Third person's POV:
Pagkatapos nilang kumain ay nagpunta na sila sa mga shops para makabili ng pang pasalubong.
Ang saya saya nilang lahat- tawanan, kwentuhan, picture'an at kung anu ano pa.
Pero hanggang san nga ba ang saya na yon?
May limitasyon ba?
O walang hangganan?
-
-
-
-
Cendley's POV:
Parang kanina pa nakatingin sa akin, ehem, sa amin pero hindi ko nalang pinansin yon dahil wala masyadong tao ngayon dito sa shop pati narin sa labas except sa saleslady na nasa loob nito
"Hahahahaha! Ano ba yan Keshia, akin na nga yan." Kinukuha ko kay Keshia yung dslr niya kasi naman ay kinuhanan nya pala ako nung natutulog ako kagabi, nakanganga pa pala ako.
Grabe lang, nakakahiya talaga. Tulo laway pala ako? Baka kagabi lang yon ah? Aba aba -.-"
"Eh ayoko nga. Hahahaha! Ang cute cute mo nga dito oh~ look guys." Tawag nya kala Ashiel at Mashie na busy kakatingin dun sa mga tshirts.
"HAHAHAHAHAHAHAHA anak ng tinapa Cends. Ang cute mo dito! Hahahahaha" sabi ni Ashiel, hayst
"See? Cute mo talaga dito. Haha" sabi pa nitong Keshia, kanina pa ito ah
"Uy guys, wag nyo namang ganyanin si Cends. Privacy naman, bakit mo ba kinuhanan Keshia?" Mabuti pa itong si Mashie pinagtatanggol ako
"Eh ang cute nga kasi nya dito oh~" sagot naman ulit ni Keshia
Hahahahaha! Bright idea Kesh! Atleast hindi lang mga material things pasalubong natin, kundi pati rin itong picture ni Bebe Cends natin. Hahaha!"
AKALA KO PINAGTANGGOL NA AKO.
ANG ASSUMING NA SI AKO. Bow.
Sakit laang sa bangs ha? Nilayasan ko nalang sila dun at namili nalang ng maraming souveneirs.
Narinig ko namang tawa sila ng tawa. Kaasar lang. Pero okay lang, cute padin naman ako eh. Bwahahaha I love the idea. Mwa mwa!
"Mga gals, sa monday nga pala, absent ako ah?" nakangiting sabi ni Ashiel
"Ako din." sabi naman ni Mashie
"Hoy hoy, ano yan? May date ba kayong dalawa?" sagot ko habang magkasalubong ang dalawang kilay at nakapameywang pa
"Hindi naman gal, ako kasi monday at tuesday. Si tito kasi ay pupuntahan namin nila mama sa Davao, darating daw ng monday eh hinahanap kami kaya pupunta kame." sagot ni Mashie
"At ako naman girl ay monday lang. Sasakit daw ulo ko sa monday eh, sabi ng puso ko--Aray naman!" binatukan ko nga
"Anong sasakit? Ano to nakaschedule na yung sakit? At tsaka anong sabi ng puso puso?"
"Easy ka lang girl. Hahahaha! Joke lang naman yon eh. May party kasi si Alden sa school nila ng monday, kailangan ng guardian, eh bawal naman sila mama kasi may business meeting sila nila papa sa Singapore ng three days. So ako ang naatasan."
"Ahh~ ganun ba o'sige." sagot ko nalang "Ikaw ba Keshia, mag-aabsent ka din?" nakabusangot kong tanong, baka naman pati sya rin?
"Hindi noh, sipag ko kayang mag-aral. Bwahahaha." good then hahaha, "Pero mga sissies, nasan na kaya yung mga boys? Kanina pa yun ah?" Sabi ni Keshia
"Nako, may namimiss ka lang eh." Pang-aasar naman nung dalawa, aha! Ikaw naman ngayon HAHAHA
Kanina pa kasi umalis yung mga boys eh, pagkatapos nung lunch ay lumarga na kaagad sila, eh magti-3 pm na.
"Hindi, kasi tignan mo si ate mo oh~" sabay turo niya kay ate sa may bench sa labas na kanina pa tingin ng tingim sa phone na hawak hawak niya. Aww. Miss na si Glem.
"Oo nga noh" sagot naman nung dalawa, kanina pa sabay tong dalawang to eh. Enebe talaga? Kambal din ba sila gaya ng sa lovers nila?
"Tara lapitan natin, tutal tapos narin naman na tayong mamili eh." sabi ko naman
Habang papalapit kami ay may biglang lumapit sa kanya na nalaitim lahat at nilagyan ng panyo ang ilong nya at bigla nalang nawalan ng malay si ate.
"Ate... Wag nyo po syang sasaktan" pabulong kong sabi habang umiiyak na.
Nawalan ito ng balanse at sinalo naman sya nung lalaki, at binuhat sya ng parang sako at lumayas na sila at may kasunod pa pala ito sa likid nila ate na isa pang lalaki na nakaitim din
Akala ko ay sa mga teleserye o movies lang ito nangyayari, lagi ko pa naman sinasabi noon na kapag nakakapanuod ako ng ganito ay 'nako, common na yan sa mga palabas eh, hindi naman totoo mga ganyang eksena, at tsaka nasaan na mga tao? Imposibleng wala?'
Ayun pala ay maaari rin palang mangyari ang bagay na ito sa amin.
Lord, please help us. Don't let them hurt my ate.
Ayan nalang ang tangi kong magagawa sa mga oras na ito.
Nabato kaming apat sa kinatatayuan namin.
Walang ni isang nagtangkang tumakbo papalapit kay ate kanina.
NASAN NA BA KASI YUNG MGA LALAKI NA YON?
Syt lang. San ba sila matatagpuan?
Nung nakaalis na yung lalaki na nakabonet din ng itim, kaya hindi namin sya nakilala ay dun lamang kami nabalik sa wisyo.
"Sisters! Kailangan nating humingi ng tulong! Tara na!" natatarantang sabi ni Ashiel
"Oo nga. Hala! Baka kung ano pang mangyari kay ate Candice." kanina pa paikot ikot si Mashie, ganyan yan kapag kinakabahan
Ako rin ay kinakabahan pero ayae ko lang ipakita. Dahil kung lahat kaming apat ay matatakot ay walang mangyayari saming matino nor maganda.
Pero, nasan na ba kasi sila? Nakakasakit na ng ulo. Naninikip na dibdib ko sa kaba.
Tsaka bakit wala masyadong tao sa lugar na ito, dun naman sa kabila ay medyo matao naman.
Dulo na kasi ang shop na huli naming napuntahan kaya hindi masyadong puntahan ng mga tao.
"In the first place, sino bang pakay nila kay ate/ate Candice?" nagkasabay naming sabi ni Keshia kung kayat nagkatinginan kami at niyakap ako ni Keshia
"Stay strong, may awa ang Panginoon." pabulong na sabi nya sakin habang nakayakap padin
"GIRLS~!" sigaw ni Ashiel yun ah
Nagkabitaw kami sa pagkakayakap at nakita ko na may humatak ding lalaki na gaya kay ate ate...
"Bitawan mo akong lintik ka!" si Mashiel naman, "Dudukutin ko yang mga mata mo, ikaw na hayop k--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil nagay narin sila kay ate na nawalan na ng malay
Naghawak kamay nalang kami ni Keshia.
At ang huli ko nalang na nakita ay ang mga mata ni Keshia na takot na takot.
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•