AKK 25 I told you

108 3 0
                                    


Nandito kami nila Kuya Paulo at ng tatlong maria sa cafeteria. Lunch na namin.

"Uy girl. Sino kaya yung nambuhos sa'yo ng tubig kahapon?" simula ni Keshia

"Ha? Anong? May nambuhos sa'yo Cendley? Tara sugurin na natin" binatukan tuloy ni Mashi si Ashiel, ang OA magtanong eh.

Sinamaan ko naman ng tingin si Keshia. Hays, sana pala di ko na sinabi sa kanya eh. Ayoko ng maging big deal yon eh. Shinare ko lang nama  kay Keshia kasi nga bff eh. Hahahaha

"Ano yon Cends?" pagtatanong ni Kuya Paulo na nasa kanan ko

"Ah-ehh. W-wala yon. Haha-ha oo." nahihiya kong sabi, grabe ano ba ito

"Come on. Spill it." nakangiti nyang sabi pero parang maawtoridad

Sasabihin ko na sana ng...

"Eh kasi naman pala Kuya P, may nambuhos daw sa kanya sa comfort room dun sa mall kahapon." kwento na ni Ashiel, nasabi na pala ni Keshia kaagad sa kanila, hays

"Sino naman?" pag-uusisa ni Kuya Paulo

"Hindi nga nya alam eh, pero tumawa pa daw. Yun nga lang, hindi nya nabosesan." pagpapatuloy naman ni Mashie

Sige kayo na nagkwento. Hahaha. "Hindi naman big deal sa akin ang mabuhusam ng tubig eh. Ang ipinagtataka ko lang. Sino sya? Tsaka sinadya yon eh." sabi ko naman

"Baka naman si Ex mo yon ha Kuya P." sabi ni Keshia

Oo nga noh pero syempre, wala kaming proweba.

Pero possible din kasi may nagawa narin sya sakin noon eh. Hindi ko lang binaggit sa kanila.

"Wala tayong proweba mga girls. Wag muna tayong magconclude. Tsaka hindi namang magagawa ng isang first year student yun eh." pagpapaliwanag ko

"Hindi Cends, kabatch nyo lang din si Irish. Section 2." sagot ni Kuya Paulo

"Ahh~" patango kong sabi

"Oh? Talaga? Hindi halata eh. Akala ko nga grade 6 student. Hahahaha joke lang." sabi ni Ashiel

"Pero malay nga natin, baka sya yon." sabi ni Mashie

"Hindi impossible na sya yon. Pero bakit?" pagtatanong ni Kuya Paulo

"Eh ano pa, edi dahil sa nalalapit ka dyan kay Bebe Cends namin. Baka nagseselos ang bruha." sagot ni Keshia, siniko naman sya ni Mashie pero tinignan lang sya nito ng eh-ano-totoo-naman look

Hindi na ulit kami nag-imikan.

Nakita ko namang papalapit sa amin sila Cody, Hailey, Yohan at Ginger sa amin na may dala ng kanya kanyang tray.

"Pwedeng makiupo?" sabi ni Yohan

Nakita ko namang nanginginig ang mga mata ni Keshia "O-oo sige. Upo kayo oh." umusog naman sya kahit malaki ang space nitong inuupuan namin. Naupo naman ang pinsan ko sa tabi nya hahaha

"Eh kami? Pwede?" sabay na sabi nung kambal na Cody at Hailey

"Hindi!" madiin na sagot naman nung dalawang Ashiel at Mashie natawa naman si Ginger

"Hmm, something's fishy." hahahahahaha sabi ko, sinamaan naman ako ng tingin nung dalawa

Pero no choice sila at naupo padin ang dalawa

May naupo naman sa kaliwa ko "Wow ha? Di na uso magpaalam ngayon eh noh?" sarkastiko kong sabi sa kanya

Kinindatan lang nya ako at kumain na nung inorder nyang mushroom ravioli.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon