AKK 7 Memories

202 4 1
                                    

Cendley's POV:

So after ng Concert. Heto kami, gutom. Hahahaha. Kaya kahit 12 midnight na, kakain muna kami bago magsiuwi.

Grabe talaga. Cendley, kalma lang. Kalma. Hays. Ang saya. Nakapagpapicture pa kami sa kanila kanina. Whoah, ipapaframe ko to. Ipapatarpaulin ko narin. Haha kidding

Nagpunta kami sa jollibee, yun lang naman kasi ang 24 hours open eh na malapit dun sa pinagconcert'an nila eh.

Sila mama at Kuya Paulo na ang umorder para samin.

"SIS! Kyah! Next year ulit. Yearly ba yan? Omaygash. I wanna die!" kilig na kilig na sabi si Ashiel "Aray naman Cends. Problema mo ba?" binatukan ko nga. Batok lang yon ah? Eh ang wish nga nya eh, mamatay na. Matindi. Hahaha

"Cendley, wala kabang ano... Uhm, yung ano. Alam mo yon?" magulong sabi ni ate

"Anong ano?" pagtatakang tanong ko

"Yung ano, eh, ganto kasi yon. Di--" di na natapos ni ate yung sasabihin nya

"Candice, nasa'yo wallet ko diba? Akin na, naiwan ko pala." dumating si mama eh

"Ahh opo. Eto po."

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari kanina. Sana nga next year, pumunta ulit sila dito. O'dikaya, kami pupunta sa Florida tapos papakasal na kami. Edi Mrs.McDonough na ako ^o^ HAHAHAHA. Bright idea! :D

Hinatid na namin sila Keshia, Mashiel. Malapit lang naman kasi sila sa village namin. Si Ashiel lang ang malayo. Haha.

"Ikaw kuya, hatid kana rin namin." sabi ko

"Hindi na sige. May pupuntahan pa ako saglit." sabi naman nya

"Sigurado kaba ijo? Alauna na oh, wala ka ng masasakyan nyan." sabi naman ni mama

"Opo, sigurado po. Sige po, dito nalang po ako. May bahay naman pong malapit sila tita dito eh, dito po muna ako ngayong gabi."

"O'sige, kung ganun eh mauuna na kami." mama

"Bye bye Paulo, mag-iingat. Hihi." sabi ni ate sabay tawa na parang evil witch nanaman

"Ah, Tita Candy. Punta po ako sainyo bukas ng hapon ah. May pupuntahan lang po kami ni Cends." pagpapaalam nya kay mama

San naman kami pupunta?

"Okaay. Basta iuuwi mo ng ligtas yan. Lagot ka sakin." tapos sinamaan ng tingin ni mama si kuya paulo

"A-ah o-opo naman p-po." natakot yata HAHA

"Joke lang ijo. Hahahaha. Sige, mauna na kami. Good night."

"Sige po, salamat po ulit."

at bumaba na sya dun sa may kanto ng village namin

------------------------------------------

                      Kinabukasan...

"Ateeeeeeeee! Ate! Ate! Buksan mo itong pinto!" kinakalampag ko na itong pinto nya

Alasais na ng umaga eh. Mwahaha.

"Sandali!" sigaw nya mula sa loob, groggy voice pa HAHA

"Ano ba yang problema mo? Hindi na ba makakapaghintay ng kahit mga 8 naman? Ang aga aga pa oh." nakita ko naman antok na antok la sya, aw kawawa naman ate ko. Haha. May eyebags na.

"Eh, ate... si... Glem." dahan dahan ko pang sabi

"Oh? Anong problema? Anong problema kay Gle-- si Glem?!" nanlaki mga mata nya at halatang nagising ang diwa. Ayos ito ^o^

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon