Paulo's POV:
Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko sa may tuhod ko ng bumukas ang pinto sa may ER.
Nagsitayuan kaming lahat pati sila Ate Candice at tita Candy na nakatulog kakaiyak ay nagising din.
"Doc, doc ano na pong nangyari ka-kay Cendley?" sabi ni tita Candy na halata sa kanya ang sobrang kaba at pag-aalala.
Pinagpawisan naman ako ng malamig ng tanggalin ni doc yung face mask nya at parang namumutla ang itsura na hindi mo maintindiha .
Pumikit sandali si doc at nung dumalit na sya ay "Sorry to say ma'am, pero hi--"
"Hindi! Hindi yan totoo! Bawiin mo yang sinasabi mo kung ayaw mong ipademanda kita!" pagpuputol ng mommy ni Cendley kay doc at inalalayan naman sya ni ate Candice ng muntikan ng maout of balance si tita Candy.
"Ma'am... Sorry po. Pero kasi, hindi na namin sya nailigtas. Mukhang biglaan at malakas ang impact ng pagkakabagsak nya. Sige po mauna na ako. Condolence po." sabi nung doktor at lumayas na
"F*cking sh+t!" nasabi ko nalang ako sinuntok ko ang pader na malapit sakin
Walang kwentang doktor! Bakit... bakit hindi nya iniligtas si Cends?! Bakit!
Ang naririnig ko nalang ay ang mga hagulgulan nila.
"Argh!" bigla ko namang nasuntok si Ginger na nasa kanan ko
"Ano ba pare!" sabi nya ako akmang susuntukin naman nya ako ay pinigilan sya nung kambal at sakin naman si Yohan
"Walang... walang kwentang doktor! Wala! Walang kwenta. B*llsh+t. Argh!" nagwawala na ako ng...
.
"Pare! Pare! Gising!" niyuyugyog na ako ni Hailey
"Binabangungot ka." matamlay na sabi ni ate Candice
Mabuti nalang. Salamat sa itaas. Naway ligtas lang sya. Iligtas nyo po sya. Baka... baka hindi ko kayanin kapag na... ano, nawala sya. Ka-kasi mawawalan ako ng isa pang sister. Oo tama. Ganun nga.
"Lumabas na ba yung doktor?" mahina kong sabi, parang nawalan ako ng lakas
"Hindi pa. Magsasampung minuto ka palang naman nakakaiglip kaya lang umuungol kana kaagad." paliwanag ni Ginger
Tinignan ko naman yung mga kasama ko dito. Lahat sila ay tahimik lang.
Dumating na din pala si tita Candy at namumugto na kaagad ang mga mata nito at nakasandal lang sa kaliwang balikat ni ate Candice at tulala lang.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng ER at lumabas na si dok dahan dahan at dahan dahan ding nyang tinanggal ang kanyang face mask na... na parang namumutla na... na parang di mo maipaliwanag ang itsura nya.
Dejà vu. Sh+t.
"Hindi! Hindi... Di p-pwede." napaatras na ako na natataranta ng maatrasan ko si Cody
"Pre, okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong nya
Napalingon naman ako sa may harap ko dahil napansin kong nakatingin silang lahat sa akin at nag-ehem naman si doc kaya umayos naman ako. Alam kong hindi sya pababayaan ng itaas.
Sana lang... Sana lang talaga.
"Ma'am, mabuti na lamang po at hindi nauna ang kanyang ulo sa pagkabagsak nya kung kayat wala naman pong nadamage sa ulo nya, bukod nga lang po dun sa mga medyo malalalim na sugat na natamo nya sa kanyang ulunan, pero don't worry po kasi tinahi na namin ang mga yon. And yung sa pagkabagsak nya nga ho ay medyo namaga ang kanyang kanang paa dahil mukhang yon po ang naipangsangga nya sa pagkakahulog. Pero within a week naman po ako mawawala na din yon at back to normal na ang lahat." masigla ng sabi ng doctor
"Ay nako po! Salamat! Salamat ho! Salamat!" sa sobrang saya ni tita Candy ay nayakap na nya si dok "Ay pasensya na ho. Hahaha. S-sorry ho." natawa naman ako sa inasta ng ni tita Candy, kasi kaparehas na kaparehas nya ng attitude si Cends
"Hahaha, naiintindihan ko po ang saya na nadarama nyo ngayon mam. Sige na ho mauuna na ako, ipapadala ko lang ho si Cendley sa kanyang kwarto at maaari nyo na po syang puntahan." sabi ni dok at umalis na
Whoah! Tama nga sila, kung ano ang nasa panaginip mo ay kabaligtaran naman ng reality.
