AKK 41 Which means...

71 2 0
                                    


Apat na araw na ang nalalipas simula ng maganap ang Christmas ball namin. At sa isang araw ay pasko na. Yes naman. Hahahahaha.

"Ate, anong ireregalo mo sakin?" Seryoso kong tanong kunwari sa kanya ng pagpasok ko aa may kusina

"Eto oh, chocolate chocolate chips at lagyan mo yang mga cookies na ibebake ko kesa sa magtatanong ka dyan." Sabi ni ate

"Sunget naman. May LQ nanaman ba kayo ni Glem? Magpapasko na ha." Pagtatanong ko sabay subo ng chocolate chips na hawak ko

"Abay, sabi ng lagyan yan eh. Hindi kainin. Nakoo, puntahan mo nalang si mama sa may itaas. Kausap ata si papa." Sabi ni ate at pinalayas na ako

.

"Ma?" Unti unti akong sumilip sa may kwarto at pumasok. Nakita ko naman si mama na nasa kama, kaharap ng laptop

"Yes baby? Halika dito." At tumabi naman ako kay mama

"Hi daddy! Mamaya na ang alis mo?" Pagtatanong ko

"Yes anak. Pakabait kayo dyan ni ate mo ha? Wag nyo akong tutulugan. Hintayin nyo ako. Hahaha." Sabi ni papa

"Ikaw talaga Nick oh. Eh hatinggabi kana makakarating tapos pag-aantayin mo pa mga anak mo." Sabi naman ni mama

"Hindi po ma, okay lang." Sabi ko kaya mama at bumaling ako kay papa sa harap ng screen "Nako, kahit hindi nyo naman po sabihin, mag-aantay kami ni ate. Ang tagal narin po nung huling uwi nyo dito eh. Namimiss ko na po kayo." Sabi ko sabay flying kiss

"O'sya, sige na. Maggagayak pa ako ng ina kong gamit dito eh." Pagpapaalam ni papa at ang huli ko nalang nakita sa screen ay ang malaanghel na ngiti ni papa

Naks! Hahahahaha. "Sige ma, babalik lang po muna ako sa kwarto. Baba narin po kayo, nagbebake ng cookies si ate. Meryenda natin." Sabi ko

"Sige anal, susunod na ako. Maglilinis lang ako ng kwarto" sabi ni mama at isinarado ko na ang pinto at tumuloy na sa kwarto ko

Nakapaglinis na kami ng bahay. Maliban lang sa mga kwarto namin.

Kaya naman kumuha ako ng panlinis sa banyo ko at nagsimula ng maglinis ng kwarto habang tinutugtog ang bagong kanta ng Before You Exit! Ang Heart Like California. Wohooo~

.

Inabot ako ng mahigit isang oras at kalahati sa paglilinis.

25% paglilinis

75% sa pagtingin tingin ng mga nakikita at nahahalukay kong mha abubot

HAHAHAHA. Aminin nyo ganoon din kayo. Pag may nakita kayong gamit, uupo sa isang tabi o sa lapag tapos titignan o babasahin yung mga nakita nyo.

"Cendleyyyy! Tara na, kumain kana." Rinig kong tawag sa akin ni ate mula sa baba

"Susunod na!"

Inayos ko na yung mga ginamit ko g panlinis at nagspray na ako ng aur freshener na strawberry flavor.

"Uhmmm... Ang bago." At inamoy amoy ko pa yung kwarto ko bago bumaba

"4:30 na, mag meryenda na tayo." Pag-aaya ni ate habang dala dala ang mga binake nyang cookies sa sala na may kasamang orange juice

"Mamaya Candice samahan mo ako ah, maggogrocery tayo. At ikaw muna yung magbantay dito sa bahay na Cendley." Sabi ni mama

"Opo, sige po. Mag-iingat po kayo, madaming tao ngayon dyan sa labas, magpapasko na eh." Paalala ko sa kanila

Pagkameryenda namin ay gumayak na sila ate at mama at umalis na.

Hindi ko alam ang gagawin ko at tamad na tamad ako. Kaya binasa ko muna yung nasimulan kong libro na The Sabotage.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon