Inabot naman kami ng mahigit 20minutes na byahe. Buong byahe ay ginugulo ako nung dalawa, ng isang aso at ng iaang unggoy. Si manong jojo naman ay pinagtatawanan naman si unggoy kasi nagaact sya na unggoy, ay mali. Habit na talaga ng mga unggoy yon. Tss.
"Ma'am Cends, nandito na po tayo..." sabi ni manong jojo
"Cends nalang ho" sabi ko naman sabay kuha si cheesecake sa unggoy, baka kutuhan pa nya ito eh tapos pag walang nakuhang kuto, baka masabunutan pa si cheesecake. Kawawa naman.
"Nasan tayo?" pagtatanong ko sa kanya nung nakababa na kami
"Nasa paraiso natin. Hahahaha" sabay smirk nya, ang cute na pag gumaganon ^o^ mukhang unggoy HAHAHAHAHAHA
"Paraiso ka dyan. San nga to? Ang layo sa kabihasnan ah?" tinawanan nya lang ako tapos inagaw naman si cheesecake sakin at naglakad papunta sa isang luma bahay. Uhm, parang lumang castle.
Grabe, ang ganda dito. May botanic garden, parang alagang alaga yung paligid. Well, except lang dun sa parang lumang castle pero ang ganda parin nya kasi ang cute ng klase ng pagkavintage nya.
May iba't ibang klase ng halaman at bulaklak, mukhang bagong dilig pa nga eh. Tapos yung mga talahib, mukhang bagong tabas din. Haha. Ang saya dito, walang kapit bahay. Walang maingay, walang polluted air. Mahangin pa, hinahangin pa nga yung gorgeous hair ko eh. Hahahaha kidding. Tapo--
"Hoy, buong hapon kana lang ba magdedaydream dyan? Tara na dito sa taas!" sigaw nya mula sa bintana sa taas
"Oo na, eto na..." umakyat naman na ako, ang haba haba ng hagdan, maliliit kasi pero hindi naman sya kataasan, mga nasa 10ft lang siguro. Mababa na yan. Haha
"San mo nalaman to? Ang ganda dito..." sabi ko habang nilalanghap ang fresh air, whoah. Pwede na akong mabuhay sa ganito.
"Nasa secret place tayo. Oo nga, parang ikaw." pacool naman nyang sagot habang nilalaro si cheesecake na parang isang sanggol, hindi ko narinig huli nyang sinabi, kausap nya ata si cheesecake
"Paanong secret place? Eh alam nga nianong jojo eh. Tsaka, pwede ba tayo dito? Hala, baka namam trespassing na tayo nito?!"
"Hahahaha! Don't be paranoid Cends. Haha. Actually, sa lola namin ito sa father side."
"Eh sa family nyo naman pala eh, edi hindi secret place."
"Hindi. Uhm, ano..."
Paulo's POV:
*flashback*
May bahay kasi kami malapit dito dati, eh nagkaaway kami ni Quinee non. Kaya napalo ako ni Papa. Syempre, ako ang kuya kaya ako ang mananagot. Bata pa kami non kaya dinamdam ko yon. Kaya tumakbo ako palabas ng bahay tapos tumakbo lang ng tumakbo hanggang sa mapagod ako at naupo sa isang damuhan."
"Oh, ijo. Bakit nandyan ka?" napabalikwas ako sa pagkalahiga ko
"Lola! A-ano pong ginagawa nyo dito? Diba po sabi nyo may importante kayong pupuntahan?"
"Oo nga... Haha. Kaya nga nandito ako eh."
"Importanteng lugar po ba ito para sainyo?" tumabi naman sya sakin sa pagkakaupo ko sa damuhan
"Oo apo. Ang ganda dito noh, purp damuhan lang tapos masarap ang simoy ng hangin."
"Oo nga po lola. Gusto ko po dito. Balang araw lola, papatayuan po natin ito ng magandang garden tapos lahat ng paborito nyong bulaklak, itatanim natin dito tapos maglalagay tayo ng isang maganda lamesa at dalawang upuan para habang nagsasun set, mapapanuod nating dalawa ito habang kumakain. Tapos may maganda pero simpleng bahay na hanggang dalawang palapag noh. Ang ganda po nito lola. Naiimagine ko po itong simpleng damuhan na ito na magiging ganun." masigla kong sabi kay lola habang nakangiti lang syang nakikinig saatin
"Oo nga apo, napakaganda nyang naiisip mo. Sige, balang araw ipapagawa natin yang naiisip mo at tayo ang magtatanim ng mga paborito kong halaman dito."
"Wow! Talaga po lola?"
"Talagang talaga." sabi ni lola kaya niyakap ko sya sa tuwa
Lumipas ang dalawang taon at nagawa namin ni lola ang mga naiisip ko.
Mas maganda pa ito sa naiisip ko noon eh. Ang saya saya na namin niyon ng biglang...
"A-aaaray... Apo. T-tulong."
"Lola! Ano pong nangyayari sainyo?"
"Da-dalhin mo ako sa bahay. I-iuwi mo a-ako apo."
Natataranta na ako non. "O-opo!"
Nalaman kong may stage 4 breast cancer na pala si lola non.
"A-apo. Alagaan mo yung secret place natin ha?"
"Secret place po natin?"
"Oo apo, tayo lang may alam non tsaka si jojo. Wag na wag mong sasabihin sa iba yon ah? Secret place natin yon. Sayang lang at minsan lang tayo nakapanuod ng sunset."
"Lola..." umiiyak na ako, hindi. Hindi pa yung ang magiging huli
"Basta wag kang magdadala ng kung sinu sino dun ha? Ang dalhin mo lang dun ay ang taong nakalapagpasaya sa'yo. Ipangako mo yan ha?"
"O-opo l-lola." at nung niyakap ko sya ay dun na kinuha si lola ni Papa God sa amin
*end of flashback*
Syempre hindi ko na kinwento yung huling sinabi ni lola. Ang torpe ko kasi eh. Haist.
-
Cendley's POV:
Ahh~ G-ganun pala...
"Oh? Bakit ka naman umiiyak?" pagtatanong nya sakin
"E-eh kasi naman eh. Ang... ang bait bait ng l-lola mo."
"Hahaha alam ko naman yon, sa kanya nga ako nagmana diba? Hahaha!"
"Hah! Ano ba kamo? Yung lola mo lang. Hindi ikaw."
"Haha tara na nga, manuod tayo ng sunset. Malapit narin oh, quarter to six na."
Ang ganda ng sunset, nakakaiyak...
"Oh, umiiyak ka nanaman? Eto panyo oh."
"Sa-salamat. Ha-haha wala to. Kasi naman eh, madilim na ulit. Wala na si haring araw. Parang dito na nag-end ang araw na ito."
"Hanggat may sunset, may sunrise din. May bagong pag-asa. Maaaring dito matatapos ang araw pero hindi ibig sabihin non ay end na, kasi kaya lang naman nagsasunset ay para iclear na ang mga negative vibes sa atin at may bago nanamang positive na darating sa atin. :)"
"Wow ha? Words of wisdom ni Kuya Paulo? HAHAHAHA! Hindi bagay sa'yo. Haha." sabay pingot ko sa kanya sa ilong nya
"A-aray Cends. Aray na-naman! Bitawan mo sabi yan eh. Hindi mo bibitawan ha?" ngumiti naman sya ng nakakaloko
"Kyaaaaah! Tama na-- hahaha kuya paulo. Nakikiliti na ak-- hahaha! Aba!" kiniliti naman nya ako sa tagiliran, hindi ako tinigilan "Baka--haha mangayayat naman ako nyan! Tama na sa--haha sabi eh!"
"Masakit yun ah. Ang brutal mo naman." binatukan ko eh. Hahahaha.
"Tara na nga at kumain na tayo bago mo ako iuwi. Gutom na ako."
"Takaw mo talaga Cends, kaya napupunta lahat sa tyan mo mga kinakain mo eh. Hahaha" aba -.-"
"Wala akong pakialam. Uunahin ko paba yan kesa sa gutom ko?"
"Pss, sungit. Haha. Tara na nga miss red tide. Hahaha."
Tinapakan ko nga yung paa at tinakbuhan ko. Mabuti nalang at sumunod sakin si cheesecake.
Bwahahahahahaha. Love ko na kaagad itong secret place nya ^o^
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•