Cendley's POV:
Nagsimula ng pumasok isa isa ang mga estudyante by pairs.
Ang ganda nga dito sa hotel eh. Ang lawak nya. As in malaki. Paano ba naman, buong high school eh.
Almost 4 to 5 thousand students. Can you even imagine that? Hahahaha!
Mabuti nalang at magagaling ang mga fourth year students at nakahanap ng ganito kagandang lugar.
And Christmas gift narin samin ni ma'am Frey ito. So wala na kaming ginastos dito. Except syempre sa mga suot at ayos nanin ngayon. Hahaha.
Nagsimula ng magsisayawan ang mga ibang year levels. May banda pa nga eh. Ang gagaling.
"Masaya pala dito noh? Noong nakaraan kasi hindi ako nakasama eh." Sabi ko sa kanila
"Nako sis, hindi rin naman kami pumunta eh. Syempre wala ka. So dapat hindi narin kami tuloy." Sabi ni Ashiel na inagreehan naman ni Mashie
Nako, yung dalawang yan kararating lang. Malamang may ginawa na yan. Hahahaha. Pero joke lang.
"Oo nga pala, diba kaya hindi ka nakapunta non sis kasi may sakit si tito Nick? Tama ba?" Pagtatanong ni Keshia sabay sip ng iced tea
"Oo eh." Sagot ko naman
"Eh kelan naman uwi ni tito? Diba sa Thursday na ang Christmas?" Pagtatanong ni Yohan habang ngumunguya nung cupcakes na binake namin
"Hindi ko pa alam eh. Wala pa naman kasing nababanggit si mama sa amin ni ate." Sagot ko
Magtatanong pa sana sila kaso biglang nagdim yung lights tapos yung mga nagbabanda sa harap kanina na maiingay ay biglang parang naging boyce avenue ang dating, naging acoustic.
"Paradisers, ehem. Excuse me first." Sabi ni ma'am Grattan "10:30 na mga paradisers so I want you to enjoy the remaining hours in this place with your partners, friends and etcetera. Okay? No PDA or else the party is over." Sa sinabi ni ma'am, ang daming nagreact
Ngumiti naman sya ng nakakaloko "Hahahahaha nah, I'm just kidding. I understand you guys. Enjoy the night!" Sabi nya at umalis na sa stage
"Tara, sayaw tayo guys?" Pag-aaya ni Ginger
"Sira!" Binatukan naman sya ni Cody "Sayaw ka dyan. Ni wala ka ngang niyaya para maging partner mo eh"
"Eh bakit, kailangan ba pag sasayaw may partner?" Pandedepensa nya
"Abay oo! Maglinis ka nga ng tenga mo, pakinggang mo yung kanya. Medley lang tapos ano? Sasayaw ka ng solo mo? Walang partner ganoon? Edi nagmukha kang engotski dyan sa gitna?" Sabi ni Cody
"Hoy hoy, kayong dalawa. Tumigil na kayo dyan. Hahaha. Aba pinag-aawayan paba yan?" Pang-aawat ni Yohan
"Kung ako sa'yo Ginger, naghanap nalang ako ng partner kesa sa nakipagtalo ka dyan kay Cody." Sabi ni Hailey
Napakamot nalang sa ulo si Ginger at tumayo.
Pagbalik nya ay bigla namang tumahimik ang paligid.
Paano ba naman kasi, ang kasama nya ay si Iris. Ano to, lokohan?
"T-tara na guys? Sa-sayaw paba tayo?" Awkward na pagtatanong ni Ashiel
Ako na ang naglakas loob "Sige. Tara na guys hanggat wala pa masyadong mga tao sa dancefloor." Sa wakas nasabi ko rin ng matiwasay, si Irish, tahimik lang na nakangiti sa amin, ano nanaman bang balak nya? Sana naman manahimik na sya no.
.
Paulo's POV:
Pagkapunta namin sa gitna ay biglang humawi ang mga ilan na nagsasayaw doon.