AKK 13 Meet the Gremlins

168 3 0
                                    

Cendley's POV:

Nandito kami ng tatlong maria sa madalas naming pagtambayan na treehouse malapit sa subdivision namin. Ginawa natin ito bago kami gunraduate ng elementary. Complete set na nga mga nandito eh. Akala mo mini house. Every week ay may naaassign samin na maglinis dito kaya hindi ganoon naluluma.

Pinangalanan pa nga namin ito ng...

"AIGOO!" sabay sabay naming sabi at takbo paakyat. Last last week pa kasi ata ang huli namin punta rito dala narin ng maraming events ang nangyari

"Girls! Ang hahawt talaga nila. Imagine, kilala nila tayo!" tuwang tuwa na sabi ni Ashiel

"Ni hindi nga nagpakilala sainyo eh. Yung pinsan ko lang kilala ko dun." bored kong sabi

"Hindi ka man lang naaattrack sa kanila?" pagtatanong ni Ashiel

"Oo nga! Kanina kapa namin nakikitang umiirap sa harap nila at parang bitter." sagot naman netong si Mashie

"Baka kasi may gusto dun sa nagHEY sa kanya at kunwari ayaw nya. Ayaw lang ipahalata satin, mga sissies! Hahahaha" sinamaan ko naman ng tingin si Keshia.

Aba! Pagtulungan daw ba ako? Eh kung pagbabatukan ko kaya isa isa itong mga 'to at ng matauhan? Eh sa ayoko nga sa kanila eh. Bat ba pipilitin ko sarili ko dun?

"Tsk tsk tsk... Baka maniwala na ako sa kasabihang 'The more you hate, the more you love'." pagpaparinig ni Ashiel

"Nako nakoo. Angelooooooo~ wuhoo." sigaw ko naman, kay crush lang ako noh!

"Hahahahaha kakainin mo di  yang sinasabi mo!" sabi naman ni Mashie at Ashiel =_=

Nagkwentuhan lang kami dun hanggang sa mag6pm na at magdilim at umuwi na rin kami. Tutal magkakalapit lang naman subd. namin dito eh.

Pagkarating ko sa bahay ay hinatak kaagad ako ni ate na nakaporma at paakyat sa may kwarto at dinala sa may walk-in closet ko at sinarado at nahiga naman na sya sa may kama KO. Kama KO! Baka feeling nya sa kanya? Tss.

"Anong gagawin ko dito?!" sigaw ko sa kanya

"Edi kakain. Ano paba?" tss, pilosopo

"Hmp! Ewan ko sa'yo." sinarado ko na ang pinto ang nagbihis nalang. Aano ba? Like the hell I care? Baka gagawin lang akong alalay sa gala nila--este date ni Glem eh.

Pagkabukas ko ng pinto ay ang sama sama ng tingin sakin ni ate... Bakit nanaman?

"Ano sa tingin mo ang suot mo?!" pasigaw nyang sabi

"Damit. Hihihi" pacool ko namang sagot

Nilapitan nya ako at binatukan. Grabe. Bat ang amazona ng ate ko. Minsan naman sweet. Amazonang bipolar. Haist!

"Ano nanaman ba? Ano bang masama sa isang loose shirt at short? Aano ba? Ni hindi ko nga alam kung san tayo pupunta eh." hindi nalang ako pinansin ni ate at hinatak nanaman nya ako pababa

"Mama!" tawag nya kay mama

"Ay Candy, nauna na... Sumunod nalang daw kayo." sabi naman ni manang, out of nowhere

"Ahh~ ganun po ba. Sige po. Salamat." at lumabas na kami ng bahay at pumasok sa katabi naming bahay.

So may meet and greet pala? Ganun? Hindi ako nabalitaan? May bago na pala kaming kapitbahay? At sino naman aber?

"Hi po tita Yna! Hi po tito Jake!" bati ni ate sa kanila

So sila tita pala ang nandito? Ang mga magulang ni Yohan. "Hello po!" bati ko sabay kiss sa cheeks nila

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon