AKK 36 Rest Day

87 2 0
                                    

Cendley's POV:

HAHAHAHAHAHAHAHA.

Mabuti nalang at naging kakampi ko pa itong si kuya Paulo. Hahahaha. Pulang pula na si Keshia kanina pa dahil sa kadramahang ginawa ng bruha.

Pinilit kasi nila Ashiel at Mashie itong si Kuya Paulo na magkwento kaya kahit ano pang suhol ang gawin ni Keshia sa kanya ay nakapagkwento parin si kuya Paulo.

Sana lagi nalang ganito, yung mahuhulog ako. Kahit masalit atleast walang humpay na katatawanan naman sa huli...

Pero joke lang ho yun. Hahahaha. Knock on the wood.

Kanina nagsibalikan yung mga boys sa beach resort para kuhanin yung mga gamit namin at ng makapagpahinga narin naman sila.

Pinauwi ko na rin yung mga girls dahil kanina pa daw pala iyak ng iyak, malamang inaantok na yung mga yon kahit nagpupumilit pang magstay dito.

"Kamusta kana? Pinag-alala mo kami ni ate mo ha." mahinahong sabi ni mama

Naaawa naman ako sa kanila kasi halos maubusan na ata ng mga luha tong mga ito kakaiyak kanina.

Kaya naman niyakap ko si mama "Mabuti naman po mama, sorry po kung nag-alala kayo. Mag-iingat na po ako sa susuno--"

"Kainan na!" masiglang sabi ni ate pagkatapos buksan ng malakas ang pinto

"Hoy ano ba ate!" pagsisita ko sa kanya, kunwari mataray

"Aba aba aba. Naalog lang ang utak, sumungit na kaagad ang little sister ko?" sabi nya habang inaayos ang lamesa at yung mga pagkaing nabili nya sa KFC

"Eh nagmomoment kami ni mama dito tapos sisingit ka? Aba, nasan ang manners dun aber?" sabi ko habang pinagsisiklop ang braso ko

"Tse, sunget. Akin na nga lang itong krushers." sabi nya at hinigupan yung dalawang krushers na nasa lamesa

"Ma, eto yung sa'yo oh. Wag mong bibigyan yang si Cendley ha. Ang sunget na, di ko yan kapatid." sabi ni ate kay mama

Binigyan ko naman ng masamang tingin si ate at yung krushers na nasa lamesa na para dapat sa akin na hinigupan nya.

Naaalala ko nanaman yung dati. Yung ice cream naman sa DQ ang pinagtatalunan namin. Nako, kung wala siguro ako ngayon dito, baka wala ng ganitong eksena. Hays. Thanks Lord :)

"Hahaha, tigilan nyo na nga yan. Tara na at kumain na tayo. 8:30 na oh, at ng makapagpahinga narin itong si Cends."

"Eh mama pano yung ano ko... yung. Aba!" hinugupan nanaman ni ate yung dalawang krushers na nasa kanya, halos makalahati na yung dalawa. Aba, takaw. Hays.

"Oh ayan na nga!" lumapit sa akin si ate at iniabot sa akin yung isa

"Wow ha, salamat! Halos makalahati na nga eh no? Nagbigay kapa?" sarkastiko kong sabi sa kanya

"Arte, binigyan na nga eh." tapos nginitian nya pa ako ng isang malaking ngiti, abat. Talagang nang-aasar eh oh.

Kumain nalang kami at nagpahinga narin. Nakakapagod, medyo nawawala narin yung ibang manhod sa mga sugat ko at onti onti ko ng nararamdaman yung kirot kaya naman itinulog ko na ito.

.

Kinaumagahan...

"Sige ho, salamat po. Kukuha lang po kami ng statement galing sa kanya."

Naalimpungatan naman ako ng may nagsalita. Unti unti kong idinilat yung mga mata ko hanggang sa nakakita ako ng dalawang pulis sa may paanan ng higaan ko habang kausap si mama.

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon