AKK 18 Isang Patibong

133 6 0
                                    

Nagising ako sa mahinang pagyugyog sa akin nila Keshia, Mashie at Ashiel.

Oo mahina lang. As in. Mahinang mahina lang talaga. Oo, nako.

"Cends, bangon na." Pabulong na sabi ni Ashiel

"Nasan na si ate?" Pagtatanong ko kaagad

"Nandito ako kapatid." Sagot naman ni ate na nasa likuran ko pala at nakahiga katabi ko

"Nasan na ba tayo?" Pagtatanong ko

Nasa langit na ba kami? May gulay! Mas lalong naging creepy ang eksena ah?

Diba dapat ay nasa isang bodega kami at nakatali? Pero bakit nasa isang malaking kwarto kami na may mukhang mamahaling gamit dito sa loob?

Mga mayayamang intsik ba ang nagpakuha sa amin at ganun ang kagustuhan samin? O sindikato? O ano--kyaaaah!

Nasan na ba kasi ang mga kaibigan naming iniwan kami sa syudad na hindi malaman laman?! Papaano na kami?

"Cends and friends, wag na kayong matakot, ang mabuti ay sama sama padin tayo at walang nangyaring masama sa ati--" hindi na natapos ni ate yung mga sasabihin nya dahil biglang nagcreek yung door knob

Ngayon palang ata may mangyayaring masama. Ano nanaman ba ito?

Pagkabukas ng pintuan ay nakita namin ang limang lalaki na nanghuli sa amin isa isa kanina.

Kaya naman nagyakap yakap kami sa sobrang takot namin

Sa halip na lapitan kami nung mga lalaki ay may dinikit lang sila sa may likod ng pintuan na dilaw na papel at umalis narin

Iyon lang tapos sama sama pa silang lima? Hanep!

"Ate Candice, ano kaya yung nakasulat dun sa papel?" Pagtatanong ni Mashie

"Tara tignan natin..." sagot naman ni ate at naglakad kami (malamang, hay nako Cends) papuntang likod ng pintuan

'Auditorium now'

Ayan ang nakasulat, "Eh san naman ang auditorium dito? Ni hindi nga natin alam kung kaninong bahay ito eh." Sabi ni Ashiel

"At isa pa, pupunta ba tayo? Baka naman naibenta na tayo sa mga hapon at intsik at tapos na yung deal nila kaya tayo pinapatawag." Sabi naman nitong si Mashie

"Wag kayong paranoid gals, tara punta nalang tayo para malaman nating pare pareho ang dahilan."

Ang chill lang ni ate ngayon pero alam kong may kaba padin sa sistema ng katawan yan, hindi lang pinapahalata sa amin.

Pagkalabas namin ng kwarto ay may arrow color blue na nakadikit sa pader at nakaturo sa kanan kaya sinundan namin ito, tuloy tuloy lang yung nga arrow dun hanggang sa nakarating na nga kaming mga babae sa nabanggit na lugar.

"Girls, eto na yata yun eh. Eto na yung huling tinuturo nung arrow." sabi ni ate

"Baka nga ate Candy" sagot ni Ashiel

Dahan dahan namang binuksan ni Keshia yung pinto. Hindi sya maliwanag pero hindi rin kadiliman sa loob kasi may mga orange lights ito sa gilid kaya nakikita ladin naman namin yung dinaraanan namin at naupo na nga kami.

Hindi namin alam kung anong meron dito. Baka mamaya ay paghubarin na kami dito at ipakita sa darating na buyer maya maya. Hala!

"Sissies, nasan mga phone nyo?" pagtatanong ni Mashie

"Oo nga noh, nasan na nga pala. Wala yung sa akin eh. Ang nasa kwarto lang kanina ay yung mga pinamili natin  Pero yung mga bag natin ay nawawala." sagot naman ni Ashiel

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon