Nagsorry sila ng nagsorry sa akin ng walang kamatayan.
Nakakaflattered yun mga pips. Hahahaha. Pero dahil dakila akong maganda--haha biro lang, dahil dakila akong mabait. Apology accepted.
Wala pa sila tito at tita, yung mama at papa ni Yohan. Mamaya pa daw mga hatinggabi uwi nila ngayong araw. Kaya naman na nagluto ang dakila kong pinsan. Haha galing noh, nagluluto pala sya. Dito nalang daw kami maghapunan bago umuwi. 7:30 na din kaya.
"Hoy Yohan, siguraduhin mong masarap yan kung gusto mong mainlove sayp itong bestfriend ko ha!" pagtataray ko kunwari sa kanya
Nagsigawan naman yung mga lalaki at si Ashiel at Mashie. Nagkakalikot nalang kunwari ng cellphone nya si Keshia. Pampatanggal ng kilig, baka malahalata ang iba HAHAHAHA.
Napansin ko namang nawala ata si Kuya Paulo. Eh nasan naman yon?
Nagpunta akong banyo, wala.naman sya. Sinilip ko sa labas. Wala din. Baka umuwi na?
Kaya naman kinuha ko yung phone ko para itext sana sya. Kaso, kaso hahahays, wala pala akong load. Pero may nagtext sakin. Sakto, si Kuya Paulo.
[ Cends, sorry kung umalis na kaagad ako ng walang paalam. May kinailangang gawin eh, hindi ko na napansin yung oras. Sorry talaga ha? Babawi ako promise :)]
Ayan yung tinext nya. Babawi? Kyaaaah~ papabili ulit ako ng strawberry cheesecake sa kanya ng madami.
Hahahanggang sa tawagin na ako ng kalikasan.
Joke lang. Hahaha.
Nagsiuwian narin kami pagkatapos kumain at maghuhas ng pinagkainan.
Feeling ko ang haba ng naging araw ko ngayon.
Binuksan ko na yung aircon dito sa may kwarto ko at nagtulog na. Sila ate? Hayaan mo na sila. Hahahaha.
Nalimpungatan ako nung mga bandang alas tres ng madaling araw. Kaya naman bumangon ako at nagbanyo muna sa baba.
Pagkabalik ko ng kwarto ay nahiga na ulit ako. Matutulog na sana ako ng pakiramdam kong may nakatingin sakin mula sa terrace ko dito sa kwarto ko.
Tumayo ako at lumabas upang silipin ang labas. Kaso wala naman akong nakita na kung anong bagay.
Heeeeee! Creepy!
Kaya tumakbo ako dali dali sa may kama at nagtalukbong ng kumo hanggang sa makaramdam na ulit ako ng tulog.
Kahut na nagising ako ng alas tres kanina ay alasingko naman ako nagising ngayon.
Bumaba na ako para magtimpla sana ng hot chocolate kaso nga lang ay maaga din palang nagising si mama kaya naman kakain nalang ako. Hooray! Hahaha.
"Good morning ma." sabi ko sabay kiss sa pisngi ni mama
"Good morning din bunso." sabi nya at naupo na ako at nagsimula ng kumain
Nagising na din pala si cheesecake at kinahulan naman ako nito kaya kinuha ko sya at pinaghahalikan naman ako nito sa right cheek ko "Good morning din be." sabi ko at ibinaba ko na sya kasi naghanda din ng almusal si mama sa kanya
Ayos diba? Hahahaha cool mom.
Nasa kalagitnaan naman kami ng pagkain ni mama ng nagising naman na si ate.
"Ay, di nanggigising!" aga aga ang ingay kaya hindi na namin sya pinansin ni mama
"So ganun? Hindi nyo ako papansinin?" pagpaparinig nya
"Hindi talaga?" hindi talaga HAHAHA
"Ah ganun, alam mo Cendley..." sabi padin ni ate tapos tumingin sya kay mama "Ganito kasi yun eh. Guwag kang mabibigla ha--"