.
"Bakit po tita?" kausap ko si tita ngayon sa phone
"Eh nandito kasi kami sa may bukid natin, eh si baby Chi hinahanap ka. Nasan kaba?" sabi ni tita
"Eh nandirito po kasi kami ngayon sa hospital, naaksidente po si Cends ngayon."
"Ahh oka-- wait what? Ha?! Bakit?" nataranta naman sya kaya naman natawa ako "Hey, what's funny? Nako ha, pag nalaman kong ikaw ang may kasalanan nyan, nako po, papaliparin kita papuntang Baguio ngayon." seryoso nyang sabi kaya naman natahimik ako
"Eh kasi tita, okay na naman po sya ngayon. Wag na po kayong mag-alala." mahinahon kong sabi
"Ah, ganun ba, sige. Ipapahatid ko kay manong si Baby Chi dyan ngayon at gabi narin kasi dito, wala syang kasama sa rest house dito dahil may kausap ako din naman ako aa labas at nagkaaberya ng kaonti dito. Mas mabuti na sigurong nasa'yo sya."
"Okay po, sige sige. Itetext ko nalang po sainyo yung name ng hospital."
--
Keshia's POV:
"Sisters!" masigla naming salubong at naggroup hug kami
"Masaya ako at okay na din sya, nako po, kung hindi na natin sya makakausap pa eh, aba, hahabulin ko ng itak yon." sabi ni Ashiel na agad namang binatukan ni Mashie
"Sira ka talaga kahit kailan! Eh may sapusa 'yong babaeng yon ano. Hahahaha. Siyam, siyam ang buhay." sagot naman ni Mashie, inikot ko nalang yung mata ko at tinawanan sila, mga baliw talaga. Hahaha.
Pero sa totoo lang, kinabahan din talaga ako. Kasi kanina, putlang putla na rin si Cends kaya naman kahit natataranta na ako ay pinaayos ko kaagad yung sasakyan. Nakokonsensya nga ako eh, nasigawan ko na kasi si manong kanina para lang pabilisin pa lalo yung takbo ng van namin.
Hindi ko nama sinasadya yon eh, nataranta lang talaga ako non nung madami ng dugo na nawawala sa katawan ni Cends
"Tsaka isa pa, yung Sissy Rules natin ano. Magmumulto ang maauna sa heaven, kapag walang nagpakita satin, ibig sabihin ay still alive pa ang sister. Hahahahaha." sabi naman ni Mashie at sya naman ang nabatukan ni Ashiel ngayon
"Gusto mo ata ikaw ang unahin ko dyan eh, ano? Pinagsasasabi mo ba ha? Walang iwanan lang eh, yun lang. Tapos may pamulto multo kapa dyan." mga baliw talaga, tinawanan ko nalang sila at inunahan na sa paglalakad papunta sa kwarto na inassign kay Cends ng makausap ko na, nako po, mababatukan ko talaga yon. Hahaha.
"Ay, aray-- ay sorry." may nabunggo akong nakajacket na kulay lumot at nakacap
"H-hindi, sige o-okay lang." at umalis na kaagad na parang nagmamadali
"Yung ano mo.. yung panyo mo naiwan mo, miss?" sabi ko na nagtataka, kasi mukha syang lalaki tapos parang medyo pangtibo yung boses nya tapos malabulaklakin ang panyong nahulog nya
Mukhang hindi na nya ako narinig dahil sa tumakbo na kaagad sya at nakalayo. Kaya naman itinabi ko nalang sa may bulsa ko itong panyo.
Pagpasok ko naman sa loob ng kwarto ay sinalubong ko kaagad ng isang malaking ngiti si Bebe Cends namin. Grabe, baka mabaliw na ako kung natuluyan na itong bruhan na 'to.
"So-sorry talaga sissy ha. Next time ano, hindi na kita iiwan. Napagkamalan mo pang nasa gubat ako. Hays, sorry na talaga, sana mapatawa--"
"S-sino ka?" pag-aalinlangang tanong ni Cends sa akin ng makapasok na ako sa kwarto at tumayo ako sa may kaliwa nya
"H-ha?" don't... don't tell me naalog ang utak nito at... at?
CAPITAL NO! Hindi!
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•