Cendley's POV:
Napapangiti nalang ako kapag iniisip ko ng paulit ulit yung mga pangyayari nung birthday ko.
Isa linggo narin kasi yung nakalipas nung nagcelebrate kami nung birthday ko, at eto kami ngayon. Nasa sasakyan na, hinihintay si Mashiel. Laging late tong babae to eh.
Papunta na kasi kami ngayon nila ate at mama dun sa lagkoconcert'an ng Before You Exit. Sabado na kasi ngayon at graaaaaabe, pati sila mama at ate, namili din pala. Hindi naman kasi sila papayag na ako lang mag-isa ang manuod dun noh. Hello~?
So eto na nga kami ngayon sa labas ng bahay nila Mashie sa Dandelion Village, malapit lang naman to sa village namin. Kaso ang tagal nya eh. 9 daw simula nung concert eh. 8:35 na kaya. Hays. Dapat hindi parin malate, syempre.
Nagpabili rin sila Keshia at Ashi ng ticket sa mga magulang nila kapalit ng pagbabawas mg allowannce sa kanila sa loob ng dalawang linggo. Mga fanatics din yan eh. Kaya kami nagkakasundo ^o^
"Grabe ate Candice, kung hindi pa pala nagbirthday tong si Cendley, edi hindi pa namin malalaman na Concert ngayon ng BYE. Ano klaseng fana kami? Hahaha" sabi ni Keshia
"Hahaha. Dapat alam nyo, fans nga kayo diba?" sagot naman ni ate
"Oo ngaaaa. Kyah! Makikita na natin sila! For the first time in foreveeeeer~" sagot naman ni Ashiel at kinanta nya pa ung nasa frozen
"Oy, tama na yan. Tara na at baka maabutan pa tayo ng ulan dyan sa pagkanta mo." si Mashiel, nandito na pala
"Tse! Tigilan mo ako. Tara na nga po Tita Candy, baka malate pa tayo. May kasama tayong pagong eh. Hmp." sabi ni Ashiel
"Hoy anong pagong. Sinong pagong?"
"Sino paba? Edi ikblah blah blah blah----"
Natawa nalang si mama at pinaandar na yung van namin
-
"Tara na ate, ano pabang hinihintay mo dyan?" tanong ko kay ate, ayaw pa kasi nyang pumasok eh
"Ahh, eh kasi. Ano, uhmm. Ma--"
"Hi ate Candice! Hi Cends!" nakangiting lapit samin ni Kuya Paulo
"Hi Paulo, ang tagal mo naman. Hahaha"
Kasama din pala sya?! Akala ko may gagawin yan ngayon?
"Anong ginagawa mo dito?!" pagtatakang tanong ko
"Bakit, bawal na ba ako dito? Ikaw lang ba ang pwede dito?" sarkastiko nyang sabi pero tumatawa
"H-hindi." sabay iwas ko ng tingin "Sabi mo kasi may gagawin ka ngayon eh."
"Oo nga, eto yung gagawin ko. Manunuod sa concert nila. Haha."
"Oy tara na, nandun na sila mama. Daldalan pa kayo dyan." wala na pala si ate sa tabi namin at nakapasok na sya sa loob
"Tara!" sabay akbay sakin ni Kuya Paulo at pumasok na kami sa loob
-
Paulo's POV:
May gagawin naman talaga ako eh. Sasamahan sana sila Quinee sa Baguio kasi may tour sila dun, three days and two nights lang naman kaya nga hindi na dapat ako makakapasok ng lunes. Buti nalang at napostpone at sa Friday nalang daw gaganapin, sakto naman at wala kaming pasok non kasi gaganapin na ang first grading period namin sa tuesday, wednesday, at thursday.
Kaya eto ako ngayon, namili ng ticket kahit ayaw ko naman sa mga Before You Entrance--joke Exit na yan. Mas gwapo pa ako dyan eh. Lalo na dun sa toby, mas matanda lang sya ng isang taon sakin pero mukhang 12 years old palang. Tss.