AKK 23 Lost Again?

89 3 0
                                    

Saktong pagkatapos naming kumain ng ice cream ay biglang nawalan ng power. Maliwanag pa naman sa labas, mga 4 palang ata eh. Pero dito sa loob ay madilim na.

"Sisters, walang hihiwalay." sabi ni Keshia, matatakutin ito eh

"Tara na labas na tayo." sabi naman nung dalawa, palaging sabay. Aba hahaha

Lumabas na kami at dito ay maliwanag. "Tara dun muna tayo sa park nila Mashie, nandyan naman service ko. Pahatid tayo." sabi ni Ashiel

Nandun na kami at naupo sa may damuhan sa ilalim ng puno ng mangga

"Dito muna tayo. Madilim sa bahay nyan panigurado eh. Wala pa akong kasama." sabi ko

Nagevil smile naman itong apat. Aba aba aba.

"Hala ka Cendley. Baka mamaya hindi ka lang mag-isa dun. Baka anim na kayo." pananakot ni Mashie

"Oo nga, minsan kamo. Nagpunta ako sainyo. Nung nasa gate palang ako parang may naramdaman akong dumaan sa likod ko tapos, tapos wala namang tao. Kinilabutan ako dun eh." sabi namang nitong si Ashiel

Nagsalita naman si Keshia "Eto pa ha, nung nagjajogging naman ako minsan sa village nyo ng 5:30pm, madilim na kaagad non eh tapos nadaan ako sainyo tapos may babaeng nakapu--"

"STOP IT!" sigaw habang tinatakpan yung tenga kong magkabila "Tigilan nyo yan, gigilitan ko kayong tatlo." sabi ko. Aba, natatakot na ako eh. Tapos kamung dalawa lang ni Cheesecake mamaya? Huwat? Hays

Tumawa naman yung tatlo. Nakoo, nanggogood time nanaman.

Nagmeryenda lang kami dun sa may park tapos nagpaalam na kami sa isa't isa. Naglakad nalang ako pauwi tutal malapit lang naman ito sa.village namin eh.

"Uwaaaah. Mommy mommy, where are you?"

Kinilabutan naman ako sa narinig ko. Boses ng batang babae iyon. Parang pamilyar na boses pero natakot ako syempre, nasa isang daan ako puro puno pa. Eh yung mga bahay na nadadaanan ko eh parang mga saradong sarado pa.

"I'm scared..." sabi nya pa

Nako po, ako din. Takot na din baby. Hala.

Biglang may humawak sa kanan kong binti. "Ay tipaklong na asul!" napatalon kong sabi

"B-baby Chi?"

"Ate? A-ateee! Nandito ka!" sabay yakap ni baby chi sa kanan kong binti

Namamaga na yung mga mata nya sa kakaiyak.

"Baby, bakit nag-iisa ka nanaman dito? Tsaka bakit nandito kayo sa maynila? Diba nasa Baguio kayo?" pagtatanong ko

Tumahan naman na sya "Opo, dito po kami nakatira, namasyal lang kami sa Baguio. Tapos, si mommy, nawawala nanaman. Lumabat kasi ako sa bahay eh. Lumabas din po kasi yung kuya ko po" sabi nya

"Ahh, ganun ba? Alam mo ba kung nasan na bahay nyo?" pagtatanong ko

Umuling naman sya, "Pero alam ko po color nung house namin."

Nagsmile naman ako sa kanya tapis ngumiti din sya sakin. "O'sige baby. Anong color?"

"Parang peach po ata yung house tapos yung gate, white and yellow. Ganun po ata. Hindi ko sigurado eh ate"

"Ahh ganun. Tara hanapin natin baby." humawak naman sya sa may kamay ko at naglakad na kami

Nakakathirty minutes na kami kado hindi padin namin makita.

"Eto, eto ate!" masiglang sabi ni Baby Chi "Tara sa loob, pasok tayo."

"Sigurado kaba dyan baby?"

"Opo ate. Tara." nakasamile na nyang sabi

Bubuksan na sana namin yung gate kaso may nagbukas na sa loob

"Angelo?/Cendley?" nagkasabay naming sabi

"Magkakilala po kayo?" tanong ni Baby Chi

"Oo baby." sabay nanaman naming sabi, uso ba yon?

"Tara na po sa loob dito kana magdinner ate." aya ni baby sakin.

"Hindi na baby, okay lang uuwi na din naman ako eh." sagot ko

"Pasok na Cendley." sabi naman ni Angelo

Nako po, papaano na? Anong palusot ko?

"Ehh kasi--" no choice hays, hinatak na nila akong dalawa papasok

Pagpasok ko ay nandun si Tita, yung mommy ni Baby Chi.

"Cendley?" umiiyak na tawag sakin ni tita "Baby!" sabay takbo at yakap naman nya kay baby chi "Nako po, san kaba nanggaling bata ka? Palagi ka na lang nawawala."

"Sorry mommy. Buti na nga lang po at nakita ulit ako ni ate eh."

"Ulit?" pagtatakang tanong ni Angelo

"Oo, nung nasa Baguio kami na hinanap nyo ako nung last day natin dun." sagot ko, tumango tango naman sya

Nakakain na kami ng hapunan. May power na din. Nako po, lagot ako kala mama nito.

"Angelo, ihatid mo na si Cendley." sabi ni tita

"Ay nako po, wag na po. Salamat po. Sige po." akmang lalabas na ako ng hawakan ni Angelo yung kaliwang braso

"Tara na, ihahatid na kita." maawtoridad nyang sabi kaya napa-okay nalang ako

Natawa naman si tita. "Sige na. Hahaha salamat ulit ng marami Cendley. Hayaan mo sa susunod babawi ako sa'yo."

Sasagot pa sana ako ng hatakin na ako ni Angelo sa labas.

Sumakay kami sa isang mio. Sanay naman akong sumakay sa mga motor eh. Kasi si papa noon nagmomotor.

"So pinsan mo pala si Baby Chi?" pagtatanong ko

"Oo."

"Edi ikaw yung sinasabi nyang lumabas kaya nasunod sya?" tumango lang sya

Hindi na ako nagtanong pa at nakauwi na rin ako sa bahay. Nandun na din sila mama.

Ang wiweird talaga ng mga tao ngayon.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon