AKK 5.3 'Cause you're Special part 3

244 8 0
                                    

Mashie's POV:

Oh ano? Akala nyo si Bebe Cends namin ang magpPOV? Hindi~ HAHAHA. Well well well, nagkakamali kayo. Ako na ang kukwento ng nangyari kanina. Haha ^o^

*flashback*

Pagkalabas na pagkalabas ni Cendley ay bigla namang may pinindot si Kuya Paulo, hindi ko alam kung para san yon. Basta black and red kulay non eh.

Pagkatapos non, sinundan na namin si Cendley sa labas dahil ayaw din naman naming malate. At etong dalawa, talagang inislow mo pa yung lakad. Ano to? Prusisyon? Sh*t lang, late na kami. Ay sorry, nakwento na ba sainyo ni Cendley na mahilig akong magsabi ng bad words? Sorry na, hindi naman malala eh. Nadadala lang sa bugso ng damdamin.

Charought! Hahahaha. Eh pano naman kasi, nakangiti pa ng mukhang emonggoloid tong dalawang to.

Napalingon naman ako sa may kanan ko.

"Miss Cendley..." sabi netong si Enzo na batchmate namin, dala dala ang isang pink rose

Nagulat naman si Cends sa nakita nya. What the hell is the meaning of this?

Hahahaha, cute mashock ni Bebe Cends. Favorite nya kasi ang strawberry diba? So it means~ gusto nya din ang color pink :D

"Aa-ay, para sakin?" Mukhang timang naman to, sa kanya na nga eh, nagtatanong pa. Hahahard.

"Yes :)" at sabay alis nya.

Narinig ko namang napa 'ooh' si Cends

Maya maya nama'y dumating si Jester, kaklase naming lalaki. Nakasibangot ito pa ito habang papalapit sa kanya. Sabay abot din ng isang pink rose.

"Cendley. Ohh~." pagkaabot nito sa kanya, sabay layas na din

At ung last ay si pandak kokak na laging kasama ni Kuya Paolo. Hard ko ba? Bad kasi yan eh.

"Bebe Cends, eto oh." pagkaabot nito sa kanya ay ngumisi naman ng nakakaloko

Akala nya ikinagwapo nya yan? Mukha lang syang addict eh. Pss.

At biglang may nagsalita sa may speaker na malapit samin.

"Uhm, e-ehem. Everyone, may I call your atention please for a while?"

Yeah right, it's Kuya P. Ayiie. Hahahaha. Ramdam ko eh. Babae ako syempre. Haha. Manhid nalang ang hindi pa makaramdam ng nararamdaman ko ngayon.

"Gusto ko lang namang humingi ng patawad sa sissy ko na may kaarawan ngayon. Uhm, sissy. Sorry, I'm really really sorry." sabi nya, bakas sa tono ng boses nya ang lungkot at sinseridad "Hindi ko talaga sinasadya. Kapatid pa man din kitang naituring tapos sasaktan pa kita. Ang walang kwenta ko namang Kuya. Please Cends, please forgive me. I didn't meant to hurt you. I promise, hinding hindi ko na hahayaang masaktan kapa. So please, forgive me. Forgive me." parang nabasag na ung boses nya at bigla naman syang tumawa na parang alien at sinabing... "Kung pinapatawad mo na ako, punta ka mamaya sa Birthday ni Quinee ha? Pero kung hindi ka makakapunta, maiintindihan kita. Sige, thanks guys. Mag-aral ng mabuti. Haha. Bye." and nawala na sya sa linya

Nagbubulungan naman ung iba dyan... Ung iba naman,

"Aw, sweet na Kuya. Cendley patawarin mo na"

"Oo nga. Forgive him na. Mukha namang sincere sya eh."

"Yeah right. Patatawarin na nya yan. Haha."

"Ate ate, patawarin mo na."

"Oo nga naman Miss. Nag effort pa naman sya oh."

Oh diba? Grabee. Hahahaha.

-

Ashiel's POV:

Sa totoo lang, alam namin ni Keshia ung nangyari kanina. Hahaha. Si Mashie lang ung hindi, pano ba naman kasi, kumain sya ng kumain kanina sa cafeteria habang natutulog pa si Cends. Kaya kami kami nalang ang nakapagplano dun sa clinic kanina.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila Kuya P. Oo, pinapatawad na nya si Kuya P. Matitiis ba nya Kuya nya. Eh matagal ng nasa wishlist nyan ang magkaroon ng kapatid na lalaki at mas matanda sa kanya, para lagi daw nandyan sa tabi nya na tutulungan siya sa isang bagay pag nahihirapan sya at handang proteksyonan sya. O'diba? Hulog ng langit si Kuya P.

*dingdong dingdong*

Bumukas naman kaagad ung pinto.

At nakita ko si...

"Alden?"

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

Next Chappy - AKK 5.4 'Cause you're special part 4 (last part of chappy 5) :) xx

PS. Sa'yo ko dinededicate to @AbhieClow salamat sa trailer nitong AKK. Hahaha mwah! ♥

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon