap kasi eh. Nakakabitin. Tsaka, ikaw din kaya. Bleeeh." hahahaha sagot ko naman at tumakbo papalabas ng inasal
"Oy teka." narinig kong sigaw nya sakin "Stay still." maawtoridad nyang sabi kaya naman napahinto ako
Naramdaman ko namang papalapit na sya akin at huminto sa may kanan ko at kinuha ang kanan kong kamay.
Tinignan ko sya pero nakatingin lang sya sa may wrist ko at may inilagay na isang silver na bracelet dun.
"Iingatan mo yan ah? Pag yan winala mo. Ako na nambabato sa'yo ng bola." nakangisi nyang sabi sa akin
"Uy hard! Hahaha!" sabi ko naman sabay hampas sa kaliwa nyang braso
"Alauna na. Tara na nga. San ba next destinasyon natin?" pag-iiba ko
Sumakay naman kami sa may escalator. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga taong nadadaanan namin. Dun ko lang narealize na dahil pala ito sa suot namin.
Nagpunta kami sa may fifth floor ng puro escalator lang. Grabehan ah?
Manunuod pala kami.
"She's dating the gangsteeeeer!" masigla kong sabi
"Nanunuod ka pala ng ganyan." sabi ko sa kanya
"Ngayon lang. Hahaha." sagot nya at namili naman sya ng ticket at pumasok na kami
"Whoh." ang lamig
Naupo naman kami sa medyo gitna. Naramdaman ko namang may mainit na bagay na nagtakip sa akin.
"Ay hehe sa-salamat." nilagay ni Angelo yung suot nyang jacket sakin
Mabuti nalang at madilim dito. Oy, wag green minded.
Kasi, nararamdaman ko nanaman ang init sa mukha ko. Hahahahahaha uwaaaaah!
*
"Go sexy, go sexy, go sexy sexy lovee~" malaAthena na sabi ni Angelo nung nakalabas na kami na may gesture padin
Kahit na pinagtitinginan sya ay ganun padin sya ng ganun. Tawa naman ako ng tawa sa kanya.
"Pero infairness. Bagay sa'yo." HAHAHAHAHA sabi ko
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•