AKK 32 Red Days

97 2 1
                                    

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami sa may ilalim ng puno ng indian manggo.

Nakukwentuhan kaming mga babae habang akala mo naman ay nagkoconcert itong mga lalaki.

"Diba matagal ng wala sila Paull at yung Iris na yon?" pagtatanong ni ate

"Oo nga 'te." sagot naman ni Ashiel sabay subo ng Doritos, kakakain lang eh ngumangata nanaman

"Oh, ayun naman pala eh, eh bakit ganun nalang makataningin yon? Dukutin ko mata non eh." sabi nanaman ni ate at umabot din ng doritos kay Ashiel

"Eh di pa ata nakakamove on ate. Hahaha." sagot naman nitong si Mashie

Napansin ko namang parang bigla nalang natahimik itong si Keshia

"Hoy birthday girl, ang tahimik mo dyan? Anong meron aber?" bulong ko sa kanya na nasa kaliwa ko lang at kanina pa mukhang natetense at di mapakali sa katititig sa cellphone nya at sa dagat na nasa harapan namin ngayon

"E-eh..." dun lang sya nabalik sa wisyo nya

"Aba, napapano kaba?"

"Kasi sis. W-wala naman. Hahahaha." sabi nya na parang nahihiya at tumawa ng malakas

"Ay bakit? Anong nakakatawa?" singit nitong si Mashie ng mapansin kaming dalawa ni Keshia

"Wala naman. Hahaha. Parang ano lang, may iba." sagot nya ulit sabay tawa

Sasagot pa sana ako ng... "Girls, swimming na tayo. Medyo kumulimlim oh." sabi nung kambal na Cody at Hailey

"Oo nga, tara na at baka umaraw nanaman." sagot naman ni Ashiel

Nagsitayuan na kami at bumalik sa room na pinagistayan namin upang magpalit ng mga damit na susuotin.

Pagkadating namin sa kwarto namin ay bigla namang tumawa ng malakas si ate

"Bakit ate?" sabay sabay naming sabing lahat, well except Keshia

"Kaya naman pala parang nakaramdam ng iba itong si Keshia eh araw pala ng penitensya ngayon. Hahaha red days." sagot nya at tinignan naman namin yung likod ni Keshia and tada~ meron nga.

"Nako sis, pano na yan? Edi di ka makakapagswimming?" pag-aalalang tanong ni Mashie

"Oo nga girl." sagot nama ni Ashiel

"Ano ba naman kayo, okay lang. Dun nalang ako sa hanggang tuhod at papanuorin kayo. Hays. Hahaha." sabi nya at binigyan kami ng sure look kaya naman nagkibit balikat nalang kami at nagsipalitan na

Sa aming lahat, ako nanaman ang huling gagamit ng banyo dito sa kwarto.

Pagpasok ko "Ano to?" bulong ko sa sarili ko

Paano ba naman kasi eh MERON DIN AKO. Ang aga ata?

Hays, kaya naman lumabas ako upang manguha ng napkin.

Edi hindi rin pala ako makakapagswimming ngayon. Pero okay lang, sasamahan ko nalang si Keshia.

Nagsilabasan na kasi sila kaya naman nahuli na ako.

Nasa may lobby na ako ng makalimutan ko yung dslr para naman makapagpicture picture ngayon.

Tutal hindi naman ako makakapagswimming, edi ako nalang muna magiging photographer nila.

Kaya naman bumalik nanaman ako sa kwarto. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa may dagat.

"Cends! Bakit may dala kang cam? Hindi ka magsuswimming?" pagtatanong ni Kuya Paulo sakin

"Eh ano eh..." nahihiya kong sabi

"Don't tell me may mens ka ngayon?!" pasigaw na sabi ni Ginger kaya naman nabatukan ko sya, ang ingay aba

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon