Cendley's POV:
"Kyaaaaaaaaaaaah!"
Ang tanga ko rin pala. Ay. Hahahahaha. Nalaglag ako sa may hagdan. Hahahaha.
Pero huwag kayong mag-alala, nasa ikaapat na baitang palang naman ako.
Naout of balance lang, kaya naman tumayo na ako at ipinagpag ang damit ko't umakyat na muli.
"Hays... Ang sarap naman ng simoy ng hangin dito." sabi ko at inilibot ko ang loob ng treehouse
"Mukha namang walang napapadpad talaga dito pero bakit ang linis linis dito?" sabi ko at umupo sa may papag na gawa sa kawayan
Shocks! Ang dilim na. Kinapa ko naman yung bulsa ko para hanapin sana yung phone ko kaso iniwan ko pala dahil yung dslr lang ang dinala ko.
Sino ba namang magtetext habang nasa dagat ka aber? Hahaha.
"Anong oras na ba?" napatingin ako sa may wrist ko, kaso wala nga pala akong suot na relo
Ano ba? Bagsak balikat akong nahiga sa may papag.
Para naman hindi ako matakot ay kumanta nalang ako.
And I hate how much I love you, boy
I can't stand how much I need you
And I hate how much I love you, boy
But I just can't let you go
And I hate that I love you so
Ha? Hahahaha. Palitan natin.
Bright cold silver moon
Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Ano daw? Eh wala nga ako bahay.
Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging
Tibok ng puso mo
Naalala ko nanaman tuloy si Angelo. Hays. Tadhana, nasaan kana ba? Kupido?
Tamaan mo naman ako ng kahit ilang pana mo, kahit masakit tamaan. Okay lang.
I feel
So free
It's like a fantasy
Having you next to me
Suddenly it's magic
Iniimagine ko nalang na katabi ko si Angelo ngayon. Hahahaha. Crazy me.
I'm not crazy, I'm just a little impaired
I know right now you don't care
But soon enough you're gonna think of me
And how I used to be
"Nako, tama na nga." sabi ko at naupo nalang ulit ako
Lumapit ako sa may gilid at nilasap lasap ko ang hangin kahit madilim na. Medyo takot lang naman ako sa dilim eh. Whoah.
Naghanap naman ako ng kung ano sa lamesa dito and "Yes! Gotcha!" nakakita ako ng posporo at yung maliit na lampara na may gaas.
Cool. Ayan, may liwanag na din.
Ipinatong ko yung lampara sa may bintana at nagmuni muni nalang ako doon. Ano pabang magagawa ko? Edi magpalipas ng umaga dito.
Naaalala ko pa noon, nung naiwan din ako sa may kwarto ko at nalock naman ako doon. Madilim.