Cendley's POV:This is it! The most awaiting event. Hahahahaha. Christmas ball na.
Maaga ako nagising kanina. Excited? Siguro. Hahaha.
Last year kasi hindi ako nakasama dahil nahospital si papa non.
Pero ni hindi ko nga nalaman kung ano yung dahilan ng pagkakahospital ni papa eh. Hindi naman daw masyadong masama yung sakit nya pero inabot rin kami ng ten days sa hospital.
.
And I hate
How much
I love you boy...
I can't stand
How I need you...
.
Uy! May tumatawag pala. Pinalitan ko na nga pala ringtone ko. Nagsawa na ako dun sa isa eh. Palagi nalang naririnig. Hahahaha.
Tinignan ko naman yung tumatawag...
Calling...
KeshiaPanigurado sasabihin nanaman nito na excited sya. Tumawag rin kanina yan eh
Sinagot ko naman kaagad.
[Sisteeeeeerr!] Sigaw ni Keshia sa kabilang linya
Nailayo ko naman matic yung phone sa tenga ko.
"Hoy, kung nais mong sirain ang aking eardrums, nakooo chupe na." Masungit kong sabi
["Eto naman girl, parang hindi excited sa ball.]
"Luka! Excited din naman ako noh. Hindi lang ako kagaya mo noh. Hahahahaha."
[Enebe sis. Eh kasi naman, sino ba namang hindi maeexcite, si Yohan ba naman ang nag-aya sa akin na maging partner nya. Hahahahaha.]
"Kinilig ka naman. Hahaha. O'sya, ipause mo muna yang kakiligan mo sis. Magpapaayos muna ako kala mama."
[ANO?!]
Ayan nanaman po yung nakakarindi nyang boses. Pwede ring hinaan minsan noh?
"Anong ano nanaman ba?"
[Okay ka lang ba? Napaghahalataang hindi ka excited sis. 6:10 na oh, tapos 7 ang start natin. S-e-v-e-n. Tapos ngayon ka palang gagayak? Tapos susunduin kana maya maya ni Kuya Paulo.]
"Eh kasalanan mo eh, tumawag kapa. Hahahaha biro lang sis. Sige chupe na." At inend call ko na
.
Matapos ang halos thirty minutes na madaliang pag-aayos sa akin nila mama ay... Tada! Bongga! Hahahaha.
"Cool." Pabulong kong nasabi sa harap ng salamin na pang whole body pagkatapos kong makapagbihis
Naka universal pink akong semi gown na may ribbon sa may kanan na black sa may bewang ko then tube sya tapos makinang. Ang ganda. Ang galing.
"Anak, nagmana ka talaga sa akin. Hahaha." Pagpapatawa ni mama ng makalapit na sya sa akin
"Eto na po ma." Lumapit naman si ate kay mama at may iniabot
"Anak, heto oh. Ayan ang makakakumpleto sa ayos mo ngayong gabi. Galing pa yan kay lola mo kaya ingatan mo ha?" Sabay suot sa akin ni mama ng isang gold na kwintas, simple lang sya pero attractive. Parang ako. Ay joke lang. Hahahaha.
Pero seriously, ang ganda nya talaga. Pagkasuot sa akin ni mama nung kwintas ay kiniss naman nya ako sa left cheek ko.
Humarap naman ako kay mama "Thank you po ma, thank you ate. Salamat sa inyo." At naggroup hug kaming tatlo