Third Person's POV:Nakaupo sya sa may salas nila at kumakain ng mansanas habang nagbabasa ng libro at nakapatong pa ang kanyang dalawang paa sa center table.
"Anak..." sabi ng kanyang ina
"Po?" Sagot naman nya
"May dapat kang malaman." Dahan dahan ngunit pabulong na sabi ng kanyang ina
"Ano po 'yon?" Kinabahan naman sya sa tono ng pagsasalita ng nanay nya
.
.
Maya maya ay "H-ha? How come?!" Napatayo nalang sya sa sinabi ng kanyang ina sa gulat.
.
Cendley's POV:
Hanggang ngayon ay tahimik parin silang dalawa at mukhang nagulat sa pagtatanong ko.
"Ma?" Tinignan ko si mama "Pa?" This time ay si papa naman
Si mama ay binigyan ako ng makahulugang tingin. May mga namumuong mga luha sa kanyang mga mata.
At bago pa ito tumulo "Excuse me lang muna ha." Sabi nya at dumiretso na sa pintuan para lumabas
Tinangka ko namang tumayo kaya lang ay bigla naman akong nahilo.
"Pabayaan mo muna ang mama mo." Pabulong na sabi sa akin ni papa
Mabuti naman at ayos lang si papa. Dahan dahan akong tumayo at nilapitan ko sya't niyakap. "Pa, namiss ko po kayo." Sabi ko at nahikbi naman ako
Uncontrolled feelings.
Si papa ngayon, buhay. Pero maputla ang kulay nya. Hinang hina ang itsura. Pati narin ang boses nya. Parang... parang may kulang. Kulang sa dugo.
Pero sa kabila ng mga yan ay binigyan lang ako ni papa ng isang ngiti na ibinibigay nya sa akin noong bata pa lamang ako at nasusugatan. Sasabihin nya "Okay lang yan." Tapos ikikiss ako sa right cheek ko at yayakapin
Namimiss ko na ang masaya naming pamilya. Bakit nagkaganito? May hindi akong maintindihan na bagay.
"Ako... ako din anak. Miss na miss ko na kayo." Dahan dahan ngunit malinaw na sabi ni papa sa akin habang pinipilit na ngumiti gaya ng ibinibigay nyang ngiti sa amin na akala mo ay permanent na kasi hindi nya inaalis ang mga ngiting yon sa mukha nya.
"Pero pa... ano, ano po yung pinag-uusapan nyo ni mama noong nagising po ako?" Inosente kong pagtatanong, malay mo naman na hindi naman pala dapat para sa amin ang dapat na malaman na bagay na yon diba?
Pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ito sa mga nangyayari sa amin dati. Sa akin ngayon.
"Anak..."
.
Paulo's POV:
Nalaman ko na kung sino ang may gawa ng pagkahulog ni Cendley sa treehouse. Tinawagan ako ng mga pulis kani kanina lang at pinuntahan ko sila kahit na magpapasko na bukas. Oo bisperas na mamaya.
Nagulat ako ng malaman ko kung sino. Nagtataka lang ako. Bakit? Bakit nya nagawa yon? Ano bang dahilan nya?
Alam ko madaling paniwalaan pero sa kabilang banda. Mahirap. Mahirap kasi alam kong hindi naman nya magagawa yun eh. Hindi sya ganoong klase ng tao.
Nakawalong dial na ako sa number ni Cendley pero walang sagot. Anong oras na ba? Tanghali na yata.
Kailangang malaman nila ito. Kaya namam si ate Candice ang tinawagan ko.
Nakakaapat na ring na nung sinagot nya ito.
"Hello? Hello ate..." sabi ko kaagad
Walang sagot.
Baka hindi lang ako narinig? "Ate, ano kasi. Naabala ba kita? Nalaman ko na. Nalaman ko na kung sino ang tumulak kay Cends sa treehouse." Pahayag ko
Wala paring sagot.
Tinignan ko yung phone ko. Nakaka20 seconds na ako nung tumawag ako kaso walang sagot ni isa ni ate Candice.
Pinakinggan ko ang kabilang linya. Tahimik lang.
Baka naman napindot lang. Diba kadalasan ganun? Minsan ganun din ako pag tinatawagan ako ni Quinee eh. Nasasayang tuloy load ng kapatid ko.
Ibababa ko na sana yung phone ko ng may narinig akong mga parang iyak na... na pinipigilan ang pag-iyak.
"Candice..." rinig kong sabi pero mahina lang
Parang... parang boses ng mama nila Cends.
Hindi naman sa chismoso ako. Pero nacurious lang talaga ako kung kayat hindi ko muna ibinababa ang tawag. Pinakinggan ko ang kabilang linya.
Dahil sa ginawa kong yon. Nagsisi ako...
Hindi. Hindi ko nalang sana narinig ang mga yon. Hindi. Papaano? Paano nangyarin? Bakit?
Bakit sa pamilya pa ng babaeng minamahal ko?
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•