AKK 44 The Truth Will Set You Free

76 3 0
                                    


Nick's POV:

Sinabi ko na lahat. Lahat lahat ng dahilan ko sa kanya. Lahat ng mga tanong nya ay sinagot ko narin.

Si Candice nalang ang hindi pa nakakaalam. Sana si Candy na ang magsabi dahil nahihirapan na rin naman akong magpaliwanag.

.

Cendley's POV:

Pagkasabi ni papa ng mga bagay na 'yon sa akin ay umalis ako. Hi-hindi ko kinaya. Hindi ko kinayang marinig ang mga sinabi ni papa. Kaya ang ginawa ko ay umalis muna ako at nagpunta sa may rooftop ng hospital. Walang tao dito. Mahangin. Parang garden sya na nasa itaas at may mga bench sa gilid.

Lumapit ako sa may steel ay tinignan ang magandang view nitong aming syudad. Nabigla ako sa sinabi niya.

May... may sakit si papa. Sakit na hindi ko alam na dapat ko bang ikabahala ko hindi.

Naalala ko tuloy yung mga pangyayaring kumakain kami nila mama at ate. Minsan ay parang may pinag-uusapan silang hindi ko maalala.

Naalala ko yung pangayayaring nagtitinginan sila at parang nagsesenyasan. Yung parang nagkakailangan pa sila. Yung parang may sasabihin dapat sa akin kaso hindi nila masabi sabi.

Lahat ng mga yon ay nagbabalik sa alaala ko ngayon. Kaya pala... kaya pala palaging may weird feeling ako.

Alam naman na pala nilang may sakit si papa ah? Bakit hindi agad ipinagamot? Bakit hinayaan nalang nila? At bakit hindi kaagad sinabi sa akin? Ibang tao ba ako?

Naiiyak na ako. May namumuong luha na sa mga mata ko. At biglang pumatak naman ang luha ko sa kaliwang mata ko. Kaagad ko itong pinunasan ng kanang kamay ko. Nakakaiyak. Peste.

Huli naba ang lahat?

"AHHHHHHHHHHHH!" pagsigaw ko habang nakahawak ng mahigpit sa may steel

Napahinto ako. "Ang sabi nila, gagaan daw ang pakiramdam mo kapag inilabas o isinigaw mo ito. Hindi naman effective eh." Nasabi ko sa sarili ko habang nilalasap ang masarap na hangin. Kulang paba ang powers ko sa pagsigaw?

Sisigaw na sana ulit ako ng may nagtakip sa dalawa kong mata. "Hey, sino to?" Tanong ko habang kinakapa ang mga kamay na nasa mga mata ko ngayon

"Sigaw ka ng sigaw dyan. Baka maputulan ka ng ugat sa lalamunan nyan." Sabi ng isang ewan na boses, halatang pinalitan ang boses nya.

Natawa naman ako ng bahagya "Para kang bakla iyang boses mo kuya Paulo. Hahahahaha."

At saka nya lang tinanggal ang mga kamay nya sa mga mata ko at tumabi sa akin ng nakahalf smile.

"Sira ka talaga. Hahahaha. Apam mo namang straight to eh."

"Asus. Hahaha. Eh bakit hanggang ngayon, wala kapa ring naikukwento sa aking nagugustuhan o nililigawan mo?" Pagtatanong ko sa kanya habang nilalasap ang sarawing hangin na dumadapo sa mukha ko

Bigla namang tumahimik ang paligid kaya tinignan ko sya.

Nakatingin lang sa ng diretso sa harapan nya at parang namutla na sumeryoso na ewan na hindi mo maintindihan.

"May problema kaba? Pwede ka namang magshare sakin diba?" Pagtatanong ko

Tumingin naman sya sa akin at ginulo ang buhok ko habang nakangiti na. "Ikaw talaga oh. Hahaha. Wala, ano kaba. Tsaka bakla naba kaagad kapag wala pang nagugustuhan? Hoy, 3rd year palang ako. Wag excited. Hahaha." Sabi nya at naupo sa bench sa may kanan nya

Tumahimik nanaman ang paligid kaya binasag ko na "Alam mo, may mga dahilan siguro ang lahat ng ito kaya nangyayari ito sa akin... sa amin. Dba? Sa tingin mo?"

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon