Paulo's POV:
Nandito kaming lahat ng highschool sa may gymnasium. Pinatawag kami para daw sa preparations about sa Christmas Ball.
December na nga pala. Ang bilis ng panahon. Next year, fourth year na kaagad kami at graduating.
Kaso third year palang sila Cends non. Hays, mahihiwalay na ako este kami pala sa kanila.
Tapos tulala pa kahapon. Wala sa realidad ang utak. Kinakabahan nga ako sa sitwasyon nya ngayon eh. Pagkatapos kaso nung nahulog 'daw' sya sa may treehouse, pakiramdam ko may hindi nanamang maganda na nangyayari.
Baka pinapadalhan sya ng death threats? O may nambubully o nambablock mail sa kanya?
Ay nako, sumasakit na ulo ko. Hindi ko na alam kung papaano sya poprotektahan palagi kasi hindi ko alam ang totoo at ang sitwasyon nya ngayon.
Pero basta, lagi lang ako nandito para sa kanya.
Hindi ko nalang sya nilapitan kahapon dahil alam kong hindi rin naman sya makakausap. Kaya ang ginawa ko nalang ay kinausap ko ang mga puli tungkol sa nangyari sa kanya noong birthday ni Keshia.
Ang sabi daw ni Cends ay nahulog lang daw sya. Yun lang din ang lumalabas sa sinabi ng mga pulis sa akin kahapon. Pero malakas ang pakiramdam ko na hindi yun yon eh.
Soon... Malalaman ko rin.
.
Cendley's POV:
Pinatawah kaming lahat at nasa may gitna naman kami nakaupo ng tatlong maria.
Ieenjoy ko nalang na siguro ito kaysa naman sa mag-emo nanaman ako sa mga hindi ko maintindihan na bagay bagay. I know that one day, malalaman ko rin ang mga sagot sa katanungan ko at may iba pang bagay akong matutuklasan.
"Okay. Mga Paradisers, alam nyo na siguro kung bakit namin kayo pinatawag dito sa may gymnasium. Ang Paradise University ay nagkakaroon ng Christmas Ball taon taon kapag ikatlong linggo na ng desyembre. Alam nyo naman siguro lahat yan. So, para sa iba pang impormasyon... Let's all welcome our President Ms.Frey." sabi ni Ma'am Grattan, sya ang laging taga-ayos ng mga events dito sa school namin
Nagpalakpakan naman kaming lahat. Single pa yan si Ma'am Frey. 26 years old palang ata. Ang bata pa noh tapos President na kaagad. Nagtataka nga kami kasi pagkaganda ganda nya kaso nga lang wala pang boyfriend.
"Hi Paradisers. Good morning sainyong lahat. So, sinabi ko kay ma'am Grattan nyo na ako na ang mag-aassign sa bawat isa sainyo ng mga gagawin. And ito na ang lists ng mga gagawin nyo." Kinuha nya ang parang booklet kay ma'am Grattan
"So para sa sections one to two ng first year ay kayo ang mag-aayos ng sound system para sa ating ball. Para naman sa sections three to five ng first year padin ay kayo na ang bahala para sa introduction. Ibig sabihin, kayo kayo ring magkakasection ang sasayaw, kakanta o ano pa man yan para sa introduction. Nagkakaintindihan ba tayo first year?" Nakangiting sabi nya sa mga first year na nasa harap nya.
"Then dumapo naman tayo sa second year. Kayong lahat ang bahala sa pagkain natin. Mamaya ay ibibigay ni ma'am Grattan nyo sainyo ang mga sangkap at lahat ng lulutuin at ihahanda nyo para sa ball natin. May tiwala ako sa mga second year, hindi porket sophomores palang kayo ay hindi nyo na kaya ang mga ganyang gawain. So I know that you can do that guys." Sabi nya at nginitian naman ang mga second year na nasa medyo kanan nya
So kami pala sa pagkain. Nako, sana maging masaya tong ball na ito. Lalo na pag natikman na nila ang pagkain. Hahahahahaha. Baka magsiuwian ang lahat. Joke lang -.-"
"Para naman sa third year, kayo naman ang bahala sa venue. Magtanong nalang kayo kay ma'am Grattan if okay na ba o hindi ang napili nyong place at baka matulungan nya kayo."