AKK 28 Better Together

85 2 0
                                    

Nakakapagtaka talaga ang mga nilalang ngayon.

Yung mga taong hindi ko madalas kausap ay yung mga nakausap ko pa halos buong araw. Tapos yung mga malalapit sa akin ay iniiwasan ako?

Wala naman akong sakit ah? Wednesday lang naman.

Nagkanya kanya na yung tatlong maria sa pag-uwi kanina kaya ako ngayon heto. Nakasakay na sa may jeep. At uuwi na mag-isa.

Pagkarating ko sa bahay ay nasa salas si mama at nanunuod ng Divergent. Wow ha, science fiction na pala mga hilig ni mama ngayon? Hahaha.

"Hello ma." bati ko at kumiss sa right cheek nya at naupo sa tabi nya

"Kamusta school be?" pagtatanong ni mama

Tinignan ko muna sya at huminga ng malalim tapos tumingin ako dun sa pinapanuod nya bago sumagot "Ayun, pakiramdam ko iniiwasan nila akong lahat. Buti nga may kumausap pa sakin kanina eh, yung hindi ko pa kaclose." malungkot kong sabi

Niyakap naman ako ni mama "Lahat ng bagay anak, may dahilan. May plano ang Panginoon para sa atin kaya sumunod nalang sa agos." pagkasabi nya non ay binitawan na nya ako at nginitian

"Tama nga ho siguro kayo ma. Sige po akyat na po muna ako." sabi ko at kinuha na ulit yung bag ko tapoa umakyat na ako

Pakiramdam ko kulang yung araw ko kasi hindi kami okay ng tatlong maria.

Nagbihis muna ako at nagstay sa may terrace ko dito sa kwarto.

May lamesa naman dito kaya naupo muna ako at nagpatugtog. Kinuha ko din yung diary na nabili namin ni mama sa may sm.

"Anong meron ngayon? Bakit parang may dumaang anghel sa amin buong araw? Walang tawanan, walang ingayan at kwentuhan na naganap. Ang nangyari lang ay iwasan." kausap ko sarili ko

"Wala naman akong ketong ah! Aba aba. Kapag okay na talaga kaming lahat, kukutusan ko sila isa-isa." napangiti naman ako sa sinabi kong iyon kaso nawaglit din kaagad, miss ko na kaagad sila

Papaano pa kaya kung linggo, buwan o taon ko silang hindi makikita nor makakausap?

Ay nako, masaklap iyon. And I won't allow it to happen.

Bigla namang humangin at gumalaw yung dahon dito sa may vase ng terrace ko. Nagsway sway sya kumbaga, kaso nga lang ibang klaseng sway. Parang may nakagalaw o sagi dito.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpalipas nalang ako ng oras.

Magdidilim na nung dumating sila tita, yung mama ni Yohan. Nakita ko lang mula dito sa itaas at kasunod naman nito si Yohan and Gremlins.

Lahat sila ay nakaitim na leather jacket. Anong meron? Outfit of the day. Hahaha.

Tatawagin ko na dapat si Ginger ng matingin naman ito sa akin at poker face, napansin ko namang pawisan silang apat. Mainit lang ang peg? Bakit kasi nakaleather jacket?

Pumasok na sila sa loob at hindi na din ako pinansin.

Hays. Ano ba naman yan.

-

Lumipas ang buong gabi na iniisip ko parin ang buong pangyayari ng araw ko ngayon kasama na ang date namin ni Angelo.

Hep hep, di ako assumera. Syempre, gala lang iyon.

Sa kakaisip ko ay nakatulog na pala ako.

"Cendley! Cends! Bebe!" pagkakatok ng malakas ni ate dito sa may kwarto ko

Nagkamut kamot muna ako ng mata ko at saka binuksan ang pinto

Pagkabukas ko ay nanlaki naman mata ko sa nakita ko at napasara ko ng malakas yung pinto.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon