AKK 21 Get Lost

101 3 0
                                    

It has been a week since the last time we went to Baguio. Nandito ako ngayon sa kwarto at pinapanuod ang Turbo. Sabado naman ngayon eh.

Nakakatawa diba? Hahaha. Ganyan eh. Binili kasi namin ito ni ate nung isang araw, eh napanuod na pala nya ito kagabi. So eto ako ngayon , nakikipagrace na si turbo. Konti nalang at matatapos na din ito.

"Cendley!" tawag ni mama mula sa baba

"Cendley!" ulit nya pa

"Opo! Bababa na po." hays, mamaya ko nalang sya tatapusin, utos nanaman ito malamang

Sinuot ko na yung tsinelas kong pambahay at lumabas na ng kwarto, naka tshirt lang naman ako ng kulay pink at may nakalagay na Love being beautiful tapos crown yung design ng pinakatuldok ng letter 'i' dun sa beautiful.

At nakashort lang ako ng puti. Sa bahay lang eh, alanganamang maggown ako? Tss. Hahaha joke lang mga kapatid.

"Bakit po ma?" pinuntahan ko si mama sa kusina na tinatapos ang almusal nya

"Gawa ka muna ng yelo. Yung sakto lang, wag madami. Para naman may yelo na tayo bago mananghalian. May aayusin muna akong mga gamit doon sa itaas ha." sabi ni mama habang nilalagay ang pinagkainan sa lababo at hinugasan na din ito

"Okay po."

"Nandun yung plastic sa may cabinet."

"Sige po." at naglakad na sya papuntang salas at umakyat na sa hagdan

Nagsimula na akong gumawa. Pinisil pisil ko yung plastic na may tubig para tumaba. Nakakatuwa kasi eh. Hahaha

Eto na yung mahirap. Ang magknot ng plastic. Pero dahil si Cendley ako, tadaaaa~ nabuhol ko sya. Haha.

Mga nakakaanim na akong gawa nung sumulpot si ate sa may kanan ko "Ang tataba naman nyan." sabi nya

I-goodtime ko nga to. Minsan lang naman eh. HAHA peace ate :* "Naiisip kasi kita habang ginagawa ko ito eh. Kaya ganyan yung kinalabasan. Hahahaha--ay grabe naman to!"

Binatukan ba naman ako. Amazona talaga to. "Anong ako, kajajogging ko lang noh. At isa pa, di ako mataba katulad mo." pandedepensa nya sa sarili nya

"Ako mataba? Hahahahaha! Tignan mo to 'te." kumuha ulit ako ng isa pang plastic tapos nilagyan ko sya nv tubig at pinakita kay ate yung isang diretso lang, hindi mataba. "See, ganyan ako. Di tulad ng sayo." nginuso ko pa yung mga nauna ko pang ginawa na yelo sa gilid nya

"HAHAHAHAHAHAHAHA. Kung magpapatawa ka naman Cendley, wag ganto kaaga. Hahahaha!" tawa nito na animo'y wala ng bukas pa

This time, ako naman ang nambatok sa kanya. "Problema mo ba dyan ha?"

"Mas okay na palang mataba kesa sa 24-24-24. Hahahahahaha. Ano ka flat chested? Patingin nga. Eww. Habahahaha!" tawa padin sya ng tawa, napaupo na nga sya dun sa may kainan namin katatawa eh.

Nako, bahala sya sa buhay nya. Hindi ko nalang sya pinansin at sinamaan ko nalang sya ng tingin at tinapos nalang itong ginagawa ko

Maya maya ay pumasok si mama dito sa may kusina "O bakit namumula ka Candice?" pagtatanong nito kay ate na ngayon naman ay kumakain ng bacon at itlog

"Eh kasi mama si Cendley fla--" nakakaasar na, kaya pinigilan ko na si ate sa kung ano pa ang masabi nya. Grabe din kasing makatawa sa mga ganyan sila mama eh. Dyan ata nagmana si ate -.-"

"Wala yun ma, kinilig lang masyado dun sa kilig moments choo-choo daw nila Glem. Hays." sabi ko at tumalikod nalang ulit

Di naman kasi talaga eh. Si ate talaga oh. Kaasar talaga. Haha.

"O'sya, Cendley tama na yan. Madami na masyado yan." sabi ni mama sakin

"Opo" sagot ko naman at ibinalik ko na yung plactic dun sa may cabinet

"May naghahanap na babae sa'yo dun sa may labas, mukhang maldita." sabi ulit ni mama "Labasin mo muna iyon at ikaw na Candice ang maglagay ng mga iya  sa freezer" utos naman nya kay ate

Pero, ha? Maldita sa labas?

Naglakad na ako papalabas, parang alam ko na. Pero parang impossible din kasi papaano naman nya nalaman ang bahay namin?

Binuksan ko na yung gate namin at mah nakita akong isang Pajero sa may tapat ng bahay namin at iniluwa nito ang isang kambing. Hehehe biro lang.

"Hi Cendley. Magandang umaga." maarte nyang bati

"Maganda talaga ako kahit umaga. O'bakit? Umaano ka dito? Naligaw ka yata?" sagot ko naman

"Chill lang Cendley, ang aga aga eh ang init na kaagad ng ulo mo. Wala pa namang 10 oh." sagot naman nya

"Ano ba kasing pakay mo sakin Iris ha?"

"Gusto lang naman kitang sabihan na--Oops, or should I say na bantaan na layu-layuan mo ang aking boyfriend kung nais mo pang sikatan ng napakagandang araw." at tumingin pa sya sa kalangitan

Tss "Unang una Iris, wala na kayo ni Kuya Paulo diba? Ikalawa, Eh ano naman kung kuya na turing ko sa kanya. Wala namang masama kung magkapatid turingan namin eh. At ikatlo, don't be scared. Hinding hindi naman sya maagaw ng iba sa'yo eh. Kasi pagkatapos mo syang iwan ng ganun ganun nalang sa ere ay wala ng babalik pa sa'yo na isang tulad nya."

"You! Arggggh!" sasamapalin na nya sana ako ng kaliwang kamay nya kaso napigilan naman din ito ng kaliwa ko ring kamay

"Lumayas kana dito kung ayaw mong magtawag pa ako ng gwardiya dito at kaladkarin ka palabas ng village namin dahil sa panggugulo mo." maawtoridad kong sabi at binitawan ko na yung kamay nyang magaspang--eww

"You b*tch. May araw ka din sakin." sabi nya

"Whatever. Tandaan mo, hindi ko padin nakakalimutan yung ginawa mong iyon. Panigurado kapag nalaman nila iyon, baka makita mo na si Lucifer sa kasamaan ng ginawa mo. Shoo. Get lost." sagot ko habang pataboy yung gesture ng kanan kong kamay

Sumakay na din sya ng Pajero nila at bago pa ito umalis ay dinilaan nya muna ako.

Aysus, isip bata padin talaga.

"Nice one girl. Hahahaha. Kahit na 24-24-24 ka, bilib padin ako sa'yo. Hahaha!" sabi ni ate nung nasa terrace na ako papasok ng bahay

So nandun din pala sya sa may likod ng gate at nakikinig? Hindi ko alam kung msfaflattered ako dun sa sinabi nya o maiinis eh.

"Compliment yon. Shunga. Tara na nga sa loob." at inakay na ako ni ate papasok sa loob ng bahay.

Nakakatuwang isipin na kahit nag-aasaran kami ni ate, nagkakapikunan ay close padin kami sa isa't isa.

Sana naman huwag humantong sa mga naiisip ko yung bagay na iyon.

Huwag naman.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon