"Hello! Kamusta kana older love?" Pagtatanong ni Joab
HAHAHAHAHAHAHA, ang saya saya ko naman. Nawala na yung antok ko, nagising na yung diwa ko dahil sa saya ko. Namiss ko din itong si Joab eh. Ang tagal tagal na nung huli ko syang nakita.
Kaya naman lumabas na muna ako ng kwarto kahit nakapajama lang ako, baka kasi magising ko yung mga nasa loob na naghihilik pa eh.
"Eto okay lang. Nasa Baguio kami ngayo-- ay oo nga pala. Tiga rito nga pala kayo! Magkita tayo minsan bago kami umuwi." Sagot ko naman sa kanya habang naglalakad sa may pahallway papuntang garden
Nagsuot naman ako ng makapal na jacket kaya sakto lang yung lamig na nararamdaman ko ngayon
"Ayun nga eh. Teka, nagising ba kita? Sorry older love."
"Hahaha ano kaba Joab, okay lang noh. At talagang pinanindigan mo ang older love ha?"
"Oo naman noh. Haha. Ayun na nga, may party kasi mamaya. Punta kayo ha?"
"H-ha? Para san naman yung party na yo--"
"Babye! Mwa!"
*toot toot toot*
Hindi ko na natapos yung sinasabi ko dahil nagpaalam na kaagad sya at pinatayan na ako ng phone. Aist?
"Wow, older love..." sabi niya sabay smirk
Huwat?!
-
Angelo's POV:
Kanina pa ako dito sa may terrace, ang aga ko kasi nagising eh.
Ay mali, hindi pala ako nakatulog kakaisip kay Cends. Nag-iisip ako ng magagandang pwedeng gawin naming dalawa, bago pa nila ako maunahan at bago pa ako mahuli.
Kung noon ay hinayaan ko ang dating minamahal ko at nagparaya para lang sa kanya, ngayon, hinding hindi na.
Hindi na talaga maari.
Nakita ko naman na papalabas si Cends at papuntang garden, ang lamig lamig kaya.
Kaya naman nanguha pa ako ng isang jacket na baon kahit may suot na sya at bumaba na ako sa may terrace at pumunta ba din sa may garden.
Habang papalapit ako ay may narinig akong kausap nya, kaya naman nagtago muna alo sa may puno sa likuran nya.
May kausap pala sya sa phone eh.
"Hahaha ano kaba Joab, okay lang noh. At talagang pinanindigan mo ang older love ha?" What the fvk, older love? Ano yon? Syete otso nwebe, Nakakaselos yon ah, ang saya saya nya pa kasi habang kausap nya yung Joab na yan, akala mo nakakita ng maraming pagkain at nakangiti pa ng wagas, nakakapangselos talaga
At Joab pa? Tao ba yon? Mukhang magkakaroon nanaman ako ng karibal dito ah? Eh kung Joab joab'in ko kaya yang Joab na yan sa strawberry farm? Ay hindi pala pwede yon, kasi hindi naman namin sya kilala and in that case, hindi rin sya kasama. Bwahahaha. Tss.
"H-ha? Para san naman yung party na yo--" nabalik ako sa wisyo nung nagsalita ulit si Cends kaso hindi na nya natapos yung sasabihin nya.
Bigla nalang nyang ibinaba yung phone nya kaya dun na ako sumulpot, parang nagulat pa nga ata eh. Ay ewan ko ba. Basta love na love ko itong babae na to.
"Wow, older love..." sabi ko sabay smirk
Ewan ko, pagkasmirk ko bigla din akong nagulat. Bakit ko ba sinabi yon? Hayst, traydor na dila, kung anu anong pinagsasasabi
"Ahh-hehe, ikaw pala Angelo." Nakita ko naman syang namula, hindi ko alam kung nahihiya sya o baka kinikilig. Hahaha joke lang ulit, "kanina kapa ba d-dyan?" Pagtatanong nya habang nakayuko padin.