Aray. Hala. A-ano ng gagawin ko?
"Ehh kasi, ano. Uhm sa---" dii ko na natapos sasabihin ko kasi hinatak na nya ako papunta sa may music studio. Err, alam ko na mangyayari. :3 KUYAAAAAAAA!
Nandito na kami ngayon sa loob at nakaupo ako habang si Kuya Paulo ay nakikipagusap dun sa isang babaeng di ko kilala.
Nakita ko namang tumingin sakin ang dalawa at sabay pang ngumiti. Anong meron? At lumakad na papunta sa kinaroroonan ko.
"Uhm, Cends Tara na. Pasok na tayo dun at ng makapagrecord na tayo." sabi ni Kuya Paulo at hinatak nanaman ako papasok. Nakatingin lang sakin yung babae at nakangiti padin. Hala.
"Er, Kuya. Baka hindi matuwa yung kapatid mo sa ireregalo mo. Nyahaha. Pag ako sintunado, lagot ka." sabi ko nalang para pakalmahin sarili ko.
"Hindi yan. Matutuwa pa ypn panigurado. Hahaha." sabi nya, ang cool padin nya magsalita
Lumipas ang 5940271730681 years at natapos din kami. Hay nako, mamamaos na ata ako dito. Gusto ko ng tubig.
Lumabas na muna ako at naupo habang hinihintay na matapos si Kuya sa pagrerecord. May solo daw kaso syang dapat gawin ehh para mas maganda daw.
Nakita ko namang nakatingin sya sakin habang kumakanta kaya napaiwas naman ako ng tingin.
AWKWAAAAAAARD.
-------------------------------------
Kinabukasan
"Cendley gising naaaaaaaaaaaaa! Late kana ohh." ha? Ang ingay naman
"Taba! Taba! Taba! Wake up!" si ate yun. Ingay ehh.
"Laki eyebaaaaaags. I said wake up na! Late na late kana! Open your eyes na." tsee, conyo mo. Mwahaha. Bahala ka dyan.
Feeling ko kakatulog ko palang ehh tapos eto ako ngayon ginigising na. Ganun ba talaga kabilis ang oras? Aisstt.
"Baby. Gising na..." si mama naman yon
Okaay. Eto na, gigising na.
Umupo na ako kahit nakapikit padin ang mga mata ko. At dahan dahang binuksan ang mga ito.
"HAPPY BIRTHDAY BABY!"
"HAPPY BIRTHDAY TABA!"
*Booooogshh* sabog confetti
Aww. Oo nga noh Nakalimutan ko. July 1 na nga pala. Bilis ng panahon. Kelan lang 13 ako, ako 14 na.
Naalala ko non, nandito si papa last year. Ngayon wala. :( pero okay lang atleast nandito naman sila mama.
"Blow your candle na baby..." sabi ni mama habang nilalapit sakin yung favorite flavor kong cake. Strawberry cake. Oo, strawberry. Galing noh? Wag kayo, masarap yan. ;))
Nafaflattered na ako. Mahirap kasing humanap ng ganyang flavor sa mga cake stores. Depende nalang kung magpapasadya kapang magpagawa.
Yiieeee.
"Hep hep hep, wish ka muna." sabi naman ni ate.
Nagwish na ako then binlow ko na yung candle.
"Okay, yan... Sleep kana ulit. Hehehe. Good night baby." sabi ni mama
"Ha? Ehh tanghali na po ako diba? Ehh maliligo na po ako, sige po. Dii na po ako kakain." akmang tatayo na ako dahil hindi ko talagang ugali ba malate. Err. Kahiya kayang malate tapos sayo nakatingin lahat ng mga kaklase mo pag pasok mo with kasama pang pagalitan ni teacher -.-"
"Hahaha. Don't be paranoid bunso. We're just kidding you. 12am palang ohh " sabi ni ateng conyo at pakita nya ng orasan ko sa tabi ng kama ko
Oo nga noh. Aww. Sweet. Ginising pa talaga ako ng 12 para lang mabati nila ako. Pero naloko ako dun ahh. Hahaha.
"Yiiee, ang sweet nyo po talaga. Pahug ngaaaaaa!" at sinakmal ko sila ng yakap ko
Naiiyak na ako.
"Err. Ano ba yan. Nakakatouch na. Hahaha." umiiyak na tumatawa na ako. Haha. Kainsane.
May kinuha naman si mama sa tabi ng kama ko. Yung laptop nya. Napansin kong nakaonline pala si Papa! Yeheyy! I knew it! Mwa mwa!
"Hii bunsooooo! Happy Birthday! Sana nandyan din ako, kaso alam mo na. Hahaha. Maybe next time baby. Babawi si papa sa'yo. Magpakabait ka ha? Love na love ka namin. Mwah!" at nagflying kiss si papa. Sinalo ko naman yon.
"*hik* pa-papa. *hik* salamat po sa *hik* sa lahat lahat papa. *hik* mahal na mahal din *hik* po kita. O-okay lang po atleast *hik* nakausap ko po kayong tatlo nila mama at ate sa *hik* unang oras ng birthday ko. *hik*" at nagflying kiss din ako sa kanya at sinalo nya din.
"Okay, tama na drama. Nakakapangit yan. Haha." sabi ni mama
"Good night na sweetie." sabi ni papa
"Good night na din po papa. Ingat po kayo palagi dyan." sagot ko naman
"Good night na din bunso." sabi ni ate
"Sleepwell baby. Be ready." sabi ni mama at umalis na sila at pinatay na ulit ang ilaw.
Ha?
Akmang hihiga na ako ng may mga nagtext naman sa akin.
Mga kaklase ko na bumati din. Aww. Nagcountdown din sila.
Yung mga pinsan kong nasa ibang lugar, bumati din.
Sila friendships binati na pala ako kanina pang 12. Sakto. Ang galing galing. Sweet.
Naiiyak nanaman ako. HAHAHA. Enebe.
Ilalapag ko na sana yung phone ko ng may tumawag naman... Si Kuya Paulo.
"Hello Kuya!"
"Hi Sissy. Nagising ba kita?"
"Ayy, hindi. Nagising na ako kanina pa. Hahaha Uhm, bakit ka nga pala napatawag?" malay ko ba kung alam neto na birthday ko o hindi.
"Syempre, babatiin kita. HAHA. Happy Birthday Sissy. Tanda mo na! Hahahaha."
"Aw, alam mo pala. Hahaha. Kala Keshia nanaman noh? Haha. Salamaaaaaat Kuya Paulo."
"Oo, sa kanila. Haha. Tsaka magkabirthday kayo ni kapatid ehh. Haha. Sigee, good night na. Sleepwell. Tutulog na din ako, binati lang kita. Hehe."
"Ahh ganun. Haha. Oo nga noh. Sige sigee. Good night na din. Salamat ng madamiiiii." at pinatay ko na phone ko
Hayy... Ang saya agad ng araw na ito. Ganda ng bungad. ;))
-------------------------------------
Nagustuhan nyo ba? Hahaha. Natapos ko din sa wakas ang chapter na ito. Hahaha.
Next chappy - Chapter 5 'Cause you're Special
Anong masasabi nyo? :))
vote.comment.and.share. ♥
© coleensumpter xx